When Love Is Enough - C.7 Part 1

1.6K 17 5
                                    

A/N: revised and longer version

♡♡♡♡♡♡♡

SHE opened her eyes slowly. Nasa loob na siya ng silid nilang mag-asawa. Mag-isa lang siya. Iniisip niya kung panaginip lang ba ang lahat.

Panaginip nga lang ata. Dagli siyang bumangon at hinanap ang kanyang asawa. Pero ang naabutan lang niya ay ang biyenan na maraming pasa sa mukha at braso, pati na rin ang magulo nilang sala. Nakapikit ito na tila natutulog lang.

"Dad..." nag-aalala siya at hindi ito nagigising pero may pulso naman ito. Tumakbo siya sa kusina at kumuha ng yelo pati na din ang medicine kit nila.

"Maison...." Hindi pa din ito nagmumulat. Mukhang matinding bugbog ang narasanan nito.

Sa paggagamot niya ng sugat dito, unti-unti itong nagising. Nagulat pa ito ng mamulatan siya. Hinawakan nito ang pisngi niya at hinaplos ng marahan.

"How do you feel now?" Puno ng pag-aalala ang mukha nito.

"I'm ok. But what about you? What happened? Bakit ang gulo ng sala? Nasaan si Maverick." Naguguluminhanang tanong niya.

Guilt cascaded in his eyes.

"We should leave. I'll help you pack your things."

"Wait! Why do I need to pack my things? Wala akong kasalanan sa kanya ng gabing iyon. Hindi ako titigil hanggang hindi ko napapatunayan 'yon." May diing aniya.

"I know. But right now, you have to rest. You both need time. I don't want you getting hurt by him. He needs to focus to his son. He won't be coming home until they are ok. Come with me. Please." His tired eyes are pleading so much.

She couldn't decide. Maybe because she really isn't in the right condition to decide better. So she will trust the man who loves her and wants her safe.

"Are we going back to the island?"

"No, I have a place in Tagaytay. So if you need to be here in Manila, its easy to come back. First, inform your staffs that you will be away longer. You have to, until my son clears his mind. I'll get people to clean up here." Nilibot nito ang tingin sa living room.

"What happened? Nag-away kayo?!" Nakita niya ang muling pagpikit nito na tila inaalala ang nangyari. He again caressed her face.

"We did. It was bad. That's why its best if you are not here. I will take care of you. Remember what I said, if things go south because I'm in love with you and I can't keep myself away anymore, I will be here and I will take care of you. I will be your safe haven."

Napatungo siya. Ang laking problema nitong kinahantungan nila. Pero sa kasulok-sulukan ng puso niya, may saya na makasama si Maison.

Yung muling mabuhay ang pagtingin na inukol niya dito bago nakilala si Maverick, ang anak nito. Sa sobrang pagnanais na makalimutan ito, nakilala niya si Maverick. At ang mapagbirong tadhana ay dinala siya lalo sa buhay nito.

Nagustuhan niya si Maverick dahil kabaliktaran ito ng ama nito na pilit niyang kinakalimutan. Lubos ang hiyang nararamdaman niya kapag napapatingin dito sa mga pagkakataon na dinadala siya ni Maverick sa bahay nila.

Kahit na hindi niya pa lubusang mahal si Maverick at hindi pa tuluyang nakakalimutan ang ama nito, pumayag siyang magpakasal dito. Mapagmahal ito, maasikaso, nirerespeto siya kaya naniniwala siyang magiging maayos ang pagsasama nila. Natutunan niya itong mahalin.

Sa paglayo ng kanyang biyenan sa buhay nila, mas napanatag ang loob niya. Hindi na niya nararanasan ang tila paglalaro ng mga paruparo sa kanyang sikmura kapag nakikita ang biyenan. Hindi na din siya tila mapipigtalan ng hininga sa twing malapit sa kanya ang biyenan.

The Love Bites (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon