1

8 1 0
                                    

Chanel Dior's POV




Hindi ko alam bakit para akong matatae sa kaba! Hoooo!






First day ng classes namin ngayon at talaga namang kinakabahan ako. Kilala ko naman na ang mga kaklase ko dahil wala namang shuffle na naganap kaya wala dapat akong ikakaba pero nagkukusa lang talaga!







*Beep* *beep* *beep*






"Chanel Dior! Aba bilis! Ayaw kong ma late sa first day of school." Sigaw saakin ng pinsan ko.






Inirapan ko nalang siya at saka tinapos na ang pagkain ko. May 45 minutes pa naman bago ang start e! Hindi man lang maka enjoy sa pagkain.





"Mama alis na po kami!" Sigaw na paalam ko kay mama at sumakay na sa kotse.










"Tabi tayo ah!" Sabi ko sa kanya dahil magkakalase kami, lagi naman. Actually wala kami sa higher section, aminado naman kasi kaming medyo pasaway. Medyo lang. Haha!







"Tss, ang bagal mo!" Irap niya saakin.




"Tse! Ang arte mo!" Sabi ko pabalik.





Hindi na niya ako sinagot at mabilis na pinaandar nalang ang kotse niya. Sa sobrang bilis muntikan na kaming mapunta sa heaven. Pero hindi ko pala sure kung sa heaven ang punta ng pinsan ko.








Dumiretso na ako sa room at nag attendance muna bago pumasok. Ang pinsan ko naman na si Asher ay maagang landi ang ginawa.







Kaya pala eksayted pumasok ang ungas!







Pagkapasok ko ay nagtataka ako kung bakit hindi ko kilala ang mga kaklase ko. Awkward ko silang nginitian dahil kahit sila ay nag tataka saakin.








"Hi, eto ba 'yung section ng Eleos?" Tanong ko sa kanila. Nagtinginan naman sila sa isa't isa. Hinintay ko silang sumagot pero nganga lang ako.








Ay sige Chanel talk to the hand daw!





"Thank you sa pagsagot ha!" Nginitian ko sila ng peke at inirapan.









"You are welcome!" Napapikit ako sa pagkaasar ng may sumagot. May mga bibig naman pala ang mga putarages!








Hindi ko nalang sila pinansin at bumalik sa entrance at tinignan ang masterlist. Nandito pangalan ko.. chineck ko kung nandito ba ang pangalan ni Asher pero wala akong nakita!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three Words Better Than I Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon