Chapter 12

250 16 0
                                    


Nakaupo ako ngayon sa upuan ko ng tumabi sakin si Winston. Nakangiti itong nakatingin sakin problema nito? Makangiti wagas, walang bukas tol?

Winston Clamerio ang mahilig manigarilyo. Napaisip din ako minsan kung bakit Winston ang pinangalan sa kanya, at natugma pa talaga sa ugali nya. Antalino naman ng nagpangalan sa kanya noh?

"Hi! Can you do me a favor?" Ngiti ngiting tanong nya.

"Oh! Ano yun." Bored kung sagot habang subo subo ang lollipop ko. Ganto talaga ako pag bored, may baong lollipop.

"Ahmm! Pwede bang pakitawag si Ace. Nasa rooftop kasi sya eh." Kamot batok na sabi nya. Napa kunot noo ako, need ba talagang ako ang tumawag?

"Bat kailangang ako? Kung ikaw kaya." Napairap nalang ako. Duh! Asa sya.

"Pretty please!" Nag puppy eyes pa sya sa haparan ko.

Anong akala nya sakin makukuha nya ko sa ganyan ganyan nya huh! Akala mo naman bagay sa kanya, kala mo naman cute.

"Ok cge, pasalamat ka maganda ako." Wala eh cute talaga sya.

"Yes!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng bigla itong sumigaw at nagtata talon. Akala mo naman nanalo sa loto.

"Hoy! Bat ka tumatalon dyan. Wag mong sabihin na sinagot ka na ni Akisha." Nanlalaking matang sabi ni Khimo habang nakahawak pa sa nakakanga ngang bibig.

He's Khimo Roward ang lalaking advance mag isip.

"Ulol! Nakalimutan mo na bang torpe yang si  Winston." Binatukan sya ng katabi nyang si Lenard.

He's Lenard Comario ang lalaking mahilig mangbatok. Kaya hangga't maaari ay hindi ako tumatabi sa kanya, sobrang bigat pa naman ng kamay ng lalaking toh.

Natawa nalang ako sa inasta nila lalo na't nakasimangot na ngayon ang kaninang nakangiting mukha ni Sigarilyo.

Tumayo nalang ako para puntahan si Ace sa rooftop, pa VIP naman masyado tong si Alas. Nang makarating ako sa rooftop ay nakita ko na agad sya na naka tayo sa harap ng railings. Kung diko lang kilala to siguro iisipin ko talaga na magpapakamatay to, na imposibleng gawin nya. Kulang nalang kasi sumampa na sya at tsaka tumalon.

"What are you doing here?" As usual seryoso always sya.

Nakakagulat naman to ni hindi pa nga ako nakakatapak sa loob naramadaman nako ka agad. Grabeng pakiramdam naman yern.

"I'm asking you." Sabi ko nga!

"Pinapasundo ka nang alagad mo sakin."

Ni hindi ko naman alam bat bako napasunod ni Sigarilyo na puntahan to dito.

"Tsk." Sagot ba yun?

Nang hindi parin to humarap sakin ay pumunta nako sa tabi nya. Nakatingin ito sa baba, habang tanaw tanaw ang mga estudyanteng naglalakad.

"Problema mo?" Tanong ko dito.

Napansin kong may pagka balisa ito at halatang may problema. Lumingon ito sakin at dahil dun ay panandalian kong natutukan ang magagandang mata nito na kasing kulay ng dagat. Kahit na malamig itong tumingin at walang kahit na ano mang emosyon na makikita, hindi mo parin maitatangi na sobrang ganda nito pagmasdan.

Napaiwas ako ng tingin nang makita ko ang munting ngisi nya. Shomay! Nakakahiya! Gano bako katagal naka titig sa kanya?

"Yeah!" Napatingin ako sa kanya ng sumagot ito.  Aba himala!

"I'm willing to listen." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun.

"It's Clare."

Nakakairita talagang Alas nato, sobrang tipid magsalita. Isang tanong isang sagot.

"Oh? Anyare ba kay Clare." Usisa ko sa kanya.

"Chsimosa ka talaga noh." Napasimangot naman ako.

Grabe sya! Ako na nga tong nagmamalasakit sa kanya tas sasabihan nya ko ng chismosa. Sabagay totoo nga naman.

"Anong saysay ng sinabi kong 'im willing to listen' kung hindi ka naman magkwekwento." Nakairap na sabi ko.

Kibit balikat lang ang sagot nya sakin bago sya tumalikod ng walang alin langan. Diretso syang naglalakad papuntang pintuan. Bago sya lumabas ay may sinabi sya na naka pag pataas ng dugo ko.





"Ampanget mo pala sa malapitan."



Gago to ah!

****


Short update🥰



The only girl in section kingsWhere stories live. Discover now