Chapter 16

267 16 3
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong naiihi ako, bumangon ako sa pagkakahiga at tumungo sa banyo. Pagkatapos kong maghugas nang kamay ay saktong pagbukas din ng pintuan.

Bat parang pamilyar?

Nasalubong ko ang walang emosyong mga mata ni Yvinn. Tiningnan ko ang kabuuan nya at napadako ang tingin ko isang kamay nya na nakahawak sa tagiliran nya.

What was that?

"What happened?" I worriedly ask.

"Nasaksak ako." Prankang sagot nya na ikinagulat ko.

Tinulungan ko syang makaupo sa upuan bago ako bumalik sa kusina, buti nalang at may first aid kit dito. Akmang hahawakan ko na ang nasaksak nyang katawan ay hinawakan nya ang kamay ko. Nagtatakang tingin ang ibinigay ko sa kanya.

"Don't, ako na." She said with poker face pero halata mo parin ang sakit sa mga mata nya.

"Tutulungan na kita, marunong naman ako kahit papano eh." Alinlangang tanong ko.

"Go sleep! Akisha, don't mind me." At tsaka nya kinuha ang gamot bago sya dahan dahang tumayo papuntang kama nya.

Gusto ko sana syang tulungan kaso mukhang ayaw magpatulong. Nang napansin nyang nakatayo parin ako habang nakatingin sa kanya ay sinamaan ako nito nang tingin. Sabi ko nga matutulog na.

Napatikhim ako at naglakad na papunta sa higaan ko. Pilit kong iniwaksi ang kalagayan ni Yvinn upang makatulog ng maayos.

Nagising ako dahil sa lakas na boses na alam kong nang gagaling kay Cinth.

"Wake up! Sleepy girl!"

Napilitan akong bumangon dahil walang tigil sa pag yugyug tong babaeng to. Bumungad sakin ang naka busangot na mukha ni Cinth.

"Anyari sa mukha mo?" Nagtatakang tanong ko at saka naglakad papuntang banyo para maligo.

Wala namang pasok ngayon dahil sabado, kaya nagtataka ako at maaga akong ginising ni Cinth.

"Nakalimutan mo na ba? Gagala tayo ngayon ni Jeyshel." Ayy oo nga pala!

"Bilisan mo dyan! Kanina pa si Jeyshel sa cafeteria sigurado akong gumagawa na ng eksena yun."

"Oo na!" Sigaw ko mula sa banyo.

Naglalakad na kami ngayon papuntang cafeteria, sabi ni Cinth kakain daw muna kami bago mag gala.

Malamang

Pagdating namin sa Cafeteria ay konti lang ang mga estudyante kaya madaling namataan ko si si Jeyshel na may kaaway. Ke aga aga

Habang papalapit kami sa kanila ay rinig na rinig na namin ang pinag aawayan nila.

"Pa epal ka talaga kahit kelan noh?" Boses palang ay alam ko ng si Carmela to. Sobrang war freak talaga nang babaeng to!

"Face mo pa epal! Kasalanan ko bang pa blind blind ka?!" Lumalabas na naman pa ka conyo nya.

"I don't care! Just kiss may paa para tapos na!" What the?

Conyo Vs Conyo

"Kiss your paa? Eww yuck! You don't have a right to command me bacause you don't deserve my precious lips, like duhh?" Ghad! Parang ako nababaliw sa salita nila!

"Tama na yan!" Pag aawat ko.

"Sa wakas! Your here na rin did you know na kanina pako dito naghihintay, huh?!" Napairap nalang ako nang wala sa oras. Habang si Cinth  naman ay napailing nalang.

This girl! Why so conyo?

"Ow? The only girl is here huh?"

"Why do you care ba? Hah?!" Sagot naman ni Jeyshel.

"Shut up! I'm not kausap to you!"

Parang dudugo ata ilong ko sa dalawang to!

Inirapan ko nalang si Carmela bago ko hinila ang dalawa palabas nang cafeteria. Nakakawalang gana ang pagmumukha ng pugitang Carmela!

"Wait! Why are dragging us ba? Hindi pa ako kumakain!" Reklamo ni Jeyshel habang pilit na tinatangal ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

Anyari ba sa babaeng to? Bat naging conyo?

"Mas mabuti sigurong sa mall nalang tayo mag breakfast." Tama si Cinth, mas mabuti pa nga.

Binitawan ko na silang dalawa dahil sa reklamo ni Jeyshel at nakakairita ang salita nya. Promise! Total at sabado naman ngayon ay pwede kaming lumabas at pumasyal. Balak ko sanang puntahan si ate ang kaso lang ay kailangan namin makabalik nang hindi pa sumasapit ang gabi.

Ewan ko ba, kung bakit sobrang strikto ng eskwelahang to! Ang layo pa naman ng mall buti nalang ay may free hatid. Nahahawa na siguro ako kay Jeyshel sa pagiging conyo.

Nakasakay kami ngayon sa malaking itim na van actually, hindi lang din naman kami ang nandito. May mga estudyante din gustong gumala, dahil nga ay rest day ngayon.

"Let's go, na! I'm so hungry na talaga!" Nagmamadaling lumabas si Jeyshel bago hilain papalabas, kulang nalang ay kaladakarin na nya kami papasok sa mall.

"Teka nga! Dahan dahan, para kang patay gutom kamo." Reklamo naman ni Cinth. Bago binatukan si Jeyshel na nakasimanot.

Napapuot nalang ang babae at saka umirap.

Kakatapos lang namin kumain at heto kami ngayon naglalakad papuntang library, gusto kasi ni Cinth bumili nang bagong libro. Di ko alam na mahilig pala tong magbasa! Habang namimili si Cinth ng libro ay kanina pako kinakalabit netong katabi ko.

"What?!" I irritatedly ask.

"Can you tell to Cinth na paki fast kasi im so bagot na." She said while pouting.

Umirap nalang ako at hindi sya pinansin. Wala lang trip ko lang, sure din naman kasi akong matatapos na si Cinth, nakita ko kasi syang pumuntang cashier siguro magbabayad na.

At sa wakas ay lumabas na din sya, nandito lang kasi kami sa labas naghintay. Hindi naman ako mahilig sa libro at saka parang hindi ko type yung makakita ng maraming libro. Nakakasura!

Ganun din si Jeyshel kaya mas minabuti nalang namin na dito sya hintayin.

"C'mon! Samahan nyo ko to buy a new perfume." Napairap nalang ako dahil wala nakong magagawa kundi sumama.

Napag usapan kasi naming tatlo na isa isa kaming pipili ng gusto naming  puntahan at sasamahan nalang namin ang isa kung saan nya gusto magpunta. Diba parang tanga lang?

Kakatapos lang mamili ni Jeyshel ng bagong pabango at nang kung anong ka enek ekan nya. Naglalakad kami ngayon papuntang arcade dahil sa sobrang bagot ko. Napilitan sumama sakin ang dalawa dahil gusto sana nilang mamili ng mga bagong damit, syempre hindi ako pumayag no! Ano sila siniswerte pagkatapos ko silang samahan, tas Iwan nila ko? No way! Magdusa sila, at saka kaya hindi ako pumayag na mamili ng mga damit, dahil wala nakong budget.











Naubos kakautang ni Hayder.

-------
Please vote and comment.

The only girl in section kingsWhere stories live. Discover now