Chapter 17

298 11 7
                                    

Nakasimangot na bumangon ako mula sa pagkakahiga. Nakakainis naman eh parang ambilis naman ata ng araw at pasukan na naman. Makikita ko na naman ang mga tsongo kong kaklase, pero impyernes ha! Diko ata sila nakita o nakasalubong man lang ng dalawang araw. Sa bagay baka gumala din!

"Ano? Habang buhay kana lang bang ganyan ha?"

Inirapan ko lang si Cinth na syang nagsalita, nakaupo lang kasi ako habang nakanguso. Tinatamad kasi akong pumasok eh.

Tumayo nalang ako kahit na parang gusto ko ulit matulog. Pumasok ako sa banyo upang maligo pero bago pako makapasok ay nahagip ng paningin ko si Yvinn na kumakain. Mukang okay naman din sya eh!

Pagkarating na pagkarating ko sa harap ng pintuan ng classroom namin ay bumungad agad sakin ang sarit saring ingay nila galing sa loob. Makaingay wagas ha?!

Binuksan ko ang pinto at pumasok, tiningnan ko lang si Bernard na naglahad ng pagkain sa harapan ko, nginitian ko lang sya at umiling. Ewan ko ba, pero wala akong gana kumain. Trip lang siguro.

Nagkibit balikat lang sya at pinagpatuloy Ang pagkain. Pagka upo ko ay sya ring pagtahimik ng room. Anyari? Natahimik kayo?

Nakatingin silang lahat sakin as in lahat talaga ha!

"Alam kong maganda ako, pero pwede bang wag nyo kong tingnan." Masungit na saad ko.

"Good morning, Akisha!" Nginitian ko lang si Blaze na syang katabi ko.

"Ay bad mood." Tiningnan ko ng masama si Arlo na siyang nagsalita.

"Manahimik ka! Baka ipakain kita sa pating."

Nagtawanan ang buong klase na nakapag pa simangot Kay Arlo. Hindi ko nalang sila pinansin at saka dumukdok sa mesa ko. Inaantok pako!

Sigurado naman na ako na walang magtuturo ngayon kaya iidlip muna ako sandali.

Malapit na akong makatulog ng marinig kong sumisigaw si Jeyshel, boses palang at pananalita ay malalaman mo na talaga.

"Oh my ghad! Don't away away! Because Akisha is sleeping."

I can't believe it na ganyan magsalita si Jeyshel nasobrahan ata sa conyo. Napamulat ako ng wala sa oras bukod sa pananalita at sigaw no Jeyshel ay dahil din sa naririnig kong parang may nag aaway.

Umagang away.

Nakita kong susuntukin na sana ni Blaze ang lalaking naka kulay yellow ang buhok. Nagmumukha kamo siyang tae sa buhok niya.

"THE HECK?!" Malakas kong sigaw na nakapag patahimik sa buong room, naka amba pa si Blaze na susuntok ngunit hindi natuloy dahil sa sigaw ko.

"Mag aaway na nga lang kayo sa may natutulog pa! Gusto niyo bang pag buhol buholin ko kayo? Ha?!"

"Bakit ka ba nakiki alam? Ha?! Tsaka hindi to kwarto para matulog kaya wag kang magreklamo!" Sagot nung babaeng sa tingin ko ay kasamahan nung mga lalaking kaaway ng mga tsongo.

"At anong tingin mo dito? Court? For your information Miss, may malaking field sa labas para duon sila magpatayan kaya wag kayong nang iistorbo!"

"Aba! Mukang matapang ang only girl niyo ha?." Sagot naman nung mukhang leader nila eh kasi siya yung nasa una eh.

"At ano naman sayo? Ano suntukan nalang oh!" Tinaas ko pa ang manggas ng t-shirt ko na parang sasabak sa suntukan.

Napansin kong lumapit sakin si Blaze para pigilan ako. Ambilis talaga netong batang to no?

"Relax Kisha, para kana mang tomboy eh." Nakapuot na sabi niya.

"Eh kung ikaw nalang kaya ang suntukin ko ha?"

"Enough! Just leave, Ahero!" Ace shouted.

"Huwag niyong hahayang maalis ang paningin niyo sa babaeng yan, dahil sisiguruhin kong mapapasakin siya. Goodbye, my soon to be queen."

Umalis sila na parang walang nangyari. Ang pinagtataka ko ay ang mga sinabi niya, the hell! Queen daw? Isang malaking no!







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The only girl in section kingsWhere stories live. Discover now