Ang storyang ito ay bunga ng aking imahinasyon o ng aking napanaginipan.
Maraming maling gramatika, maling pagbaybay, at masamang eksena.
Pangalan, lugar, negosyo, karakter, at pangyayari.
Lahat ng ito ay gawa-gawa ko lamang.
Kung meron mang kaparehas ang storyang ito, mga pangyayari, mga tauhan patay man o buhay ay nagkataon lamang o hindi sinasadya.TITLE: THE SINGLE MOM AND HER THREE BOSS
MOMMY SERIES #1
BY: A'JOFEL~~~~•~~~~•~~~~
Angelica's Pov
Kakalabas ko lang ng cr at hinihintay ang resulta ng test. Kinakabahan ako. Paano kung positive? Anong gagawin ko? Paano ko bubuhayin ng mag isa ito?
Unti-unti ng lumalabas ang pulang linya. Isa.. dalawa..
Buntis ako. Nabuntis ako. Masaya ako oo, pero malungkot rin dahil hindi ko kasama ang ama ng dinadala kong bata. Masaya ako dahil sawakas magkakaanak na ako at hindi ako baog.
Pero paano na ito?
Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang pregnancy test. Sinend ko agad sa best friend ko na si Lily. Maya-maya nag video call ito.
"Hoy bruha ano to? Ano tong sinend mo? Nang paprank kaba?" Bungad agad ni Lily sakin.
"Bibi, buntis ako.." naluluha kong sabi sa kanya.
"Wag kang magbiro ng ganyan Angelica, nasa Manila ka. Di kapa nagtagal ng isang buwan dyan tapos mabubuntis ka agad?! Hoy G*ga kakabreak niyo lang ni Aries tapos.." di niya napatapos ang sasabihin niya.
"Bibi naman, kilala mo naman ako, aminadong may crush ako sa boss namin pero di ibig sabihin nun nilalandi ko yun. Mabait ako noh." Depensa ko.
"Oh eh bakit ka na buntis sino ba nakagalaw sayo? Wala ka namang sinabi sakin na narape ka." Sabi niya.
"Si Aries."
Napatigil siya sa at tinitigan niya ako. Kaya napa iwas ako ng tingin.
"Seryoso ka? Bi, 3 weeks ka nandyan sa manila at 1 month na kayong wala. Don't tell me bago kayo nag break nag-ano pa kayo." Napatingin ako bigla sa kanya.
"G*ga. Ano yun score muna bago takbohan? Hindi naman ako basketball ring para isshoot ng bola para makascore." Biro ko sa kanya.
"Eh paano nga nangyari?"
"Kasi may nangyari samin nun after ng 2 days dun na nagstart yung away namin. Dun na nagkagulo, hanggang sa napagdesisyonan naming maghiwalay." Paliwanag ko.
"Tapos di niyo naisip na bubunga?"
"Hindi kasi buong akala ko hindi ako mabubuntis."
"T*nga, di ka naman baog, di rin siya baog paanong di ka mabubuntis?" At nagpatuloy siya sa ginagawa niya. Engineer kasi siya.
"Kasi sabi nung doctor ko nung nagkaproblema ako sa menstruation. Sabi daw mahihirapan akong magkaanak dahil sa kondisyon ko." Paliwanag ko. Kaya tumatango ito habang may sinusulat.
"Bibi, gusto ko mangako ka. Wag mong sabihin sa kanya na buntis ako. Gusto ko ang makakaalam lang ikaw at ang pamilya ko. Ok lang ba?" Kaya napatingin ito sakin.
"Bakit naman? Plano mo bang itago ang anak mo sa ama nyan?"
"Hindi naman sa ganun, ayoko lang magkagulo ulit. Kakahupa lang ng issue tas may panibago na naman. Ok na yung sakin lang muna, satin-satin para sa katahimikan niya at ng pamilya niya."
"Laking gulo ba naman nangyari sa inyo." At nagpatuloy siya sa pagsusulat ulit. Kaya tumahimik kami saglit.
"Ano na gagawin mo kung ganun?" Tanong niya. Napangiti ako.
"Aalagan ko ito, bubuhayin ko ito ng mag-isa tutal may regular naman akong trabaho at may kalakihan rin ang sweldo. Kaya ko to." Sabi ko na may ngiti sa labi. Ngumiti rin siya sakin.
"Next week pupunta ako dyan. Dahil nakatanggap ako kaninang umaga ng message galing sa isang malaking engineering company dyan sa manila. Tinaggap ko tutal malapit naman dyan sa lugar mo. Para may kasama ka narin." Nagulat ako sa sinabi niya. Nakaramdam agad ako ng excitement.
"Talagaa? Sige, aasahan kita ah? Dito ka narin magstay sa apartment para di kana maghanap ng apartment para less narin ang bayaran kasi paghahatian natin. At isa pa dalawa yung room nitong apartment kaya tamang tama satin." Sabi ko agad sa kanya.
"Magkano nga ulit renta mo dyan?" Tanong niya busy parin sa kung ano sinusulat at tinatype sa laptop niya.
"8.5k per month pero ako nagbabayad ng kuryente at tubig. Ayos nalang rin kasi hindi naman ganun kalaki hindi rin ganun kaliit, pero sakto naman sa isa or dalawang tao. At isa pa maganda naman kahit walang second floor. Ang vibes nga eh parang nasa kdrama or cdrama. Hahaha" paliwanag ko sa kanya.
Sana makakasama ko siya gusto ko rin bumawi sa kanya. Isa narin sa dream ko na makasama ang best friend ko sa iisang bahay. Yung sabay kami kakain araw-araw, matulog, tas magtutulong sa kung ano gawain at syempre sabay aabutin ang pangarap namin.
Hayss. Paano ko ba sasabihin to sa mga magulang ko?
~~~
BINABASA MO ANG
The Single Mom And Her Three Boss (Mommy Series #1)
RomanceTitle: The Single Mom and Her Three Boss (Mommy Series #1) Author: A'Jofel Genre: Drama/Romance She is Angelica, a modest girl with huge goals. She is a pregnant woman, yet she is well embraced by everybody around her, particularly those who love he...