Chapter 15

248 12 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa garden para sana magpahinga, ang kaso lang......

"Oh my ghad! It's you! Nagkita rin tayo sa wakas!" See? Who's that girl? No other than Jeshel.

Remember the girl yung nagsisisigaw sa lumang building dahil sa nadumihan na damit?

"Oh? Nakita mo nako? Diba? Alis na!" Pagtataboy ko sa kanya, wala lang gusto ko lang magpahinga.

"Luh? Ambad ha! Btw hinahanap kita, because i want to discuss something with you." Mukhang seryosong chikahan to ah!

"Shoot!" I said.

Total nandito naman kami sa garden, at wala ding tao saktong sakto lang ang dating nya.

"Akisha! I know na i'm not your friend but believe me tinuring na kitang kaibigan simula nang malaman kong classmate mo si Eryx— I mean nung first meet pala natin." Napailing nalang ako.

"Straight to the point please!" Tinatamad kong sagot.

Dami pang sinasabi eh!

"Psh! So this it is pancit! I just want to send you a warning, Akisha please be careful. Hindi lahat ay kaibigan ang turing sayo and of course except on me. At dahil isa kang Kings maraming magtatangka sayo, hanggat maaari wag na wag mong pairalin ang pagiging mabait mo. Don't worry! As long as we're here we protect you."

Pagkatapos nang mahabang speech nya ay iniwan nya kong nakatulala. Parehong pareho sila ni Yvinn nang sinabi. That's a warning and its give me goosebumps.

Bat ako pa? Psh!





I'm eating peacefully when i heard my one of classmates calling me. Bat ba palaging may nandidisturbo sakin?

"Hey! Akisha!"

"Need anything?" Tamad kong sagot nang makalapit sya sakin. Humarap ako sa pagkain ko at isinubo ito.

"Hmm! Can you do me a favor? Please!" He said.

"Depende sa favor mo." Simpleng sagot ko habang ngumunguya, bahala sya dyan basta kakain ako.

"Pwede bang pakipass nitong assignment ko. Absent kasi ako kahapon eh." Napanganga ako ng wala sa oras kaya muntikan nang mahulog ang kinakain kong kanin.

Seriously? Akala ko naman kung ano!

"Bat di Ikaw ang mag pass ha!" Nakairap na sagot ko.

"Hehehe! Sorry, kasi ano eh! Aabsent sana ako ngayon. Bye!" Kamot ulong sagot nya. Bago sya tumakbo papalayo.

Ghad! Gulay! Muntik ko nang makalimutang sya si Arklou Gensen. Ang lalaking kulang nalang ay tumigil na sa pag aaral dahil sa palaging absent.

Ewan ko ba dyan sa lalaking yan, panay ang absent buti nga naalala ko pa sya.


Flashback

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria para sana bumili ng lunch ay nakaramdam ako nang kakaiba, pero hindi ko nalang pinansin dahil gutom na talaga ako.

"Ate pabili nga nang tatlong rice, adobong karne, minudo, at tsaka........ tinolang manok, pakisamahan nalang din nang sofdrink. Thank you!"

"Eto oh! 569, lahat." Grabe ang mahal naman!

Kinapa kapa kong mabuti ang bulsa ko nang maramdaman kong parang wala yung wallet ko. Tiningnan kong mabuti ang dala kong bag, pero hindi ko parin makita kulang na nga lang ay tanggalin ko na ang lahat nang gamit ko makita lang ang mahiwagang wallet ko.

Pakshit! Naman! Nasan na yun?!

Nilingon ko si ateng tindera at tsaka hilaw na ngumiti. Tinaasan ako nito ng kilay na para banag sinasabi na "nginingiti ngiti mo dyan?"

Buti nalang talaga at ako lang ang nakapila at walang nakakita sa katangahan ko.

"A-ano kase ate, nawawala po yung wallet ko." Alinlangang paliwanag ko.

"Oh tapos? Pano natong in order mo? Andami daming inorder tas wala naman palang pambayad."

"Ako napo ang magbabayad." Napalingon ako sa lalaking nagsalita, nakakagulat ka boy!

"Sure ka?" Kinapalan ko talaga ang mukha ko para lang sa pagkain.

Tumango lang ito bilang sagot. Mayaman siguro to! Tingnan mo nga oh binayaran yung inorder ko kahit na hindi nya ko kilala. All sana!

"Salamat ha! Babayaran nalang kita" Laking pasasalamat ko sa lalaking to at niligtas nya ko sa kamalasan ko. You're my savior!

"Oops! Don't say thank you! Dahil may kapalit yan." Nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya.

Don't tell me? Katawan ko yung kapalit? Tapos, pagkatapos nya kong gamitin ibebenta nya yung laman loob ko? Thennn? Noooo!

"Kung makatingin ka naman! Hindi kita type noh!" Aba't! Hindi rin kaya kita type noh! Kaya quits lang tayo.

"Eh ano ba kasing kapalit? Look! Hindi nga kita kilala tas hindi mo rin naman din  siguro ako kilala no? Tap—"

"Stop! Kilala kita, okay? Your Akisha Demonice Hisstra, I'm your classmate!"

"Weee?" Hindi makapaniwalang sagot ko, ni hindi ko nga sya nakita sa room eh.

"Yes! I'm Arklou Gensen, and ang kapalit na sinasabi ko sa pagbayad sa inorder mo ay ikaw ang magiging taga pass ko nang assignment sa tuwing aabsent ako."


Then ayun! Kaya sa tuwing aabsent ang mokong ako ang nagpa pass nang assignment nya. Kaya pala hindi ko sya makita sa room dahil palagi syang absent, at sa tuwing papasok naman sya ay nasa pinakadulo yung upuan nya at nakadukdok pa. Buti nalang pumasa kapa!


The only girl in section kingsWhere stories live. Discover now