Chapter 7

39 5 1
                                    

Angelica's Pov

Kukunin ko na sana yung Nutella ng pagkayuko ko may nakauntog ako.

"Aray!"
"Ouch!"

Luh sino yun?! Pagkatingala ko kung sino, teka siya yung lalaki sa airport ah? Yung lalaking natapunan ako ng kape niya? Tama! Siya nga si Sir Pilot!

"Ikaw?!"
"You?!"

"Naku sir sorry di ko po sinasadya." Pahinging tawad ko kay Sir.

"No it's fine, sorry din di ko kasi inaasahan na magkakauntugan tayo. Ano ba kukunin mo?" Tanong niya sakin.

"Ahh nutella po. Kayo po ba?" Tanong ko rin.

"Nutella nga rin eh." nahihiyang kamot niya sa batok niya.

"Sige sayo na yung Nutella, I'll fine some jam nalang." Sabi ni Sir. Luh sigurado ba siya?

"Sigurado ka po ba? Pwede naman ako nalang maghanap ng iba." Sabi ko.

"No it's fine, kunin mo na." Kinuha niya yun Nutella at binigay sakin kaya tinanggap ko nalang.

"Salamat po dito Sir." Nahihiyang pasalamat ko.

"Ahm gotta go?" Paalam niya kaya tumango ako at nagpasalamat ulit.

Pagkalagay ko ng nutella sa mini cart ay lumakad na ako naghahanap naman ako ng Honey syrup para sa pancake panigurado kakain yun ng pancake pagsnacks or breakfast.

"Ouch!" May biglang sumigaw kaya napatingin ako. Hala nabanggaan ko siya ng mini cart ko.

"Naku sorry po talaga hindi ko po namalayan na natamaan ko kayo." At pinalayo ko yung cart ko.

"Bakit ang hilig mo bumangga sakin? Haha" sabi niya kaya tinignan ko kung sino. Hala siya ulitt.

"Naku sirr sorry talaga hindi ko sinasadya." Pagpaumanhin ko. Nakakahiya naa!

"It's ok, hindi naman ganun kasakit buti lang naka shoes ako." Kaya napatingin ako. Naka formal shoes siya. Kaya tinignan ko ang kabuuoan niya.

"Galing po ba kayo sa work Sir?" Tanong ko.

"Ahh hahaha yeah. Pagkauwi ko dito sa Pinas umalis agad ako ng airport kinuha ko lang yung uniform ko at itong white shirt at pants lang iniwan ko." Sabi niya.

"Di ka naman siguro nagmamadali eh noh?" Sabi ko.

Alam niyo ang pogi niya napaka charming, iba ang dating niya compare kay Sir Jaevin. Si Sir Jaevin Hot na Pogi. Itong lalaki na to Charming na Cute. Panigurado daming nagkagusto nito sa trabaho nila.

"Hahaha, actually nagmamadali talaga ako kasi akala ko makaabot ako sa bonding ng mga kaibigan ko balita ko rin eh naipapaharap ng isang kaibigan ko ang future girlfriend niya. Kaso nga lang nahuli na ako, umalis na daw sila dito sa mall eh. Di ko naabotan." Sabi niya.

"Sayang naman, siguro sa susunod makikilala mo rin." Sabi ko.

"Siguro nga, na curious pa naman ako kung sino yun, maganda raw eh." Sabi niya sabay kuha ng peanut butter. Kaya naghanap na rin ako ng syrup.

Nakahanap naman ako kaso dun sa kabila kaya lumapit ako dun. Kumuha ako ng isa at nilagay sa mini cart.

"Uhm can I ask?" Biglang tanong niya. Kaya napatingin ako.

"Ano po ba?" Tanong ko.

"Saan ang next mo na pupuntahan? Baka mabangga mo ulit ako at nagbabakasakali rin iisa lang ang next stop natin. Sasamahan nalang kita." Sabi niya kaya medyo nahiya ako.

"Ahh dun po sa kabila, kasi galing na ako dun sa kabilang dulo para hindi na ako magpabalik-balik sa kakahanap ng ibang bibilhin mabuti na yung pagkasunod-sunod para less hassle." Sabi ko narin sabay turo ng direction.

The Single Mom And Her Three Boss (Mommy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon