Aishiteru
Weeks of non-stop practice. Kahit na maaga akong natutulog pagkatapos ng practice ay nakakatulog parin ako sa klase. Minsan na 'kong napalabas dahil nahuli ako. Ang ginawa ko na lang ay pumunta sa garden ng school at natulog sa ilalim ng malaking puno doon.
Gusto ng grupo na ako ang maging representative sa Mr. Intramurals. But I refused. 'Di ko na kayang dagdagan pa ang stress na nakukuha ko sa basketball. Kaya ang ending, si Kyle ulit ang pambato. He can handle himself anyway.
"Rous, pass!" Sigaw ni Raz sa akin. Natunugan naman 'yon ng kalaban at hinintay na ipasa ko kay Raz ang bola. But Blake is also free. I smirked and passed the ball to Blake.
Napasok nito ang bola. No doubt he's the ace. Sharpshooter din ito. Pumito si Yvo, hudyat na tapos na ang oras. Hinihingal akong napaupo sa sahig ng court.
"Good job everyone!" Yvonna said. Lahat kami ay pagod dahil sa practice.
"And you also did a great job Rous." Paglapit ng babae sa'kin sabay abot ng tubig. Kinuha ko ito sa kamay niya at ininom.
Sa ilang araw na pagpapractice namin ay palagi siyang andiyan. Hinayaan ko na lang at 'di ko naman pwedeng paalisin. 'Di ko na lang din pinansin ang panlalandi nito sa'kin. Wala na rin naman akong ganang pagtuonan 'yon ng atensyon.
"We've made a great team this year." Lumapit si coach sa'min so we form an circle. "Aside from the ace is on our side. We also have an aspiring aces. But also, we can't let our guard down. Soaring eagle has the ABS basketball team captain and Hiashi Jenson, the MVP last year." Seryosong sabi nito.
"And the players of Hovering falcon. Majority of them are tall. Taller than anyone. While the Drifting owl has the majority player of 5'3-5'4 player. Their Captain is the only one who can match the other teams height including us. But they're terrible. There speed is something, so prepare yourself." Mahabang paliwanag nito sa mga impormasyon sa ibang team.
"I'm not saying this for you to be threaten. It's to boost your confidence. We're strong. You got that?"
"Yeah!!" Malakas na sigaw naming lahat.
"GLIDERS!" Malakas na sigaw ni Coach at nilahad ang kamay sa harap namin. Pinatong naman namin ang kamay sa kamay nito. Huli ang kay Yvo.
"FIGHT!"
"YEAH!"
Pagkabukas ay siyang simula ng intramurals. Puwedeng pumasok ang outsiders. Kaya naman pagkapasok ko ay puno ang buong school. Maraming booth sa malawak na grass field. May mga rides din. Nagmistulang perya ang school.
Imbis na pumunta sa booth namin ay dumeretso akong gymnasium. Sa malaking gymnasium ako pumasok. Basketball game lang ang pwede dito. At ito ang gagamitin para sa Intrams.
Marami ng tao pagkapasok ko. Naghahanap ako ng mauupuan nang kumaway sa'kin ang mga ka-team ko. They reserved me a seat katabi nila. Sa likod nito ay doon din nakaupo sila Neji at iba pang councils maliban kay Caius. 'Di ko rin siya naabutan pagkagising ko.
Umupo ako sa upuang nireserba nila sa'kin. Limang minuto na lang at mags-start na ang game. Drifting owl at Hovering falcon ang maglalaban ngayon. Soaring eagle at Gliding hawk bukas. The next day ay lose to lose. And the next to that day ay ang win to win. Bago malalaman kung sino ang champion.
The game started. Todo cheer ang mga tao sa grupo na pabor sa kanila. Both the team are confident. May kaniya-kaniya silang galing sa paglalaro.
Coach Izumi is right. Kahit na maliliit nag miyembro ng Drifing owl ay mabibilis ang galaw nila. They're best at defense. Maraming may mga kakayahan sa point guard. Habang ang captain nila ang three points shooter. 'Di maikakailang siya lang ang matangkad sa team nila. Siya ang pinaka-matangkad sa lahat ng player ng basketball na andito.
While the Hovering falcon, like what Coach Izumi said. Matatangkad sila, bilang lang sa tatlong daliri ang maliit. Mahirap malaman kung sino ang mananalo sa dalawang magagaling na team.
Inoobserbahan ko ang galaw ng bawat manlalaro ng napadako ang tingin ko sa ibaba ng ring ng falcon. Nakatayo doon si Caius habang nakapamulsa.
Pinapanood niya ang laro habang nakakunot ang noo niya. He smirked when the falcon shoot the ball. Agad na nagsalubong ang tingin namin. 'Di ako nag iwas ng tingin na mas nagpangisi pa sa kaniya.
He mouthed something. At first, akala ko ay mali lang ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya dahil sa malayo naman ito sa'kin. Pero inulit niya 'yon ng isang beses. Pagkatapos ay naglakad na palayo. Habang ako, ilang minutong nasa kinatatayuan niya ang tingin.
Natapos ang laro ng 'di ko namamalayan. Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ang sigawan ng mga tao. The Hovering falcon won. At kung sino man ang manalo sa team namin laban sa eagle ay siyang makakalaban sa falcon.
Naglalakad ako palabas ng gym na wala sa sarili. I can't help myself when I felt the late reaction of my stomach. The butterflies inside gone wild. Habang ang mga pisngi ko ay nag init. I'm sure I looked like an idiot tomato right now.
Pero 'di ako nagkakamali. I understand the word he said. Aishiteru.
Zephyr.
The word 'Aishiteru' means I love you in the japanese langguage.
YOU ARE READING
SERIES TWO: Devil's Disguise (✓)
RomanceHer life is like a hide and seek. Keep your identity hidden or they'll come after you. In order to keep herself safe, she lived her life in an opposite gender. Endrolled to an all boys school and pretend to be one. Thinking that it would help her di...
