meet me halfway - part 9

9 0 0
                                    

Jaehyuk's POV

"Kuys, gusto mo ba sumama? May outing kami nina Jeongwoo."

As usual, kasama ko nanaman si Dobs. Wala naman nang bago magmula nung di ko na kasama si Junkyu. Namimiss ko na siya.

"Sige lang. Wala naman akong gagawin eh. Kailan ba?"

Magkakaibigan na kami nina Yedam ngayon. Wala na rin silang hard feelings ni Dobs. Close na nga eh haha. Siguro hanggang magkaibigan lang talaga sila. Parang kami lang ni Junkyu haha.

"Sa sabado pa naman. Sabihan mo rin ibang kaibigan mo kuys para marami tayo." sabi niya.

"Naman. Sabihan ko tropa namin ni dam." sagot ko. Tumango nalang siya.

Si Junkyu kaya?

"Wag kang magalala, sasabihan ko rin si kuya." Bakit alam neto iniisip ko?

"Pero okay lang ba sayo?" tanong niya. Ano pa nga ba? Sanay naman na akong nakikita sila ni Jihoon na laging magkasama. Sanay na sanay na kahit nasasaktan ako, nakangiti parin ako pag nakikita ko sila.

"Oo naman. Sasama ba si Asahi?" tanong ko. Tumango ulit siya. Nagiging kaibigan ko na rin tong mga kaibigan ni Dobs. Pero kahit na ilang tao pa ang makilala ko...

Si Junkyu parin talaga ang hinahanap hanap ko.

Tanginang yan. Bakit ba kasi ako umoo? Ako pa talaga ang naging tulay nilang dalawa. Bakit di nalang ako? Sana ako nalang. Walang araw na inisip ko lahat ng nangyayari.

Dumating ang araw na lalabas kami. Siyempre dahil may kotse ako, sina Dobs ang kasama ko. Si Junkyu, ni hindi ko pa nga nakita sa bahay nila kanina dahil maagang sinundo ni Jihoon.

"Tulala ka nanaman kuys. Lalim ng iniisip mo these days ah?" tanong ni Jeongwoo sa akin.

"Iniisip lang niyan si Junkyu." sabi naman ni Asahi. Tignan mo. Alam na nilang lahat na gusto ko talaga si Junkyu. Pero si Junkyu mismo di naniniwala.

"Manahimik kayo. May Jihoon na yun." sabi ko sakanila.

"Wala pa namang sila. Bakit ayaw mo sabihin ang totoo? Iparamdam mo sakanya na gusto mo siya." sabi ni Doyoung.

"Bahala na." sabi ko nalang.

Junkyu's POV

"Lalim naman ng iniisip mo?" tanong nitong kasama ko. Syempre si Jihoon sino pa ba haha.

"Wala lang. Iniisip ko lang yung kapatid ko." sabi ko naman. Hahaha.

"Kapatid nga ba?" makabuluhang tanong niya. Ha? Oo naman. Sino pa ba...?

"Kuha muna tayo ng kakainin natin don." sabi niya. Bumaba muna kami sa isang supermarket at namili. "Kuha ka nalang."

Una, kumuha muna ako ng mga chips. Hehehehe. Para naman mas dama ang outing. Dapat may finger foods. Dami kong kinuha.

UY PRINGLES! Fave namin to ni Jaehyuk haha kuha nga ako. Matutuwa yon!!

"May kukuhanin ka pa?" tanong ni Jihoon sa akin. Nagtungo naman kami sa Drinks.

"Ang dami mo namang kinukuhang banana milk?" tanong ni Jihoon. EH KASI MASARAP HEHE

"Lagi kasi namin tong iniinom ni Jaehyuk kaya dinamihan ko na. Mahilig pa naman yun uminom nito." sabi ko sakanya. Naeexcite tuloy ako pumunta sa dagaaat!

"Oh..." sabi ni Jihoon. Nakabili na kami at dumeretso na agad sa meeting place namin. Nandoon na silang lahat. Bat wala si Jaehyu-

Ah yun nagbubuhat ng mga makakain kasama ni Asahi. Anyways, duremetso na kami sa cottage.

"RAKRAKAN NA!!!!"

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon