Jaehyuk's POV
Matapos ng outing namin, di na kami totally nagusap ni Junkyu. Naiintindihan ko naman eh. Alam kong ganun ang mangyayari.
Pero ano pang magagawa ko? Tapos na. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin sakanya gamit ang isang kanta. Alam kong ramdam niya iyon dahil nagkatinginan kami habang kumakanta ako.
Friday ngayon at may gig kami mamaya nina Yedam. Wala naman nang bago. Sina Doyoung na lagi kong kasakasama.
Ngayon, napagisipan ko na ang gusto kong kapalit kay Junkyu dahil sa pagtulong ko sakanya kay Jihoon. Huli na rin to. Pagkatapos, papalayain ko na rin tong nararamdaman ko sa bestfriend ko bago matapos ang araw.
"Jae? Ayos ka lang?" tanong ni Asahi sa akin. Tumango naman ako.
"Di yan ayos. Maniwala kayo diyan." sabi naman ni Doyoung.
"Desisyon ah?" biro ko naman.
"Wala ka namang maloloko kuys eh. Lagi kang tulala. Wala sa wisyo. Lalim ng iniisip." sabi naman ni Jeongwoo. Ang dami niyong nalalaman di na to pwede haha.
"Doyoung? Nabigay mo ba sa kuya mo yung pinapabigay ko?"
Sulat lang naman yon. Walang espesyal don.
"Oo. Pansin ko rin kay kuya laging tulala sa bahay." sabi niya. Ha? Bakit?
"Paano naman?"
"Tulala as in nakatingin lang sa kawalan. Parang si kuya Jae lang na malalim ang iniisip. Di masyado nagalaw." kwento ni Doyoung. Anong nangayayari don?
"Dati rati pag umuuwi matapos nila magkasama ni kuya Ji sobra siya makangiti. pero these past few days, lagi siyang wala sa sarili niya. Tinatanong ko naman pero lagi siyang umiiwas." pagpapatuloy ni Doyoung. Okay lang kaya sila ni Jihoon?
"Baka nagaway sila ni Jihoon? Hindi naman?" tanong ni Asahi.
"Hindi naman eh. Sumasaglit pa rin naman si kuya Ji sa bahay. Naguusap naman sila pero parang laging matamlay si kuya." sabi pa ni Doyoung.
"Baka pagod lang? Dami kasing ginagawa sa school eh." sabi ko sakanila. Sumangayon na rin naman sila.
Anong nangyayari sa'yo, Junkyu?
✧
BINABASA MO ANG
Meet Me Halfway
Fanfiction✦ a junkyu and jaehyuk au ✦ treasure - wherein Junkyu seeks help to his best friend Jaehyuk to make a move to his crush, Jihoon. Certainly, Jaehyuk always confess what he feels for Junkyu as a joke and he's always rejected. What will happen to th...