CHAPTER 7

344 20 0
                                    

AKISHA POV


Tulala lang akong nakatingin sa harap iinisip ko parin ang nabasa ko kagabi, kahit anong gawin ko ay hindi ko maiwasan na kabahan masyado nakong gulong gulo, lalo na at wala naman akong kaaway maliban nga lang sa pugita. Maraming tanong ang nabubuo sa isipan ko, at wala man lang akong alam na pwedeng isagot sa mga tanong ko. Psh




"BACK TO EARTH AKISHA!" Sa di inaasahan ay nasuntok ko, kung sino mang tarantado ang sumigaw sa tenga ko.




"Arayy!" Malakas na daing ni Blaze nang tumama sa kanyang mukha ang kamao ko.




"HALA! Sorry sadya." Kunwaring guilty kong sabi.




"Huhuhu! My handsam peys!" Maarteng tugon nya na may pasamang punas punas pa sa invisible na luha nya.




"Ayan,napala mo!" Asar na sabi ni Leo sa kanya.




Remember yung parang kabute?! Close po sila. Akala ko nga seryosong tao toh, base sa mukha nya. Sa bagay may kasabihan ngang 'DONT JUDGE THE BOOK BY IT'S COVER'




"Ano ba Kasi?! Bat mo ba Kasi ako sinisigawan?! Ha? Sa mismong tenga ko pa!" Sermon ko Dito.




"Gusto ko lang naman sabihin na lunch na ehh." Nag puot pa ito habang patuloy parin hinimas Ang Mukha nya, na ngayon ay may black eye na. Hehe




"Ahh! Ganun ba?" Hehe. Sorry naman. Napahiya Ako dun ah.




"Tara na nga!" Sabi ni Leo at hinila si Blaze.




Pagpasok pa lang namin sa cafeteria ay rinig na rinig namin ang ingay ng mga classmate namin. Kahit saan talaga.




"Yow!" Bati ni Leo, nang makalapit na kami.




Ako? Feel ko out of place ako. Bakit? Kasi parang hangin lang ako, pano ba naman nag si upo na sila samantalang ako eto walang mauupuan. Take note may pagkain na sila. Sana all nalang!




"Hey! Aki, here." Tiningnan ko sila Sandara at Patty na nakaupo sa may tabi ng bintana. You save me! Dali Dali akong lumapit sa kanila ng Hindi na nagpa alam sa mga tsonggo, bala sila. 




"Here, inorderan na kita, I know na OP ka sakanila kaya tinawag na kita." Ayeiettt ka touch naman. Charrr.




"Eyh! Thank you, kanina pa ba kayo Dito?" Tanong ko.




"Nah! Magkasunod lang tayo." Sagot ni Sandara.




"Thank you ulit ha, babayaran ko nalang kayo." Pagpapasalamat ko ulit.




"No need! Best friends naman na Tayo." Nakangiting sabi ni Patty.




"Hey Aki! Bat ka andyan?" Nagtatakang tanong ni Blaze, ng mapansin nya ko. Wow ha! Ngayon pa sya nakahalata na Wala Nako dun.




"Kasi Wala Ako dyan." Pabalang na sagot ko.




"Luhh!" Tanging reak nya nalang.




Inirapan ko nalang sila. May pa sigaw sigaw pa sya sa tenga ko, Kasi mag lulunch na daw kuno, tas pinabayaan lang akong nakatayo. Di man lang nag offer na paupuin Ako. Walang ka gentlemanan sa katawan.




Aishh! Makakain na nga lang.










****

Vote and Comment


The only girl in section kingsWhere stories live. Discover now