When Its You - C.4

5.4K 18 0
                                    

"WALANG hiya ka Vlad. Ikaw pa talaga! Pinagkatiwalaan kita. Ikaw pa ang mananamantala sa anak ko." Malakas at puno ng galit na sigaw ng Daddy ni Amarah. Gustong-gusto pa nitong suntukin muli ang kasintahan niya. Pero hawak ito ng mahigpit ng dalawang kapatid niya. Siya naman ay pinipigilan ng mommy niya na makalapit sa mag-ama.

"Daddy, please. Walang kasalanan si Vlad. Ako, ako yung unang lumapit." Puno ng pagmamakaawang aniya sa ama.

"Stop being rediculous Amarah. Bata ka pa! Siya ang makaranasan dito kaya naakit ka." Sigaw pa din ng daddy niya.

"Ariel, Pare. Mahal ko si Arah. Handa akong panagutan siya. Naghihintay lang kami ng tamang pagkakataon na sabihin sa inyo." Mahinahon na pahayag ng kasintahan habang inaalalayan din itong makatayo ng kaibigang si Imir.

"At ikaw Imir, alam na alam mo ang relasyon ng kaibigan mo sa ama mo pero nangonsinti ka! Wala kang malasakit sa kanya. Pinagkaisahan niyong mag-ama ang anak ko. Mga walang hiya talaga. Kaya pala lagi mkng pinapapunta sa bahay niyo si Arah para sa tatay mo." Kuyom na kuyom pa din ang kamay ng daddy niya.

"Tito, hindi naman sa ganun. Hindi ko din naman po alam dati, bago lang lang ang relasyon nila. Pero mahalaga po sakin na masaya ang Dad ko pati na din ang kaibigan ko, at naiintindihan ko na naghihintay lang sila ng tamang panahon." Imir explained.

"Daddy, mommy, wag niyo po sila sisihin. Hindi ko po alam kung paano nagsimula, pero matagal ko na pong mahal si Vlad. Wala po akong nagustuhan kahit na sino pa. Siya lang Daddy. Please. Siya lang ang mahal ko." Walang tigil ang pagpatak ng luha niya."Ako ang pumasok ng kwarto niya. Ako ang nang-akit sa kanya. Sa akin lang kayo magalit, Daddy."

"Babe, don't say that." Vlad is looking straight at her asking her to stop talking. Umiling siya.

"Its true Vlad and we know that. I can't deny it to myself or to everyone. If I didn't start this, none of this will ever happen. Hindi ka nila dapat sinisisi." Lahat ng mata ay sa kanya nakatingin.

"No Babe, it was just a moment waiting to happen. I have fallen for you even before that day happened. It was the most special day for me. You were only in my dream, but we happened. I love you so much. Don't think of our relationship as something wrong." Sinubukan nitong lumapit sa kanya pero muling umamba ang daddy niya.

"Itigil mo na ang kabaliwan na to Vlad. Hindi ako papayag na makipagrelasyon ka sa anak ko. Hindi mo man lang naisip kung ano ang sasabihin ng mga tao sa anak ko. Sa pakikisama niya sa'yo."

"Pare naman. Hindi ko ginagawang masamang babae ang anak mo. Wala naman akong ibang sinasamahan para pagdudahan niya. Handang handa ako na pakasalan siya kahit bukas na bukas pa. Mahal na mahal ko si Arah." Magkaharap na ang dalawa ngayon.

"Paano ang kinabukasan ng anak ko ha? Ano, magiging asawa mo na lang siya. Balewala na ang mga pangarap niya. Hindi ako papayag."

"Kahit anong pangarap niya, kasama niya akong aabutin yun. Susuportahan ko siya. Pare, please."

"Hindi pa din pwede. Wag na wag mo nang lalapitan ang pamilya ko. Kayong mag-ama." Binalingan ng daddy niya ang mga kapatid niya. "Mag-emapake na kayo ng mga gamit. Aalis na tayo ngayon din. Amelie, Amiel, samahan niyo ang Ate niyo na mag-empake. Siguruhin ninyo na walang makakapasok sa silid niya."

"It's late. Baka mapahamak kayo sa daan. Please, see sense. I'll stay in the yatch. Lock all the doors and windows. Hindi ako makikialam. But, please, bukas na kayo umalis." Vlad tried to negotiate with her daddy.

The Love Bites (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon