meet me halfway - part 8

7 0 0
                                    

Jaehyuk's POV

"Kuys, okay ka lang?"

Kasama ko ngayon si Doyoung. Mula nung hindi na kami masyado nagkakasama ni Junkyu, siya na lagi kong kasama. Nagtataka na rin to minsan eh.

"Oo naman. Ano manonood ka parin ba mamaya?" tanong ko sakanya.

"Oo. Panonoorin kita. Hindi ako nakapanood nung last gig mo eh." sabi naman ni Doyoung. Oo tama. Sumali ako kina Yedam. Friday nights nga lang ako kumakanta.

"Okay lang sayo? I mean, nandon si Yedam." sambit ko.

"Oo. Okay lang. Tsaka nagkausap na kami. Naiintindihan naman namin eh. Tsaka ano pa bang magagawa namin? Kung hindi kami para sa isa't isa. Edi hindi. Accept nalang." sabi niya. Ayos din to ah. Ang mature magisip.

"Tama ka nga naman." sabi ko.

"Eh ikaw kuys? Alam kong may nililihim ka eh." sabi niya. Hindi talaga ako titigilan neto no?

"Alam ko na. Dahil kay kuya no?" BINANGGIT PA SIGE

"Luh."

"Sus. Sabi na nga ba. Ramdam ko naman yun kuya eh. Alam kong gusto mo si junkyu." MAY POWERS KA BA

"Paano?"

"Baka kasi kasama niyo ako lagi noon? Pansin ko na noon eh. Tingin palang parang matutunaw na kuya ko. Yun nga lang, di niya halata." sambit niya.

"Manhid siya eh."

"Bakit di mo kasi sabihin?"

"Sinasabi ko naman. Pero ang akala niya nagbibiro lang ako. Tsaka ano pa bang magagawa ko? Best friend lang naman turing niya sa akin." pagkkwento ko.

"Saklap. Pero kapag may pagkakataon, sasabihin mo ba sakanya ang totoo?"

"Dobs, laging may pagkakataon. Lagi kong sinasabi sakanya. Pero binabalewala lang niya." sagot ko naman. Hindi ko naman kasi inasahan na magugustuhan ko si Junkyu eh. Hindi rin naman kasi mahirap mahalin.

"Hayaan mo babatukan ko si kuya para makaramdam." natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Wag na. May Jihoon na eh."

"Yun lang."

Naging mabilis ang oras at ngayon nasa cafe na kami. Medyo marami na ring tao. Nandito na rin sina Yedam.

"Kuys!" bati niya sa akin. "Handa na ba lahat?" Tumango naman sila.

Tinignan ko ang setlist at nakita ang mga kakantahin. BAT NAMAN GANTO

"Pili ka nalang ng kakantahin mo kuys." sabi ni Yedam sa akin. Tumango nalang ako. Sumulyap muna ako sa mga tao at hinanap si Doyoung. Pupunta kaya yon? Sana sumama si Junkyu sakanya. Joke. Baka kasama nanaman si Jihoon.

Nakita ko naman si Doyoung. May mga kasama siya. Sino mga yun?

Natapos na si Yedam sa unang kakantahin niya kaya sumunod naman ako. Pangalawang beses ko palang dito pero komportable na ako dito.

Simpleng Tulad Mo.

Nagsimula na kaming tumugtog. Pinapakiramdaman ko lang yung kanta. Nakita ko naman si Dobs na nagthumbs up.

Sumunod na kanta ko naman, Balang Araw by IBTTZ.

Alam kong wala ka dito Junkyu, pero para sa'yo tong kakantahin ko ngayon.

Meet Me HalfwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon