CHAPTER 5

397 19 0
                                    


AKISHA POV

Nandito ako ngayon ngayon sa CR nakaharap sa salamin. BWISIT!! Na mga tsonggo  na yun, Ano nang gagawin ko? wala pa naman akong extrang damit sa locker ko. Wala na talaga akong choice kundi bumalik sa dorm ko.

ARGH!! KAINIS!! Ang layo layo pa naman ng room ko sa dorm ko.

Nahihiyang naglalakad ako ngayon sa hallway para pumunta sa dorm ko at dun nalang ako magbibihis.

"!Yuckkk! Kadiri!" Nandidiring komento ng mga nadadaanan ko.

Ang arte arte, kala mo naman maganda!.

"Oh my ghad! What happened to you!?" Oa na react ni Patty.

Nakasalubong ko kasi sya.

Bat toh nandito?

"Wala Naman, binuhusan lang naman ako ng pintura ng mga klasmeyt ko!" Sarkaskitong sagot ko.

"WHAT!?" Ok? Masyado na syang oa.

"Wala, Sige mauna nako, maliligo pako."

"Okay?" Alinlangan nyang sagot. Pero dinugtungan nya lang toh." Bye! See you when I see you."–Patty.

KAKATAPOS ko lang maligo at buti nalang talaga at hindi water proof yung pintura, Todo lugod pa naman ako.

Naglalakad ako pabalik sa room, kakapagod naman toh ang layo layo pa naman ehh, Takte naman ng pagong oh!..

Pagdating ko sa harap nang pintuan napatigil ako ng biglang bumakas Yun.

"Tsk" edi sino pabang ibang magsasabi nun the one and only Alas.

Dinaanan lang nya, at ako? Dinaanan din sya papatalo bako?

Dumiretso nako sa upuan ko at hindi pinansin ang mga matang nakatitig sakin.

"Ahm, Sorry Aki" Biglang sabi ni Blaze na nasa tabi ko na Pala.

Wala to dito kanina ah?

"It's ok don't worry" sincere na sagot ko.

"Sorry talaga" Ang kulit peste!.

"Oo na nga diba?!" Diko na kasi natiis ehh.

"Chill!" Nakataas ang dalawa nyang kamay na parang hinuhuli ng pulis.

Hindi ko nalang sya pinansin, dahil naiirita ako.

Pumasok ang Isang babaeng medyo may katandaan na at mukhang strikto ang isang to ah.

"Let's start the class!" Striktong sabi nya. Sabi ko na nga bah!.

Kahit na nag didiscuss sya sa harapan ay parang wala lang sa kanya na walang nakikinig sa discussion nyo or I must say na sanay lang sya.

Pagkatapos na mahabang discussion nya ay lumabas lang sya na walang paalam.

!KRINGGGG! KRINGGGG! KRINGGGG!

Tunog ng bell

Nagsilabasan na ang  mga tsonggo kong mga kaklase.

Niligpit ko na ang mga gamit ko para Maka uwi nako pagpihit ko sa doorknob nagtaka ako kung bakit hindi ko to mabuksan.

Tang*na! Pinag lockan nila Ako?!

"Mga tsonggo palabasin nyoko!!" Sigaw ko.

"Linisin mo muna yung room!" Balik na sigaw nila.

ARGHH! Bwisit!

Tiningnan ko ang kubuoan ng room, at bagsak ang balikat na naglilinis. Kainis sila!

Wahh!! Kakapagod! Pano ba naman kasi sobrang kalat ng room parang hindi nilinisan ng Isang taon.

"Hoyy!! Mga tsonggo buksan nyo natong pinto tapos nako maglinis!" Sigaw ko.

"Alright tapos na daw sya King!" Ewan sino yung sumagot.

"Buksan nyo na." Yess! Sa wakas makakauwi nako.

Bwisit! Sila kala mo kung sino maka pag utos. Napagod ako dun ah?!

Pagbukas pa lamang nang pinto ay agad agad nako naglakad palabas ng room, ni hindi ko man lang sila tinapunan ng tingin. Hmmp! bala sila! Kakapagod kaya maglinis tapos tinatamad pako.

_____

Nasa may pintuan palang ako ng dorm ng may narinig akong may nag uusap sa loob. Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan para marinig ko ng maayos ang pinag uusapan nila.

Hindi naman ako chismosa nohh! Slight lang! Hehe.

"Pano bayan Yvinn,  paunahan nalang tayo sa kanya?!" Nakakakilabot na boses ng babae.

Teka?! Parang pamilyar yung boses na yun ah?! Si Amara bayun?.

"I don't care, do what you want. Amara." Shitt! Sya nga. Sino kaya yung pinag uusapan nila? At sino naman yung kausap niya?.

Kumatok ako kunwari, para di sila magtaka.

Tokk tokk

"Come in." Boses ng babae sa loob. Malamang Akisha  dalawang babae sila na nasa loob! Aishh!

"Naistorbo ko ata kayo?" Mahinang  tanong ko.

"Nope! Kakatapos lang naman namin mag usap. Right Yvinn?. Mapanuyang tanong ni Amara sa isang babae.

"Tskk!" Luhh? Ano daw?

Pagkatapos nyang sabihin yun ay pumasok sya sa Cr.

"Pag pasensyahan mona sya, mainit lang ulo nun. Pumatay kasi." Sagot nya

"What?! Pumatay?!" Gulat na gulat kong sagot.

"No! That not what I meant." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya. Aishh! Baka guni guni ko lang yun, impossible din naman siguro na pwedeng pumatay dito noh? Tsaka mahina lang naman yung huli nyang sinabi.

"Nevermind nalang. Btw meet Saku Yvinn Giveth. Dorm mate din natin sya, mag iingat ka sa kanya hmm. Bye!" Anong ibig nyang sabihin? ARGHH!! Mababaliw nako! Andaming nangyari ngayong araw! Puro kamalasan pa. Aishh!.

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at nakatingala sa kisame. Anong ibig sabihin ni Amara kanina? Bat naman ako mag iingat kay Yvinn? Tapos anong ibig nyang sabihin na pumatay? Anggulo!!

Bahala na si Spider Man!




























*****

Please Vote and Comment

The only girl in section kingsWhere stories live. Discover now