Jaehyuk's POV
"Yoon Jaehyuk."
Napabalikwas ako sa kinauupuan ko nung narinig ko yung pangalan ko. Namiss ko yung boses na yun ah?
"Junkyu? Bakit ka nandito?"
Nagulat ako nung bigla bigla niya akong hinampas. Luh anong kasalanan ko dito?
"Bakit di mo ako pinapansin ah? Nakakainis kang bwiset ka." sabi niya at nagpout nanaman. LOH
"For your information, ako ang di mo pinapansin." pagtatama ko. Totoo naman eh. Simula nung naging close na sila ni Jihoon di na ako pinapansin.
"Hindi kaya. Ikaw. Tapos si Dobs lagi mong kinakausap di mo man lang ako kumustahin." sabi niyang ganon. Anong meron dito?
"Hay nako. Bakit ka ba naparito?" tanong ko sakanya.
"Wala si Dobs sa bahay eh. May pinuntahan." sabi niya. Eh bat di siya pumunta kay Jihoon?
"Ha? Saan nagpunta si Doyoung? Okay na ba siya?" tanong ko.
"Ha? Oo naman. Bakit anong meron don?" NAKO DI PA NIYA ATA ALAM.
"Awit. Pati kapatid mo di mo na alam kung ano nangyayari sakanya." sabi ko nalang. Wala naman ako sa posisyon para ikwento.
"Rinig kong umiiyak yon gabi gabi. Anong nangyari?"
Eh dahil sa kapatid ka naman niya, sasabihin ko na. Ang gulo ko no? Parang yung nararamdaman ko sa-
"Di sila nagwork ni Yedam." pagpapaliwanag ko. Tumango nalang siya.
"Ganon talaga. Pag di pwede. Hindi talaga pwede." sabi niya.
"Parang tayo." Mahinang sabi ko. "Ha?" Ay gago narinig niya...
"Wala sabi ko nagugutom ako." pagiiba ko ng usapan.
"Gusto mo bang magluto ako?" tanong niya. Umoo nalang ako. Kesa sa lumabas pa kami tinatamad ako.
"Bakit nga pala dito ka pumunta? Bakit hindi kay Jihoon?" bigla kong tanong. Ewan ko rin.
"Ayaw mo atang nandito ako eh. Sige." sabi niya at binitawan lahat ng hinahawakan niya. "Biro lang. Sige na magluto ka na."
"Alam mo ba namiss kita." sabi ko. "Hindi kita miss. Kakasawa yang mukha mo." sabi niya at inirapan ako. Hay nako haha.
Pinapanood ko lang siya habang nagluluto. Matagal ko din tong di nakasama eh. Pano puro Jihoon. Tss. Hindi ako nagseselos. Hindi talaga. Anong pakialam ko sakanila? Kahit araw araw pa silang magstarbucks at mag mcdo ni Jihoon wala akong pake.
"HOY KINAKAUSAP KITA!" sigaw niya. Gagi ano ba yung mga pinagiisip ko? lol.
"Ha? Ano yun?"
"Wala! Di ka naman nakikinig sa akin! Hmp." natawa nalang ako. Namiss ko to.
Kung sineseryoso mo lang yung mga sinasabi ko sa'yo, kyu.
Okay di na ako magsisinungaling. Lumalayo talaga ako sakanya. Mahirap na baka mas lalong mahulog ako.
Pero ano pang silbi non? Eh kapag lalong nilalayo ko ang sarili ko sakanya mas lalong nahuhulog ako?
Junkyu, kailan mo ba seseryosohin tong nararamdaman ko sayo?
✧
BINABASA MO ANG
Meet Me Halfway
Fanfiction✦ a junkyu and jaehyuk au ✦ treasure - wherein Junkyu seeks help to his best friend Jaehyuk to make a move to his crush, Jihoon. Certainly, Jaehyuk always confess what he feels for Junkyu as a joke and he's always rejected. What will happen to th...