AMARAH knows something is off. It isn't normal she feels tired and sleepy all the time. Parating na pa naman ang board exam nila at kasalukuyan siyang nag-aaral mag-isa.
Kakatapos lang naman niya ng college at kasama sa course nila ang correlated studies na parang naging mini-review na din nila.
Alam naman niyang kaya niyang ipasa ang board exam pero alam niyang kahit hindi sabihin ng Daddy niya, nag-eexpect ito na makakasama siya sa Top-10 katulad nito.
Kahit pag-aari nila ang company, mas makakatulong sa credibility nito kung makakapasok siya sa Topnotchers. Mas nape-pressure pa siya sa silent treatment ng Daddy niya sa kanya.
Akala niya magandang senyales na naimbitahan sila Vlad nung party niya, pero nung hindi ito makita ng Mommy at Daddy nila, mukhang na-disappoint ang mga ito.
Kahit pa narinig sa mga bisita na naroon ito pero bigla na lang nawala.
How she wished na nandito si Vlad ngayon para gumaan ang pakiramdam niya. Nagagawa na niyang makausap ito ngayon ng pasekreto dahil sa binigay ni Amelie na phone galing daw kay Vlad na pinabigay sa kanya ni Imir nung party.
Mas inspirado siya ngayon sa darating na board exam. Pagkatapos nito ay hihilingin na niya sa parents niya na hayaan si Vlad na makadalaw man lang sa kanila. Hindi naman na kailangan ni Vlad na kilalanin dahil ilang dekada na silang magkakakilala. Its just acceptance from them that they are really in love with each other.
Pagkatapos nun ay ok na. Pwede na nilang ipagsigawan sa mundo ni Vlad ang pagmamahalan nila.
BALISA naman si Vlad ngayon habang tinatanaw ang anak niyang tila laging tulala at malalim ang iniisip. Madalas lang din itong magkulong sa silid nito.
Pagkatapos ng sagutan nila nung party ni Arah, hindi na sila nagkausap ng masinsinan. Halos magtatatlong buwan na iyon. Hindi na siya makakatiis na hindi ito lapitan at kausapin.
"Imir..." Hindi ito lumingon kaya muli niya itong tinawag saka lang siya napansin.
"Dad." Imir gave him space in their bench. They are now facing the room side of Arah's house from their side garden.
"How are you?" Alam niya naman na hindi ito ok pero gusto niyang marinig ang saloobin nito. At gaya ng inaasahan na niya, alam niyang may kinalaman si Amelie dito.
"I just can't believe na basta na lang niya akong bibitawan ng ganun lang. Hindi man lang kami makapag-usap ng kami lang. Kung hindi siya umiiwas na magkasama kami, lagi naman niyang sinisiguro na kadikit niya si Amiel para hindi kami makapag-usap." Malalim ang buntong hininga na pinakawalan nito.
"Like I told you, you both are young and she is way younger. Buti sana if you are both minors, but you're not. Try making friends with other people, maybe your perspective will change. This maybe is just a phase. You've been curious about stuffs and whatnot. She became the object of your desire. She also needs to overcome this. If you both grow older and find someone else, then at least you both didn't ruin yourselves together. Let her mature, first. If you are both for each other, everything will collide in your world. For now, leave it to time and fate."
Tumango tango si Imir sa mga sinabi niya. Kahit paano ay naniniwala siya na nalilinawan ang isip nito.
"Is that what you are doing now? Just keep waiting for it?"
![](https://img.wattpad.com/cover/158106972-288-k778100.jpg)
BINABASA MO ANG
The Love Bites (SPG)
Fiksi UmumThese are collection of short stories where they will experience how love bites them. But like any bite, whether deep or shallow, it heals in time and you can go on with your lives again. Hope you can take on some lessons with it. But please be advi...