Chapter 9

324 17 0
                                    


Nakatulala ako ngayon habang naka upo sa kama ko, hindi parin maalis sa isipan ko ang kahihiyang nangyari kanina.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah." Napalingon ako kay Amara ng magsalita sya. Akala ko tulog nato?

"Ha? Hindi naman, hindi pa kasi ako inaantok." Totoo naman ah!

"Kamusta naman ang section Kings?"

"Okay lang naman." Napangiti ako ng maalala na medyo close ko na yong ibang kaklase ko. Tanging yung apat nalang hindi ko pa kilala.

"Wala ka bang ibang napapansin sa kanila?"

QandA pala to? Hindi ako na inform.

"Ah wala naman." Simpleng sagot ko.

Pero ang pinagtataka ko lang ay napansin kong na pa ngisi sya sa sagot ko. Tsaka nakakapagduda din ang tanong nya. Pero hayaan na nga, kulang lang siguro to sa tulog.

Maaga akong nagising dahil hindi naman ako masyado nakatulog ng maayos. Ewan ko kung bakit, nakita ko si Cinth na nag aayos pa ng higaan nya. Tumingin sya sakin at saka ako nginitian.

"Good morning, Akisha." Nakangiting bati nya sakin. I smiled.

"Good morning din, Cinth." I heard her chuckle. Dahil kumaway pako sa kanya na parang bata.

Trip ko lang.

Kakatapos ko lang maligo at inaayos ko na ang gagamitin ko para sa pagpasok. Napalingon ako nang bumukas ang pintuan. The women with a messy hair and the first thing I knew the stain in her shirt. It's that blood? Nanglaki ang mata ko ng tumingin sya sakin, napansin nya siguro ang tingin ko sa kulay itim nyang damit.

"So-rry." I said. At tsaka ako yumuko upang tapusin ang ginagawa ko.

Napansin kong nakatitig sakin ang malamig nyang mga mata. Kaya lalo akong di mapakali.

Shemay! She's staring at me. Nakakakilabot!

"Don't be nervous, I'm not eating human."

Napalingon ako sa kanya nang marinig ang napakalamig nyang boses katulad ng tingin nya. Ngunit kaagad din akong napayuko ng diko kayanin ang malamig nyang mga mata. Omy! Kinikilabutan ako.

Tumikhim ako.

"Sorry."

Hindi kasi ako sanay na nandito sya. Palagi kasi syang wala dito or hindi lang talaga kami nag aabot. Sa totoo nga lang ikatlong beses ko lang syang nakita, simula ng lumipat ako dito.

"Don't trust easily Akisha. Kilalanin mo muna bago mo pagkatiwalan. Hindi lahat ng taong nakikihalobilo sayo ay gusto kang kaibiganin, dahil may mga tao paring sasaksak sayo patalikod."

"One more thing, wag kang magpakabait ng sobra dahil yang kabaitan mo ang papatay sayo.

Pumasok sya ng banyo at iniwan akong tulala. Maraming tanong ang pumasok sa isipan ko, bakit kailangan nya pang sabihin yun. Is she threatening me? Napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis ang tibok ng puso ko. Am I scared?

Oo, may pag ka basagulera ako at pilosopo minsan pero tinatablan parin naman ako ng takot, lalo na si Yvinn ang nagsalita. Pero kakayanin ko kung kailangan kong languyin ang pagkatao ng iba para lang pagkatiwalan gagawin ko.


Nakadukdok ako ngayon sa lamesa ko, naboboringan ako lalo na at wala namang teacher ang pumapasok dito para magturo, maliban nalang kay sir Jest sya lang ata ang nakakatiis sa kaingayan ng mga kaklase ko.

"Akisha, gusto mo?" Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino yun.

"No thanks, Bernard." Inalok nya ko ng kinakain nyang junk foods. Pero tumanggi ako dahil kakatapos ko lang naman kumain.

He's Bernard Santiago. Ang lalaking mahilig sa junk foods, nung nakaraan lang din kami nagkakilala, mabilis ko syang naging close dahil may pag ka madaldal din sya. Halos lahat naman sila ay madaldal at maingay

"Okay." At tsaka sya tumalikod.

Isa din yan sa ugali nya sa oras na tumanggi ka sa offer nya, talagang hindi ka na nyan pipilitin.

Nag unahan at nagtulakan pa sila sa pintuan ng tumunog ang bell. Ganyan lang ang routine ko araw araw. Papasok tas mag bell then kakain tapos pasok ulit then uwi na.

Ang galing diba?

Pagpasok ko pa lang sa cafeteria ay nakita ko agad si Sandara at Patty na kumakaway sakin. Napansin ko ding wala pa si Cinth, nag ka ayayaan kasi kaming sabay sabay kakain.

"Kanina pa kayo?" Tanong ko nang makarating ako sa kanila.

"Medyo lang." Sagot ni Patty habang kumakain ng fries.

Umupo ako sa harap ni Sandara na busy sa cellphone nya. Inorderan din naman nila ako kaya wala ng problema hihintayin nalang namin si Cinth, para sabay sabay na kami.

"Sorry, I'm late."

Napalingon kami sa humahangos na Cinth. Siguro tumakbo to, nakahawak pa kasi to sa dalawang tuhod nya habang naka yuko.

"Tubig oh." Tinanggap nya ito at diretsong ininom. Uhaw nga sya.

"Upo ka na dito, naka order na sila." I said. Tsaka ko tinapik ang katabi kong upuan.

She's smiled then umupo sya sa tabi ko. Tumingin sya kay Patty na nakasimangot na kumakagat ng fries. Kanina pa daw kasi syang gutom ang kaso wala pa si Cinth.

"Sorry, at saka thank you. Babayaran na lang kita."

"Sorry ka dyan! Kanina pako gutom, nagtiis pako sa fries fries lang. Pasalamat ka kaibigan kita. Naku!" Nakasimangot na sermon nya dito.

Tumawa lang kaming tatlo ng nauna na itong kumain, tapos narin palang mag cellphone si Sandara.

Habang kumakain kami ng may marinig kaming matinis na boses galing sa pintuan ng cafeteria.








"KUYA!!"

The only girl in section kingsWhere stories live. Discover now