Chapter 11

5 1 0
                                    

Angelica's POV

5:00 am, yan ang oras na umalis ako ng apartment para sunduin ang best friend ko sa airport. Tamang tama pagkalabas ko ay sinalubong agad ako ng taxi kaya pumara na ako.

Nakapagpaalam naman ako sa kay sir Jaevin na malalate akong pumasok, nag-insist pa siya na mag halfday nalang ako syempre tumanggi nalang ako. 7 kasi yung office time namin, mga 8 or 9 ako papasok. 5:30 ang arrival time ni Lily.

Hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kagabi, ang paghaharap namin ni Mae, ni Madame Jacklyn, at ni Thalia. Mabigat parin sa dibdib na hinuhusgahan nila ako kahit hindi naman ako ganung klaseng tao.

Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko kaya pinunasan ko agad.

Kagabi ay nakita ako Maxwell na tumatakbo papaalis, di ko naman alam na siya pala makakabangga ko. Pinigilan niya ako nung makita niyang umiiyak ako. Tatawagin niya sana si Jaevin pero pinigilan ko siya.

FLASHBACK

Aalis na ako dito..

Tumakbo ako papalabas ng reception ng may nakabangga ako.

"S-sorry po." Pagpaumahin ko at yumuko. Aalis na sana ako ng hinawakan niya ako.

"A-angelica?" Kaya napatingin ako kung sino. Bungad sakin ang isang matangos na ilong at ang ganda ng kanyang mga mata.

"M-maxwell." Nanginginig ako habang pinipilit kong bitawan niya ako.

"What happened to you? Did someone hurt you? Wait I'll call Vin." Tatawagan niya na sana si Jaevin ng pinigilan ko.

"W-wag! Wag! Parang awa mo na, wag." Pagmamakaawa ko sa kanya na halos lumuhod na ako sa sobrang hina ko.

"H-hey, don't kneel you'll get hurt." Sabi niya at inalayan niya ako. Hindi ko narin mapigilang humagulhol.

"Let's get inside. Malamig dito sa labas." Sabi niya na ikina iling ko agad.

"Maxwell?" Rinig kong tawag ng babae kay Maxwell.

"Baby, it's Angelica she's crying." Sagot agad ni Maxwell kaya napatingin ako kung sino yun. Si Mica.

Bumitaw agad ako kay Maxwell, ayoko mabigyan ng malisya. Sa kasamaang palad ay pagkabitaw ko kay Maxwell ay ikinatumba ko. Nakita ko namang tumakbo papalapit sa pwesto namin si Mica.

"Oh my gosh Gelica. Are you okay?" Nag-alalang tanong ni Mica sakin. Umiling ako.

"W-wag kang m-magalit, w-wala kaming r-relasyon--"

"Hey, relax. Hindi naman ako galit. Kumalma ka muna." Sabi naman niya at hinahaplos ang braso ko.

"We'll help you get up. Madumi dito." Sabi agad ni Maxwell at inalalayan nila akong dalawa papunta sa bench.

"What happened to you? Bakit ka nagkakaganyan?" Tanong ni Mica kaya naaalala ko agad ang nangyari at hindi ko naman mapigilang mapahagulhol.

Ramdam ko ang pagyakap niya sakin.

"Ok lang ilabas mo lang." Hinahaplos niya naman ang likoran ko.

"We accidentally bump each other but i noticed her crying that's why I hold her arm, when I'll call Vin she stop me and she kneeled begging not to tell Vin. Did you two fight?" Maxwell explained to Mica and at the same time he asked me. Umiling naman ako.

"Then bakit ka umiiyak?" Tanong naman ni Mica. Umiling ulit ako.

"H-hindi ko na kaya, gusto ko ng umuwi." Halos hindi ko na marinig ang boses ko ng pagkasambit ko nun.

The Single Mom And Her Three Boss (Mommy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon