Chapter 1

28 3 0
                                    

Angelica's Pov

Kakababa ko lang ng taxi dito sa harap ng building na pinagtatrabahoan ko.

"Good morning Miss Gelica." Bati sakin ni kuya guard.

"Good morning kuya!" Bati ko rin.

"Kamusta na kalagayan niyo Miss? Sobra kaming nag-alala sayo bigla ka  nalang nahimatay pagkalabas mo ng building nung araw na yun eh" saad ni Kuya guard.

"Naku, pasensya talaga kuya ah? Nag-alala pa tuloy kayo. Pero ayos lang ako. Napagod lang, at isa pa inasikaso naman ako si Miel." Nakangiting sabi ko.

"Oo nga po eh. Sabi namin dalhin ka nalang sa hospital pero sabi ni Miel hindi na daw kailangan dahil napagod ka lang daw. Pinagod kaba ni Sir Hernandez, Miss?" Nag-alalang tanong ni Kuya guard.

"Hindi naman ganun ka pagod ang mga pinapapagawa niya. Kinulang lang ako sa tulog lalo na di ako nakapag lunch nun. Kaya nahimatay ako." Paliwanag ko which is true naman kaso nga lang di ko naman inaakala na isa rin pala sa rason ng pagkahimatay ko eh buntis ako.

"Sige na kuya pasok na ako baka malate ako pa ako. Pagalitan pa tayo ni bossing. Goodluck kuya!" Pagpaalam ko kay Kuya guard.

Pumasok narin ako ng building, pagkapasok ko binabati ako ng mga employees kaya binati ko rin sila.

Nung pumasok na ako ng elevator napahawak ako sa tyan ko. Di ko talaga akalain na merong bubuo sa sinapupunan ko pagkatapos nangyari nun. Di ko rin inaakala na bubunga agad. Unang beses palang naman yun.

Baby, aalagaan kita ng mabuti. Aalagaan ko sarili ko para mailabas kita ng maayos sakin. Mahal na mahal na agad kita anak...

Nagulat nalang ako na merong pumahid sa pisnge ko.

"Why are you crying Miss Delos Reyes?" S-sir Jaevin?

"S-sir. Sorry sir. Good morning sir." Biglang yuko ko sa harapan niya.

"Hmm, good morning. Di mo sinasagot tanong ko. Bakit ka umiiyak?" Tanong niya ulit. Napakagata ko ng labi.

"W-wala po sir. Napuwing lang po hehe."  Palusot ko.

"Hmm. Then why are you holding your tummy? Is it hurts?" Napaiwas ako ng tingin at nabitawan ko ang tyan ko.

"N-no sir."

"Hmm."

Bigla ng bumukas ang elevator at unang lumabas si Sir Jaevin kasunod na ako. Tuwing nakasalubong niya mga empleyado binabati agad siya nito pati narin ako. Dahil kilala akong secretary ng CEO. Yun ay si Sir Jaevin Xhun Hernandez.

"Miss Delos Reyes, come to my office in 5 mins with hot coffee." Utos agad ni Sir sakin bago makapasok sa office  niya.

Pumasok narin ako sa office ko at hinayaang nakabukas ang sliding door. Nilapag ko muna ang gamit ko at nilabas ang water bottle ko na naglalamang hot water. Kumuha narin ako ng tasa at sinalinan ng mainit na tubig tapos nilagyan narin ng kape.

Meron na ako didto ng sariling cups at electric heater para di sayang sa oras maglakad sa labas. May kape at gatas naman akong na stocks dito. Gatas sakin at kape kay sir Jaevin. Don't get me wrong it's a chocolate milk for me. Ayaw ko sa puting gatas.

Lumabas na ako ng office ko at kumatok sa pinto ni Sir Jaevin. Narinig kong pinapasok na ako kaya pumasok narin ako.

"Angelica, can you take this to the finance department. And puntahan mo narin si Marie ang head ng hr department sabihin mong maghire siya ng 5 janitor or janitress dahil meron na namang finired si mom kahapon." Utos niya sabay hinilot ng sintido niya.

The Single Mom And Her Three Boss (Mommy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon