Third person's POV
"Tignan mo nga naman, haliparot talaga yang ex mo, Aries." Sambit ni Mae kay Aries.
Mula sa 2nd floor pinagmamasdan nila Mae, Aries, Andrei at Mike si Angelica at Shawn kung saan nasa 1st floor sila. Kitang kita sa pwesto nila kung paano tumawa si Shawn kay Angelica na parang walang nangyari kanina.
"Mae." Suway naman ni Mike.
"Bakit ba Mike? Hindi pa ba obvious na malandi yang babaeng yan?" Inis na sabi ni Mae.
"Mae." Pagtawag ni Aries.
"Pati ba naman ikaw Aries? Sinampal ka na niya oh--" naputol ang sasabihin ni Mae ng sumabat agad si Aries.
"Bakit ka nagsinungaling, Mae?" Walang ganang tanong ni Aries kay Mae habang pinapanood niya si Angelica kung saan meron na itong nakayakap na babae.
"Anong pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ni Mae. Hinarap niya si Mae.
"Tungkol kagabi, ikaw ang nauna hindi siya."
"Ano naman ba ang sinabi sayo nung ex mo? Binibilog niya naman ba yung utak mo?" Naiinis na tanong ni Mae kay Aries.
"Pwede ba, Mae? Kahit ngayon lang magsabi ka ng totoo." Mahinahon na sabi ni Aries. Tinarayan lang siya nito ni Mae.
"Ewan ko sayo. Bahala kana dyan, magpakatanga ka ulit." Na dismaya si Aries kay Mae kaya lumayo na ito sa kanya.
"Hanggang ngayon ba bitter ka parin?" Tanong ni Mike kay Mae. Nagtataka naman itong hinarap.
"Pinagsasabi mo, Mike?" At tinaasan siya ng kilay. Ngumisi lang si Mike at iniwan.
Angelica's POV
"ANGELICA MILABS!!" Isang sigaw ng babae muna sa kaliwa ko kaya napatingin ako kung sino.
"Lilyy!!!" Sigaw ko naman at tumakbo kami para magkasalubong ng yakap.
"Waahhh!! Namiss kita bff!!" Malakas na sabi ni Lily habang yakap yakap ako ng mahigpit at ganun rin ako.
"Namiss rin kita bhe." Medyo naluha naman ako. Hay naku hormones. Napabitaw naman ako sa yakapan namin.
"Hala bat naiiyak?" Sabi agad ni Lily at pinunasan ang luha ko. "At teka bat namamaga ang labi mo?" Di ko alam na mapapansin niya pala yun.
"Wala nakagat ko lang." Pagdepensa ko naman. Kita ko sa mga mata niyang nag-aalala sa akin.
"At tekaa! Bat may bakas na kamay yung andito sa mukha mo?! Sinampal ka ba?!" Ramdam ko na yung pag biglang inis niya.
"Walaaa, ano ka baa." Paglayo ko naman ng mukha ko.
"Anong wala? Huy babaita, baka di mo lang sinasabi sakin na minamaltrato ka dito sa Manila ha?!" Pagsigaw niya at medyo pinagtinginan na kami ng mga tao.
"Ano ba, yung boses mo nakakahiya. Engineer ka pa naman." Bulong ko sa kanya.
"Eh pake ko?! Eh sinasaktan ka?" Sabay cross arms niya at napakamot naman ako ng ulo.
"Mamaya papaliwanag ko. May trabaho pa ako eh." Bulong ko sa kanya.
"Ahem, so Lily mauna na kami." Sabi agad nung babae na kasabay niya siguro kanina.
"Ay Oo nga pala. This is Angelica, my bff and my other half. And bhe this is Attorney Sherrie Lynn Lewis. Alam mo ba pamilya nila ang nagmamay-ari nitong airport na to? Yaman noh?" Pagpakilala ni Lily sakin sa kay Atty. Ahh so siya kapatid ni Shawn.
Napatingin naman ako kay Shawn ngumiti naman ito sakin napangiti naman ako sa kanya. Di ko alam na napansin pala yun ni Lily.
"Aba sino yan ha? Siya ba si Jaevin? Ayieee." Asar niya sakin.
BINABASA MO ANG
The Single Mom And Her Three Boss (Mommy Series #1)
RomanceTitle: The Single Mom and Her Three Boss (Mommy Series #1) Author: A'Jofel Genre: Drama/Romance She is Angelica, a modest girl with huge goals. She is a pregnant woman, yet she is well embraced by everybody around her, particularly those who love he...