CHAPTER 8

325 18 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa upuan ko habang hinihintay ang prof namin. Naiinis nako dito sa katabi ko pano ba naman sobrang daldal, sarap putulan ng dila.

"Pwede ba tumahimik ka na nga! Naririndi nako sa boses mo."

"Luhh! Para naman tong ano eh. Masama bang magkwento." Nakapuot na reklamo ni Blaze.

"Pakialam ko ba sa talambuhay mo ha!" Naiirita talaga ako eh halos lahat ata nangyari sa buong buhay nya ay kwinento nya na.

"Nakaka hurt ka na talaga Akisha ha, para namang hindi prend. Makaalis na nga." Parang babaeng tampo nya, at saka tumayo.

Pero na akmang bubuksan nya ang pintuan ng may nauna nang magbukas nito.

"Where do you think you're going, Mr Evans?" Nakataas na kilay na tanong ng prof ata namin? Aba ewan diko naman sila kilala. Minsan lang naman kasi may pumasok ditong prof dahil sa katarantaduhan ng mga klasmeyt ko.

"Hehehe, pagbubuksan ko lang po kayo ng pinto, pero dahil kayo po unang nakabukas. Uupo napo ako." Kinakabahan na palusot nya pa, mukhang terror pa naman to.

"Napala mo noh?" Natatawang asar ko dito sa katabi kong nakasimangot.

Kakapasok pa lang nya ay nagsulat agad ang prof, luhh wala man lang pakilala bastos amp.

"Mr. Clemonte. Bakit hindi ka nagsusulat?" Masungit na tanong ni Ma'am.

"Ehh! Kasi po wala po akong dalang ballpen." Kamot batok na sagot nya naman.

Estudyante ba talaga toh?

"At bakit wala kang dalang ballpen. Hah!" Galit na tanong ni Ma'am. Naku lagot!



"Eh kasi naman ma'am hindi na kasya sa bag ko."

"Ano bang laman ng bag mo at nang hindi magkasya ang ballpen." Nakataas na kilay naman na tanong ni Ma'am.

Kami naman na parang tanga na palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Wala po." Ha? Diko gets.



"Eh! Ma'am wala naman po yang dalang bag!" Sabat naman ng katabi nya.

At dahil dun nagtawanan ang buong klase dahil sa reaksyon ni Ma'am, at kasali ako dun.

"YOU?!" Dahil alam nyang wala syang magagawa ay lumabas na lang sya.

Kawawang guro.

-----

Nakaupo ako ngayon dito sa garden habang nakikinig ng music, lunch na ngayon pero dahil hindi ako nagugutom, imbes na sa cafeteria ako dumiretso ay dito ako pumunta sa garden. Habang nag sa sound trip ako ay may narinig akong nag uusap sa di kalayuan. Naka headset kasi ako pero hindi naman malakas kaya siguro narinig ko ang pinag uusapan nila.

"Kailan ba tayo susugod? Naiinip nako."

"Maghintay ka lang, malapit na timing na lang ang kailangan."  Bakit parang pamilyar ang boses nya?

"Pano na yung tra—."Hindi ko na narinig ang huling sinabi nung pamilyar ang boses ng may nadali akong lata sa tabi ko.

Lintek sino ba ang nagkalat dito?!

"Sinong nandyan?" Shit! Pano nato?

Dali dali akong tumakbo kahit na alam kong makikita nila ako, buti nalang talaga at tumunog ang bell ng malapit nako sa classroom namin. Sigurado akong hindi nila ako namukhaan. Malamang sa alamang nakatalikod ako eh.

"Oh? Anyare sayo? Bat parang hinahabol ka ng kabayo?" Takang tanong ni Blaze. Pagkatapos kong umupo take note hinihingal pako.

"Tu-big." Utal utal kong sabi dahil siguro sa paghahanol ng hininga.

"Oh!" Ininom ko agad kung sino man ang mabait na naghagis sakin ng mineral water.

Liningon ko kung sino ang naghagis sakin ng tubig pero nagulat ako ng si Alas ang nasa harapan ko habang naka kunot ang noong nakatingin sakin. Problema mo boy?

"Salamat!" Inirapan lang ako neto at saka ako nilagpasan. Aba! Wala man lang 'welcome'.

Tiningnan ko si Blaze na syang hiningan ko nang tubig kanina pero ang pandak di man lang ako binigyan. Hmp!

"Huy! Sorry na ubos na kasi ang tubig ko eh." Kamot batok sagot nya.

"Pero bat ka nga ba tumatakbo kanina?" Nagtatakang tanong nya.

"Ewan ko dun! Parang tanga eh. Hinabol ba naman ako syempre kaya tumakbo ako." Naiinis na reklamo ko.

"Hahabulin ka kaya nila kung wala kang ginawa? Baka naman umandar na naman ang katawang chismosa mo."

Tumpak! Nadali mo!

"Aksidente ko lang naman narinig ang pinag uusapan nila noh." Pagdedepensa ko sa sarili ko dahil titig pa lang nya ay alam ko pinag dududahan ako neto.

"Sabihin mo lang na chismosa ka talaga." Biglang sulpot naman ng nasa harapan ko. Abat? Sino to?

"Close tayo boy?"

"Hehehe toh naman masyadong highblood." Alinlangang sabi nya.

"Btw, Ako nga pala si Arlo Guthrie." Inilahad nya ang kamay nya sa harapan ko.

"I'm Aki—." Diko pa natatapos ang sasabihin ko nang unahan nya ko. Bastos na bata!

"Kilala na kita, your Akisha Demonice Hisstra. Right? Narinig ko lang nung nagpakilala ka kay Blaze." Chismoso din pala toh.

Pagkatapos mag kwento ni Arlo tungkol sa talambuhay nya ay dumukdok nalang ako sa lamesa ko. Kingina, naboboring akong kasama ang dalawang madaldal nato. Sila lang naman ang nagkakaintindihan dahil hindi naman ako nakikinig.

Tumunog ang bell nang wala man lang pumasok na prof para magturo samin. Sa tingin ko hindi dapat ako dito pinapasok ni ate sa eskwelahang ito, wala din naman akong matutunan.

Habang naglalakad akong papuntang canteen para bumili ng pwede kong hapunan ngayon, wala na kasing ulam sa ref. Ewan ko ba kung bakit ambilis naubos ng mga laman sa ref eh parang kaninang umaga lang ang puno pa yun.

Wag mong sabihin na naubos nila Cinthia yun? Eh ampapayat nga nila parang di kumakain, lalo na yung si Amara.

Bat ko ba sila iniisip?

Dahil sa pag iisip ko ay diko namalayang nakarating na pala ako sa pinto ng Cafeteria at ang malala nakaharang si Alas. Shemay!

"Makikiraan." Ginawa ko ang lahat para gawing mahinhin ang boses ko pero di parin maitago ang inis dito, pano ba naman magkaharap na kami lahat lahat ayaw parin umalis.

Pero imbis na umalis ay tinitigan ako nito ng matalim. Problema ba nito sakin? Pinaglihi ba to sa sama ng loob? Ang laki ng galit sa mundo.

Pero ang sinabi nito sakin ay sobrang hiya ang naramdaman ko. Pakening shit!





"Sa tingin mo makakadaan ako nang nakaharang ka?"



Damn! Ako pala ang nakaharang.

*****

Please vote and comment.

Author's note

(Unang una sa lahat hindi ko ine expect na may nagbabasa dito. Para Po sa mga nagbabasa maraming maraming salamat Po at sorry dahil sa katagalan ng update ko.) Please enjoy reading😘

The only girl in section kingsWhere stories live. Discover now