Junkyu's POV
"Jaehyuk! Ano na?"
Dalawang linggo na simula nung sinabihan ko tong si bestie na ireto ako kay Jihoon pero hanggang ngayon wala parin ata siyang ginagawa.
"Hintay lang kasi. Kinakapa ko pa kung paano kita ipakilala sakanya para maging okay."
Ay ganun ba yon? Sensya na gusto ko kasi talaga.
"Kyu, siguraduhin mong wag kang masasaktan ah?" sabi niya. Hmm.
"Oo naman. Kaya ko to."
Ewan. Di ko rin naman maintindihan tong sarili ko. Ayaw ko nang mangyari yung dati pero todo landi ako dito.
"Sinabi mo rin yan last time." sabi nito. Palibhasa alam niya lahat ng tawa at iyak ko kaya ganyan siya makareact.
"Luh."
Flashback...
"Umiiyak ka nanaman. Hay nako." sabi ni Jaehyuk sa akin. Pangilan na ba?
"Pangatlo na to ah." sabi pa niya. Tama pangatlo na. Pero ito yung pinakamasakit. Si Mashiho.
"Kaiwan iwan ba ako, Jae?" tanong ko sakanya. Umiling naman siya. Eh ano? Bakit lagi akong iniiwan?
"Kung kaiwan iwan ka, sana matagal na akong wala dito sa tabi mo." sabi naman niya. Malamang best friend kita dapat wag mo akong iwan.
"Pero iba ka. Best friend kita." napabuntong hinga nalang si Jaehyuk.
"Ang sakit." sabi ko habang umiiyak. Si Mashi yung minahal ko ng todo kaya sobrang sakit din nitong nararamdaman ko.
"You love too much kasi." sabi niya. Ano ba dapat? Magmamahal ako kaya dapat ibigay ko na lahat.
"Magtira ka rin kasi sa sarili mo. Yan binigay mo lahat, bumalik naman sayo lahat ng sakit." sabi pa niya. Tama nga naman.
"Tahan na."
End of Flashback...
"Ano nga pala? Naging tropa mo na rin ba si Jihoon?" tanong ko sakanya.
"Oo. Nagkakausap na rin kami. Tinatimingan ko lang kung paano ko sasabihin sakanya yang gusto mo." sabi ni Jaehyuk. "Naghahanap din yun ng jowa."
"Ako na yon. I believe ang J sa Jowa ay Junkyu." Sabi ko at natawa.
"Baliw. Paano kapag di ka gusto?" tanong niya sa akin. Hindi yan pwede!
"Napaka adorable kong tao walang magkakagusto sa akin?" confident na sabi ko. Ako lang to.
"Sabagay ako nga gusto kita eh." ETO NANAMAN SIYA
"Jaehyuk."
"Hahahaha. Di ka naman mabiro." sabi niya. Naglakadlakad kami sa campus at sakto nakita ko si Jihoon kasama mga tropa niya. Yay.
"Jeyok, si ji oh ang gwapo." sabi ko.
"Pake ko?" pinabayaan ko nalang yung sinabi niya. Napakabitter. What if maghanap ka na ng iyo? HAHAHA.
"Diba gusto mo ng kapalit bilang pagtulong sa kin?" tanong ko sakanya. Napatingin naman siya sa akin.
"Oh ano naman?"
"May alam na ako." sabi ko ng nakangisi. Dapat hindi lang ako ang magkakalove life. Ikaw rin dapat bestie.
"Hanapan kita ng magpapatibok ng puso mo." sabi konh ganon.
"Ha? Ayoko. Hindi yan ang gusto ko." sabi niyang ganon.
"Dali na! Arte naman nito. Para tumigil ka na sa pagiging bitter mo." kako.
"Ayoko."
Edi wag. Tss.
✧
BINABASA MO ANG
Meet Me Halfway
Fanfiction✦ a junkyu and jaehyuk au ✦ treasure - wherein Junkyu seeks help to his best friend Jaehyuk to make a move to his crush, Jihoon. Certainly, Jaehyuk always confess what he feels for Junkyu as a joke and he's always rejected. What will happen to th...