When Its You - C.5

4.5K 20 1
                                    

"VLADIMIR!!!"

Bumalikwas ng bangon ang dalawa pagkarinig ng sigaw niya.

"Amarah!"

"Ate!"

Sabay pang bigkas ng dalawa. Naiinis na kinuha niya ang isang unan at pinaghahampas si Imir.

"Walangya ka Imir! Anong ginawa mo sa kapatid ko?!"

"Teka lang Ams, wala kaming ginagawang masama."

"Oo nga Ate. Sumama lang po ang pakiramdam ko. Tapos nakita po ako ni Kuya Imir galing clinic. Sabi niya may condo daw si Tito Vlad dito kaya pinagpahinga niya po ako dito. Alam ni Amiel, Ate." Paliwanag ni Amelie.

"Bakit magkatabi kayo sa kama? Aber?!" Hindi pa din nawawala ang panggagalaiti ni Amarah.

"Eh..." Hindi malaman ni Amelie kung paano sasagutin dahil hindi rin niya alam.

"Its my fault, Ams... I was actually very tired too, then I cook for her so she can take meds.. and then put her to bed. And maybe I just sat for a while then I didn't know I would fall asleep." Nalilito din na paliwanag ni Imir.

"Paano ka nagkasusi dito?" This is her place and Vlad's. Its their private property. How can he easily just give them the key?

"Dad was here earlier, he opened for us. I don't have the key." Okay. She was pacified a little bit.

"He was here?" Dudang tanong noya pa din.

"Yes. What do you expect? He is stalking you everyday."

I knew it! Sabi ko na nga ba nasa paligid siya palagi kahit may hited bodyguards kami.

"So wala kayong relasyon?" Mabilis na umiling ang dalawa. "Sigurado?!" Sabay ding tumango. "Mabuti naman. Magulo na nga ang sitwasyon, dadagdagan niyo pa."

"Alam ko naman yun Ate. Saka bata pa po ako. Hindi ko pa po iniisip yan." Mahinhin na sabi ni Amelie.

"Naku siguraduhin mong bata ka dahil talagang di ko na alam kung ano ang gagawin ni Daddy satin. Lalo na sa inyo Imir. Isusumpa na talaga ni Daddy ang buong angkan niyo." Nakapameywang pa si Amarah sa harap ng dalawa.

"Kung maayos na ang pakiramdam mo, umuwi na tayo Amelie. Ikaw, Imir, i-lock mong maigi lahat ng pinto at bintana kapag aalis ka na."

Tumango naman ang dalawa. Nag-ayos ng sarili si Amelie at sumama na sa kanyang ate para makauwi na sila.

IT'S been more than a year and he really misses Arah so much. Hindi na sapat na nakikita niya ito sa bintana lang at malayuang silip sa school. Gustong-gusto na niya itong mayakap at mahalikan. Pero alam ni Vlad na kailangan niyang patunayan dito na hindi lang yun ang hangad niya. Papatunayan niya sa mga magulang nito na mahal na mahal niya si Arah at nakahanda siyang maghintay.

Sa araw ng graduation nito, sobrang proud siya dito dahil nakakuha ito ng latin award. Nagtapos ito na magna cum laude. Alam niya na gusto din ni Arah na patunayan sa mga magulang niya na magiging successful siya. Nakakataba ng puso dahil kahit hindi nito nabanggit ang pangalan niya, alam niya na siya ang tinutukoy nito na inspirasyon at nagmamahal ng lubos dito. Pinapanuod niya lang ito mula sa malayo kasama ang buong pamilya nito.

"Dad, let's go, nakausap ko si Tito at Tita. They are inviting us sa bahay nila. Simple celebration with few invited guest."

Nagulat si Vlad sa tinuran ng anak. "Are you sure Imir? Tayo?"

"Yes, dad. I'm sure kaya tara na." Nagmamadaling tumalikod ang anak niya. Nilingon niya ang pamilya ni Arah at nakita niyang paalis na ang mga ito. He sighed. He is very anxious to go. Paano kung may plano ang mga magulang nito. Hindi naman siguro ng mga ito nanaisin na masaktan ang anak nila. Kapagkuwan ay sumunod agad siya kay Imir para makauwi na sila.

The Love Bites (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon