Chapter 5

18 4 0
                                    

Angelica's Pov

Tatlong araw na ang nakalipas. Ganun parin ang routine ko dito sa office kaso nga lang sa akin lahat ang pinapagawa. Kasi naman wala si Sir Jaevin sa loob ng tatlong araw dahil may family outing daw ito, kaya pala umuwi ang triplets dahil may family reunion sila dun sa boracay. Sana ol beach hayst.

Pero ayus lang, makakapag day off narin ako sa sunday at friday ngayon. Hindi ko naman napapabayaan sarili ko kaya chill lang.

"Oyy Gelica tama na yang trabaho maglunch na tayo. Break time na oh. Wag mo naman pababayaan sarili mo." Sabi ni Miel dahil andito sila ni Ate Chris sa office ko.

"Oo nga Gie. Wag kang mag-overtime ang payat-payat mo na at ang pulta baka magkasakit ka na niyan." Sabi naman ni Ate Chris.

Ok nag mumukha akong sinungaling. Yes tama sila, minsan na akong nag-skip ng meal, I only drank choco milk and ate a biscuit tas continue to work na. Ayoko ma sisante ng dahil hindi ko magawa ng maayus ang mga pinapagawa sakin.

Never pa ako nagkamali nung nagtrabaho ako dito, kaya ipagpatuloy ko na walang pagkakamali. Mahirap na baka yung mommy ni Sir Jaevin makatagpo ay ichecheck mga ginagawa ko at may konting mali masisante agad tayo. Kaya...

"Ok lang ako ate. Tataposin ko na ito, bukas andito na si sir dapat natapos ko na lahat tong mga files na to sa pag-eencode at pag arrange ng mga meeting sa mga board members para hindi hassle sa pagbalik ni sir." Habang nag-eencode.

"Alam mo pwede kana maging Best Secretary award ng JX Furniture Company. Ang sipag mo masyado dzai. Di namin mareach." Pabiro ni Miel kaya napa iling ako.

"Alam mo Gie, mabait naman si Sir Jaevin nung nagkamali yung assistant ng head financer namin hindi naman nagalit si sir pinapaulit niya lang at pinapaayos ulit. Kaya ano pa pinag-alala mo, ok naman yun kahit nagkamali ka. Parte naman yun ng paghihirap." Sabi ni Ate Chris.

"Suss, alam mo Christine. Kaya yan nagsipag baka kasi si Madam ang makaharap niyan at pag nagkataon na nagkamali yan masisisante siya. Kaya yan ang pinag-alala niya." Sabi ni Miel. Tama si Miel.

"Sino yung Madam? Asawa ni Sir Jaevin?" Tanong ni Ate Chris. Walang asawa si Sir Ate. Single yarn HAHAHA lant*d ko pfft.

"Walang asawa si Bossing, ni wala ngang Gf yan. Single forever ata yun eh. 5 years pa daw yun ang last na nagkajowa nun, sabi ni Ate Marie." Chika ni Miel. Si Ate Marie yung head ng HR department. Close namin si Ate Marie dahil minsan namin siya nakakasama sa canteen pag-break time.

"5 years? 3rd year college palang ako nun ah." Sabat ko agad sa kanila. Patuloy parin ako sa pag-eencode

"Ilang taon na ba si Sir Jaevin?" Tanong ni Ate Miel.

"Hindi ako sigurado, kasi last year nung birthday niya di ako nakapag attend eh kasi umuwi ako nun sa amin nahospital si papa walang mag-babantay sa dalawang maliit kong kapatid. 3 days off ko nun, buti nga mabait si Sir pinayagan ako." Sagot ni Miel. Nakikinig lang ako.

"Di mo ba alam ang age ni Sir Gie?" Tanong sakin ni Ate Chris. Patuloy parin ako sa pag-eencode. Sorry busy lang.

"Hmm 28 ata siya, hindi ako sigurado. Dalawang beses ko lang nabuksan ang file tungkol sa kanya for some infos para makikilala ko ang boss ko slash pang prepared narin sa sarili just in case may gagawin akong ikinagalit niya." Sabi ko.

"Gaya ng alin?" Sabi ni Ate Chris.

"Ang paulit-ulit na pagkakamali, at mahinhin." Sagot ko.

"Alam mo girl. Itigil mo na yan. Ako na ang magmamakaawa sayo. Ayoko na maulit ang nangyari sayo nung nakaraan na nahimatay ka." Sabi ni Miel kaya napatigil ako at napatingin sa kanya.

The Single Mom And Her Three Boss (Mommy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon