Chapter 6

177 5 0
                                        

The new Secretary

Pagkagising ko kinaumagahan ay wala na ang kasama ko. Maayos ang kama nito at wala ang mga gamit niya.

Nagkibit balikat na lang ako saka naghanda na sa pagpasok. Naglalakad ako sa hallway papuntang room nang may makasalubong akong teacher. May dala itong mga papel.

"Mr. Davis of class first, am I right?" tumango ako sa sinabi nito.

"Please take this to the Principal's office, I have an urgent meeting ngayon, and please antayin mong matapos pirmahan ng Principal. Then give it to Ms. Ginger, sa faculty." 'Di na ako nakatanggi pa nang binigay nito sa'kin ang mga papel at patakbong lumayo.

Imbis na deretso na sa classroom ang punta ko ay lumiko ako sa hallway daan papuntang office ng Principal.

"Ipaparenovate ang room mo. Since graduating student ka, meron ng papalit sa pwesto mo. We planned to do the work after you graduate, but you know how busy the school is. And kf you really don't want a roommate then to can stay in my used room." Rinig kong sabi ng principal. Nasa tapat na ako ng pinto at akmang kakatok nang marinig ko ang boses ng kausap niya.

"Everything but your room. And who's gonna be the president?" Prez asked.

"She's a junior student, 7th grade to be exact." the Principal answered.

They're letting a 7th grade student rule the school? Ano na lang magiging itsura ng school pag nagkataong mas bata ang mamumuno sa kanila?

I knocked on the door at inawang ng konti ang pinto. They both looked at my direction. Nakaupo si Prez sa upuang nasa harap ng Principal. Pumasok ako ng tuluyan at nilapag sa table ang mga papeles na hawak ko.

"I'm sorry to interrupt you, but Mrs. Covas requested your signature here sir." I said. Chineck naman ng Principal ang mga papeles.

"Oh, these are from the school of Girls. What do you think Mr. Herris?" sabi ng Principal saka inabot ang papel kay Prez.

Nanonood lang ako sa kanilang dalawa nang mapansin 'yon ni Prez.

"May I ask what are you still waiting for?" Kahit na 'di niya ipakita ay alam kong tinatarayan na naman niya 'ko. Ba't ba ang init ng ulo sa'kin ng lalaking 'to?

"I'm waiting for the papers, Mrs. Covas told me that so." Pasimple ako nitong inirapan saka binaling ang tingin sa papel na hawak.

"Gusto ng Girls na ibalik ang sistema ng school nila at school natin." Sabi ng Principal. Nangunot ang noo ni Prez habang nakatingin parin sa papel na hawak nito.

"Oh, I forgot, ang Kuya mo pala ang Presidente ng mga oras na iyon. Well, it's about the visitation ng Girls sa school natin. Hine-held ito once in a year. Pero nung Kuya mo na ang naging Presidente ay inalis niya iyon. I think he's allergic to girls." Natawa ito sa sinabi niya. But wait, so Prez has a brother?

"Anyways, the President of girls want to held it again, so what is your say?" Asked the principal.

"I'll call a meeting for this, let me have the papers." He said saka na tumayo.

"And what about the new Secretary?" Pahabol na tanong ng Principal.

"Since Mr. Davis is here, he'll be my new Secretary." Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. 'Di na ako nakaangal nang maglakad ito palayo. Akmang lalabas na siya nan may sinabi pa ito.

"Take the papers Mr. Sec." Saka ito tuluyang lumabas. Inirapan ko ang pintong nilabasan nito. I took the papers and bowed at the Principal saka sumunod kay Prez.

'Di pa naman ito tuluyang nakakalayo kaya nakahabol ako sa kaniya.

"I don't–"

"You'll gonna take the position weather you like it or not. I can't share a room with some rank S while I'm in a highest rank. Para at least man lang masasabing hindi big deal na kasama kita sa iisang room dahil sekratarya kita." Tinaasan ko siya ng kilay. Kapal ng mukha ng lalaking 'to. Ginusto ko bang makipag-share ng room sa kaniya? Wala akong pake kung titingnan ng marami na big deal 'yon.

"Why can't you just share a room with your oh so called high rank students nang 'di ka makapagreklamo, right Mr. President?" Tumigil ito sa paglalakad kaya napatigil din ako.

"Kung meron akong choice edi sana 'yun ang ginawa ko hindi ba? Pero malas ako kasi yung sa'yo ang mayr'ong space." Sabi nito saka nanguna na sa paglalakad. Sumunod na lang ako sa kaniya.

Pumasok kami sa councils office. Naabutan namin ang isang lalaki na nasa ilalim ng mesa. Binaba ko ang mga papel na hawak sa mesa kaya napaitlag ang lalaki at nauntog.

"Ouch!" Maarteng daing nito. Lumabas siya sa mesa nang makita kami. Umayos siya ng pagkakatayo ng makita si Prez. He's gay.

"Good morning Mr. President." Bati sa kanya ng lalaki. Nagbago ang boses nito 'di katulad nung dumaing siya.

"Call the officers." Tumango ang lalaki saka lumapit sa mic na nasa gilid. Umupo naman si Prez sa upuang nasa harapan. Nakapalibot sa oblong na malaking mesa ang sampong silya kabilang na doon ang inupuan ni Prez.

"Calling the attention of the officers, proceed to the councils office now." announce nung lalaki.

Ilang minuto lang din ay nagsidatingan ang mga officers. And take note. Required na may mukha pag member ka. They're all good looking. Anytime pwedeng mahulog ako sa mukha pa lang nila. Pati yung bakla, inaamin kong gwapo siya.

We don't have to talk about the President. Dahil sa lahat ng lalaking nasa loob ng room na ito, siya ang nangunguna. He's a hot nerd dahil sa glasses na suot nito. 'Di ko alam kung malabo ba talaga ang mata niya o for the clout lang 'yung glasses. Pero bagay naman niya.

Nagsiupuan na sila sa kaniya-kaniya nilang upuan habang nakatayo lang ako doon.

"Who's the guy?" sabi ng isang lalaki. Napatingin ako sa maliit na name tag nito.

Ivon Covas
P.I.O

"He's the new secretary, Mr. Zephyrous Davis."

Zephyr.

SERIES TWO: Devil's Disguise (✓)Stories to obsess over. Discover now