meeting you halfway

24 1 0
                                    

9 PM
Treasure Cafe

Si Yedam na bokalista ng banda, ay patuloy parin ang pagkanta. Nagsimula silang tumugtog isang oras na ang nakalipas.

Si Doyoung, kasama sina Asahi at Jeongwoo, nakaupo lang sa isang sulok, nakikinig sa mga kumakanta. Nagkekwentuhan din habang kumakain.

Si Jaehyuk naman, naghihintay. Sumusulyap sulyap sa mga tao, inaasahang makikita ang mukha ng kanyang matalik na kaibigan.

Hindi ba siya pupunta? Binasa ba niya yung binigay ko? Baka tinapon? Baka kasama ni Jihoon? Sabagay, sino ba naman ako?

Natawa nalang siya sa mga iniisip niya. Kinakabahan siya. Hindi mapakali.

Please be here.

Natapos na ang pagkanta ni Yedam kaya susunod na si Jaehyuk. Nang nakatungtong na siya sa mini stage, hinanap niya agad si Junkyu. Pero wala. Ni anino ni Junkyu wala. Napahinga nalang siya ng malalim.

Tatlong kanta lang ang kakantahin ko ngayon. Tatlong kanta at para sayo to, Kim Junkyu.

Bago nagsimula si Jaehyuk, nagsalita muna siya. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

"Kung nandito ka man ngayon, para sayo to."

Ikaw lang.

Sinabayan siya ni Yedam pagkanta. Damang dama niya ang kanyang pagkanta.

"At sa paglisan nang araw, akala'y 'di ka mahal
At ang nadarama'y hindi magtatagal
Malay ko bang hindi magpapagal
Iibigin kita kahit ga'no pa katagal..."

Para na akong malalagutan ng hininga. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sabi niya sa sarili niya.

Nagpalakpakan naman ang mga tao. Hinanap niya ulit si Junkyu pero wala talaga.

Pangalawang kanta. Pano.

"Ano bang tingin mo saakin
Isa ba akong alipin..."

Siguro nga hanggang magkaibigan lang talaga tayo. Yun naman talaga ang dapat eh. Pero hindi ko napigilan. Nahulog ako sayo.

Marami ang nasa isipan ngayon ni Jaehyuk. Pero ibinuhos nalang niya sa pagkanta.

"May nararamdaman din ako, Di kasi manhid na tulad mo
Alam kong sanay bumitaw, Ang isang tulad mo.
Lalayo na ba ako?"

Nilabas ko na lahat ng hinanakit ko. Lahat ng mga salitang gusto kong sabihin. Lahat ng damdaming gusto ko ipadama.

"Paano naman ako?"

Oo nga. Paano na siya? Nahulog sa dapat ay kaibigan lang.

Pangatlong kanta na pero wala pa rin si Junkyu. Siguro wala na nga.

The saddest form of love is the one that was left unsaid.

"Matapos ang kantang to, papalayain ko na ang sarili ko. Kung nandito ka man, kung naririnig mo ako, nandoon ako sa lagi nating pinupuntahan. Maghihintay ako. Meet me there if you feel the same way, and if not... Don't come and then I will let go of my feelings for you. This is for you, Junkyu." mahabang sabi niya. Narinig niyang naghiyawan ang mga tao. Lalo na sina Doyoung. Di nila inaasahan na sasabihin ni Jaehyuk iyon.

Sa Panaginip Na Lang.

"Sa panaginip na lang kita liligawan
Dahil doon ay kontrolado ko ang mangyayari..."

Umpisa palang ay may namumuo nang mga luha sa mata ni Jaehyuk. Wala eh. Nasasaktan.

Ang hindi niya alam, umpisa palang ng pagkanta niya, nandoon na si Junkyu. Oo. Narinig niya lahat ng mga sinabi ni Jaehyuk. Nasa pinakasulok siya ng cafe at tahimik na nakikinig at naiiyak. Bakit nga ba?

"Sa panaginip na lang..."

Natapos na ang kanta at nagpasalamat na si Jaehyuk. Umalis na siya agad. Hinayaan na nila siya. Ang hindi alam ng lahat ay sinundan ito ni Junkyu.

Malayo sila sa isa't isa at nakatingin lang si Junkyu sa kaibigan niya. Kaibigan nga ba?

Naghintay muna siya ng ilang minuto at tsaka nagpakita na siya kay Jaehyuk nung nakita na niyang paalis na to.

"J-junkyu?"

"Jaehyuk."

"Ba-bakit ka nandito? P-paano?" nauutal na sabi ni Jaehyuk. Totoo bang si Junkyu ang nasa harap niya? Hindi ba siya namamalik mata?

"Bakit alam mong n-nandito ako?"

"Mahalaga pa ba yun, Jaehyuk? Nandito ako kasi parehas tayo ng nararamdaman." Bigkas ni Junkyu. Parang nabingi si Jaehyuk sa mga narinig niya. Panaginip ba to?

"Hindi ko maintindihan."

"Nandoon ako the whole time, Jae. Narinig ko lahat ng sinabi mo." sabi ni Junkyu.

"Gusto rin kita, Jae." nanghina ang tuhod ni Jaehyuk. Totoo ba? Totoo bang may gusto rin si Junkyu sakanya?

"Junkyu, hindi ka naman nagbibiro diba?" Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Jaehyuk. Lumapit si Junkyu sakanya at hinawakan ang mga kamay.

"Pupunta ba ako dito pag hindi kita gusto? Jaehyuk, sorry it took me a lot of time to realize what i really feel for you." sabi ni Junkyu.

"I-i... I don't know what to say."

"Listen to me, okay? I'm sorry. Sorry for being insensitive. Sorry for not considering what you feel. Hindi ko alam na totoo na pala. Sorry for making you feel that way." Junkyu told him, not breaking their eye contact.

Two hearts beating the same rhythm and feelings at the moment.

"Naghanap pa ako ng iba, nasa tabi ko lang pala." sabi ni Junkyu.

"Junkyu." panimula ni Jaehyuk. "Paano si Jihoon?"

"Don't worry about him. He knows that you're the one I like." Junkyu said. YUN NAMAN PALA EH.

"I like you so much, kyu. So much."

"I know. And i like you too."

Nagyakapan ang dalawa sa ilalim ng maliwanag na buwan. Saksi ang lugar kung saan nagtagpo ang kanilang mga nadarama.

"Sorry I was late meeting you halfway, Jae."

"It's not important anymore. Our hearts met, and will go till the end together."

끝.

Thank You for reading!

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon