meet me halfway - part 12

11 0 0
                                    

Junkyu's POV

"8 pm. Treasure Cafe. Sana makapunta ka, kyu. Ito yung gusto kong kapalit ng pagtulong ko sa'yo kay Jihoon. Huli na to. Salamat."

Paulit ulit kong binabasa tong sulat na binigay sa akin ni Dobs. Galing to kay Jaehyuk.

Nagulat ako nung biglang nagring ang phone ko. Tumatawag si Jihoon.

"Hoy nagmumukmok ka nanaman. Tara labas tayo!" sabi ni Jihoon sa kabilang linya.

"Ji, tinatamad ako." sabi ko sakanya. Hindi naman talaga totoo. Ayoko lang talagang lumabas. Wala akong gana.

"Tara na. Libre ko. Papunta na ako sa bahay niyo." sabi niya. Umoo nalang ako at binaba ang tawag. Ano pa nga bang magagawa ko? Eh mas batas pa yon?

Pag si Jaehyuk yon di ako pipiliti-

HA? PINAGSASABI KO? LOL.

Umiling nalang ako. Isang buwan na matapos yung pangyayaring iyon pero sobrang affected parin ako. Ano bang gagawin ko?

"Kuya! Nandito na si Kuya Jae!" HA?! SINO RAW?!

"Ay kuya Ji pala. Hehe. Nasa labas na siya." gagi to si Dobs kinabahan ako. Napalabas pa ako ng wala sa oras.

"Tss."

"Kuya, ayos ka lang?" tanong niya sa akin. Ayos nga lang ba ako?

"Oo naman. Sige na labas muna ako." pagpapaalam ko sakanya.

"Kuya binasa mo na ba yung binigay ko sayo?" pahabol na tanong pa niya pero di na ako sumagot at lumabas nalang.

Oo. Binasa ko.

Mabilis ang pagtakbo ng oras at 6 pm na. Hinatid na rin ako ni Jihoon dito sa bahay. Saktong palabas na rin si Dobs sa bahay.

"San ka papunta?"

"Sa cafe. Sama ka?" huminto pa siya. Hinintay ang sagot ko.

"Di na. Enjoy." sabi ko at nagtungo sa kwarto ko.

Pupunta ba ako? O hindi?

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon