Angelica's POV
Nagkasiyahan na sila after dinner, like punta sa photo booth tapos pumupunta ang bride and groom sa every table para magkaroon ng pictures. At heto parin hindi mawawala ang pagiging aso't pusa nila Jacob at Rose, pero notice ko sa dalawa kanina ko pa inoobserve eh, may something sa kanilang dalawa eh.
"They have the same feelings for each other." Bulong ni Jaevin sa tenga ko kaya nagulat ako ng kunti at napatingin bigla sa kanya pero..
Dug. Dug.
Dug. Dug.
Dug. Dug.Ang ganda ng mga mata niya, blue at ang lapit niya sakin...
"Oyy, oyy! Teka ano yan?!" Napalakas na sigaw ni Rose at pinaglayo kaming dalawa. Kaya napaiwas ako ng tingin at tamang tama pa na nagtama ang tingin namin ni Aries.
Hindi ko alam kung ano maramdaman ko dahil sa nakikita ko sa mata niya na nasasaktan siya kaya umiwas siya ng tingin sa pwesto namin.
"I didn't kiss her, Rose." Rinig kung sabat ni Jaevin kaya napabalik ang attention ko sa kanila.
"Umayos ka, Vin. Hindi kapa nanliligaw sa kanya." Pagbabanta ni Rose sa kanya kaya napatawa ako ng palihim, ang cute niya.
"Aba anong tinatawa-tawa mo Angel? Nasayahan ka? No! You're not allowed to kiss him unless you're both already a couple." Pagsesermon ni Rose sakin kaya medyo na gulat ako sa sinabi niya.
"H-hey. W-we didn't kiss!" Depensa ko agad at napaiwas ng tingin nakikita ko na medyo naagaw namin ang attention sa mga katabing table namin. Nakakahiya!
"Rose, OA mo! Para kang nanay ni Gelica." Awat ni Sunny sa kanya.
"Oo nga Rosas, eh ano naman kung nagkiss sila diba? O baka naiingit ka lang? Gusto mo lang ng kiss eh." Pang-asar naman ni Jacob sa kanya.
"Excuse me Hakob, hindi--" naputol ang sasabihin niya dahil sumabat agad si Jacob.
"You're excuse, Mi' lady." sabay turo ng daan kaya napatawa naman kami sa kanilang dalawa.
Nung naramdaman kong iihi ako ay tumayo ako.
"Where are you going?" Tanong agad ni Jaevin sakin.
"C-cr lang ako." Sabi ko naman at tumayo naman siya agad.
"Samahan na kita." Sabi niya kaya medyo na taranta ako.
"N-naku, hindi na kaya ko naman. Madali lang ako." Sabi ko naman. Naiilang ako.
"Okay, I'll wait here, be quick okay? The activities will be start sooner or later." Sabi naman niya kaya tumango naman ako.
Umalis na ako dun at tumungo sa cr, medyo may kalayuan nga lang dahil dun pa sa dulo yung cr, medyo maraming tao narin dahil meron sa kanila na nag-uusap dito sa hallway meron ring nagpapicture.
Nakarinig ako ng sigawan galing sa pinanggalingan ko. Maybe nagstart na yung event. Nakapasok na ako ng cr at naghanap ng pwedeng pasukan ng cubicle. Medyo nahirapan pa ako sa suot ko. Medyo masikip ng slight kasi sakin. Hindi naman kasi garterize yung skirt.
Nung natapos na akong umihi ay lumabas na ako ng cubicle. Tamang-tama ay merong pumasok bigla kaya napatigil kami pareho.
"Mae." Biglang bulong ko nung makilala ko kung sino yung pumasok. Ngumiti ito at nagpatuloy sa paglakad papalapit sakin.
Medyo kinabahan naman ako.
"Wala pang 3 months ah?" Sabi niya agad kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ibig ba niyang sabihin?
"May bago kana agad, samantalang yung isa palaging umiiyak tuwing gabi." Sabi niya na may halong pagkainis sa boses niya. Kaya napayuko ako. Kilala ko kung sino ang tinutukoy niya.
BINABASA MO ANG
The Single Mom And Her Three Boss (Mommy Series #1)
RomanceTitle: The Single Mom and Her Three Boss (Mommy Series #1) Author: A'Jofel Genre: Drama/Romance She is Angelica, a modest girl with huge goals. She is a pregnant woman, yet she is well embraced by everybody around her, particularly those who love he...