meet me halfway - part 4

7 0 0
                                    

Jaehyuk's POV

"Tol, sama ka samin mamaya?" tanong ni Hyunsuk sa akin. Simula nung umoo ako sa sinabi ni Junkyu, sumasama na ako sakanila.

The things I do for my bestfriend nga naman.

"Sige. Saan tayo mamaya?"

"Treasure cafe?" sabi naman ni Jihoon. Umoo nalang kami. Sabi ko dati red flag to si Jihoon pero mabait pala. Sinakop ako ng mga wrong info. Napakajudgemental ko pala. Hahaha. Gusto ko lang naman maayos ang gugustuhin ni Junkyu kaya ganon.

"Ji, baka nandoon ulit yung laging nakatingin sayo." sabi ni Yoshi. Nakatingin? Lagi?

"Sino?"

"Yung kapatid ni Doy-" Hindi na natuloy yung sasabihin ni Yoshi nung tinakpan ni Hyunsuk yung bibig nito.

"Daldal mo tanga. Yan yung bestfriend oh." sabi naman ni Hyunsuk. Isa rin to.

"Gago kayo." sabi ni Jihoon at binatukan ang dalawa. Narealize naman ni Hyunsuk ang mga nasabi niya kaya napatakip ng bibig.

"Oo, si Junkyu yung tinutukoy niyo. Haha." sabi ko sakanila. Natawa nalang ako.

"Ah.. Wag mong pansinin yung mga sinabi nila. Gawa gawa lang nila yun." sabi ni Jihoon.

"No prob. Hindi ko naman sasabihin sa iba." sabi ko naman. Teka nga...

"Tinitignan mo rin si Junkyu?" tanong ko sakanya. Hindi siya nakasagot. Hindi nagtagal, tumango naman siya. Mukhang magtutugma sila ah.

"Attracted yan sa bestfriend mo Jae. Kung alam mo lang." sabi ni Yoshi. Hahaha.

"Napakadaldal mo talaga." sabi ni Jihoon sakanya.

"So gusto mo siya?" tanong ko.

"Oo gusto siya ni Jihoon." Sabat ni Hyunsuk.

"Ano ba? Spokesperson ko ba kayong mga hinayupak kayo? Inuunahan niyo ako eh." sabi nalang ni Jihoon. Mukhang aayon ang plano ah. Sabi na eh. Madali nalang to.

"Ayos yan." sabi ko sakanya. "Wag mo munang sabihin kay junkyu ah?" tanong niya. Umoo nalang ako.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa cafe. Dito pala talaga ang tambayan nila.

Nakita ko naman si Doyoung dito. Kasama si Yedam. "Kuya Jae?" Lumapit siya sa akin.

"Hello. Kanina pa kayo nandito?" tanong ko sakanya. Tumango naman siya.

"Bakit hindi mo kasama si junkyu?" tanong niya.

"May klase pa eh. Kaya sumama muna ako sakanila." sabi ko sakanya. Nakita kong lumaki ang mata niya nung nakita niyang kasama ko si Jihoon.

"Kuya yan yung ano ni kuya diba? Hahahaha." sabi niya.

"Wag kang maingay. Ginagawa ko to para sa kuya mo." sabi ko sakanya.

"Ha? Ano? Para?"

"Gusto niyang ireto ko raw si Jihoon sakanya. Ewan ko ba diyan sa kuya mo. Bakit si Jihoon pa. Hahaha." sabi ko.

"Nako good luck sayo kuya Jae." sambit niya. "Madali lang. Mukhang magkakatugma sila eh."

"What do you mean?"

"Wala. Sige na balik ka na kay Yedam." sabi ko sakanya.

"Uy kapatid ni Junkyu yun diba? Close ka talaga sakanila no?" tanong ni Hyunsuk. "Oo. Magkababata kaming tatlo eh." sagot ko naman.

"Jihoon." tawag ko sakanya. "Bakit?"

"Gusto mo bang ipakilala kita kay Junkyu?"

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon