Chapter 8

36 3 1
                                    

Angelica's Pov

Nagpark siya sa underground parking area ng Building nitong apartment na tinutuloyan ko. Lumabas na ako at pumunta sa back sit para kunin ang ibang pinamili ko.

May nilabas siyang maleta sa trunk ng kotse niya at ang karton ng pinamili ko.

"Ako na magdadala nyan--" sabi ko pero pinigilan ako.

"No, ilalagay ko nalang dito sa taas ng maleta ko para hindi kana mahihirapan." Sabi niya. Ehhh? Bakit maleta?

"Dito rin ako tumutuloy dahil malapit dito yung Airport compare sa ibang apartment, ayoko rin ng condo kaya dito na." Sabi niya. So kaya pala nilabas yung maleta niya. Iisa lang pala ang tinutuloyan naming building.

Tumango nalang ako at sumunod na sa kanya kasi nauna na siyang lumakad pa punta ng elevator.

"Ako na magdala ng paper bangs mo iniwan ko naman dun yung bagong bili kong shoes." Sabi niya kaya binigay ko nalang. Kasi alam mo pipilitin niya ako na ibigay niyan kaya ibibigay ko nalang.

Nung nagbell na yung elevator hudyat na nakarating na kami sa aming floor. Kaya lumabas na kami. Akalain mo nun same 5th floor pala kami.

"Anong door number ka?" Tanong niya.

"Uhmm 216. Ikaw ba?" Tqnong ko rin pabalik.

"Oww, so you are my new neighbor last month. Kaharap mo lang ako. Door 217." Sabi niya. Luh? Bakit di mn lang kami nagkita kung ganun?

"Kung ganun bakit di man lang tayo nagkasalubong iisang floor tapos magkaharap pa." Sabi ko.

"Yeah. Hahaha actually minsan lang ako umuuwi dito. Everytime sunod-sunod sched ko dito ako magstay but if I have a long day off and lots of vacant time dun ako sa bahay ng parents ko umuuwi para merong kasama si mom." Sabi niya kaya napatango ako.

"So we're here. Salamat sa pagdala ng mga gamit ko." Sabi ko. Kinuha ko na yung ibang gamit ko sa kaniya.

"No worries. After all we're neighbors." Sabi niya kaya napatawa ako ng mahina.

"Pasok na ako. Thank you ulit." Sabi ko at binuksan na yung pinto ng apartment ko. Kumaway ito sakin pagkaharap kaya kumaway narin ako.

Pumasok na ako at nilagay ang paper bags sa couch at ang karton naman at supot ay sa table.

Paano kaya kung luluto ako ng adobo tapos ibigay sa kanya. Pampabawi lang, nakakahiya na kasi dami na niyang tulong sakin. Tama magluluto ako para sa kanya.

Minutes later...

Natapos na akong magluto at nilagay ko sa tuperware. Lumabas na ako na dala-dala ang ulam. Humarap ako sa apartment niya at kumatok ng ilang beses.

Bumukas ito at tamang tama bagong ligo niya nagpupunas ng buhok niya.

"Uhm Kai, pinagluto kita ng adobong manok. Pasasalamat ko sana sa pagtulong sakin kanina." Sabi ko at nilahad ang tuperware na naglalamang adobong manok.

"Wow, salamat! Alam mo ba fav ko itong ulam?" Sabi niya. Makikita mo talaga sa mata niya na gustong gusto niya ang adobong manok. Mabuti naman kung ganun.

"Talaga? Hahaha sige na kainin mo yan ah? Pasok na ako! Good night!" Sabi ko at pumasok agad sa apartment na di pa siya makapagsalita.

"Baka yayain niya akong kumain kasama siya. Naku wag na nakakahiya." Sabi ko sa sarili ko.

"As if namang ayayain ka diba? Hay nako Angelica. Kakain na nga tayo. Buti nalang pinag sabay ko yung pagluto ng adobo at pag saing. Di na ako mahihirapan." Sabi ko ulit sa sarili ko. Hindi ako baliw ok? Sadyang kinakausap ko lang talaga hahaha.

The Single Mom And Her Three Boss (Mommy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon