Chapter 10

296 16 0
                                    


"KUYA!!!"


"Shit!"


Napalingon kami kay Alas ng magmura ito. Problemado ka boy?

"Anong ginagawa nyan dito?" Narinig kong tanong nung may pulang buhok.

"I don't know either."

Medyo may kalapitan kasi kami sa kanila Kay naririnig ko ang mga pinagsasabi nila.

"Sino ba yan?" Nagtatakang tanong ko kay Patty.

"Sya si Cassandra Clare Devlin. Ang kapatid na babae ni Ace." Oh? Tapos?

"Oh ayun naman pala eh, bat parang problemado yang si Alas." Curious lang talaga ako. Eh kasi naman hindi sila mapakali parang kiti kiti.

"HOW DARE YOU TO BUMP ME?!"

Ah kaya naman pala, war freak din ang isang to eh.

"So-sorry po hindi ko po sinasadya." Nanginginig na paumahin nung babaeng nakabangga nya.

Pinanood ko lang sila mula dito sa lamesa namin, wala lang ayoko lang makialam, tsaka nandyan naman ang kuya nya no.

"You?!" Akmang sasampalin nya ito nang.

"Enough!" Ang malamig na boses ni Alas ang nakapagpatigil sa kamay ng babae na naka angat na ngayon sa ere.

Lumapit sya dito at saka hinila papunta sa kanilang lamesa.

"Why are you damn here?!" Kalmado ngunit may bahid nainis na tanong nya sa kapatid.

"Why? I jus want, duhh." Irap naman ni Cassandra habang naka krus ang dalawang braso sa dibdib.

Nagpapalitan sila ng sigaw sa harapan namin dahil nga malapit lang sila samin ay naririndi nako, hindi ako makakain ng maayos dahil susubo palang ako sisigaw na sila.


Problema ba nila? Hah!


"HOY! KAYONG DALAWA KUNG HINDI KAYO TITIGIL ISASAKSAK KO TONG TINIDOR SA LALAMUNAN NYO! MGA PESTE! KUNG HINDI KAYO KAKAIN MANAHIMIK KAYO! O KAYA NAMAN LUMABAS KAYO!"

Natahimik sila ng sigawan ko sila nang pagka lakas lakas. Takte! Hiningal ako dun ah.

"Why are shouting ba? Kung ikaw kaya lumabas." Nakangising sagot sakin ng Cassandra daw kuno.

Abat! Hinahamon talaga ako noh!

"Relax! Akisha, pabayaan mo lang sila." Pagpapakalma sakin ni Patty.

Hindi ko lang sya pinansin at saka ako tumayo para harapin ang babaeng war freak nato.

"Kung kaladkarin kaya kita palabas?"

"Edi gawin mo. Ang tanong, kaya mo ba?" Nang aasar na sagot nito sakin.

Tingin nya sakin lampa? Aba!

Akmang maglalakd nako papunta sa kanya ng humarang sa harapan ko si Blaze. Ngayon pa umawat ha.

"Akisha, tama na." Alinlangang sabi nya ng tingnan ko sya ng masama.

"Tatabi ka o tatabi ka?"

"Sabi ko nga tatabi ako." Sa isang iglap nawala na sya sa harapan ko. Haharang harang pang nalalaman.

Sa palagay ko wala naman sigurong magagalit kung tuturuan ko to ng kaunting lesson diba? Kasi kung meron kanina pako inawat.

Kuya nya nga eh nakamasid lang samin na parang naiinip pa. Aba! Walang kwentang kapatid. Ganun din ang buong section Kings.

"Anlakas maghamon bagsak lang din yan mamaya.

"Oo nga ke bago bago e nag hahanap na ng away."

"Kapatid pa talaga ni Ace."

"Balita ko gangster daw yang si Cassandra."

Napahinto ako sa paglapit sa kanya nang marinig ko ang ng huling  salita. Gangster? Kaya pala matapang may maibubuga din. Kaya siguro walang lumalaban dito.

"Oh? Natigil ka? Natakot ka na ba sa nalaman mo?" Nakangising sabi nya sakin.

Tingnan natin kung hindi mabura yang ngiti mo sa gagawin ko.

Ginantihan ko sya ng ngisi at saka ako patakbong lumapit sa kanya. Itinaas ko ang kanang kamay ko para sapakin sya, pero napansin nya ito at tsaka sya yumuko para iwasan ang atake ko.

Pero yun ang malaking pagkakamali nya, dahil itinuhod ko ang mukha nya. Napahawak sya sa ilong nyang dumudugo dahil sa lakas nang impact. Hah! Hindi ko pa nga binigay ang pwersa ko nun ah.  'kay fine, ako nang mayabang.

Sorry, napalakas ata.

"Ouch! My nose! Damn!"

Nung akmang gaganti na sya sakin pero nabitin dahil sumigaw na naman si Alas.

"That's enough. Clare let's go."

Tumalikod lang sya na parang walang nangyari sa kapatid nya. Napansin kong nakatayo na pala lahat ng tao dito.

"What! No way! That girl punch me, wala ka man lang gagawin hah?!"

"It's your fault."

"What? It's not my fault. Can you see? Sya yung naunang sumugod, not me." Gigil na dapensa nya sa sarili.

Pero parang walang narinig ang dakilang Alas at nagputuloy lang ito sa paglalakad papuntang pintuan.

Gigil na humarap sakin si Cassandra.

"Hindi pa tayo tapos." Madiing sabi nya habang nakaturo ang hintuturo nya sakin.

Padabog itong umalis habang pinupunasan ng panyo ang ilong nya.

"Woah! Anggaling mo Akisha." Manghang sabi sakin ni Blaze na nasa harapan ko na pala.

"Psh!"

Padabog akong bumalik sa mesa namin at kumain na parang walang nangyaring sapakan kanina.

Gangster? Nag eexist  pa yan hanggang ngayon. Tsaka ngayon lang din ako nakasagupa ng isang gangster. Ewan ko ni Hindi man lang din ako nakaramdam ng takot.

Dahil siguro marunong naman ako ng self defense, tinuruan naman ako ni ate kaya okay lang.

"Ano bang ginawa mo Akisha? Alam mo bang ikakapahamak mo yan ,sana hindi mo nalang pinansin." Bakas ang pag alala sa boses ni Patty habang sinesermonan ako.

Ok fine! Kasalanan ko din naman.

Nakatingin lang sakin si Sandara ng seryoso habang napa iling nalang si Cinth. Napalingon nalang ako dahil kahit tapos na kaming kumain ay nagsasalita parin si Patty.

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil naririndi nako. Buti nalang at nakarating na kami sa classroom nila Sandara at Patty. Sa Section Death sila nabibilang. Habang si Cinth naman ay sa section rose.

Kumaway lang sila sakin at tango lang ang aking tinugon. Nauna na nang pumasok si Cinth kanina dahil mas malapit lang din naman ang classroom nila.

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay sumalubong sakin ang nanliliksik na mga mata ni Cassandra na animoy handa nang pumatay.

Omen! Bat to nandito? Naku lagot!! Kapatid pala to ni Alas.














Katapusan ko na ba?












The only girl in section kingsWhere stories live. Discover now