Sa isang medyo madilim na lugar siya dumako. Ako na nakasunod sa kaniya ay saktong huminto pagkahinto niya. Tila dinama pa niya ang simoy ng hangin saka humarap sa akin. Suminghap siya bago tuluyang basagin ang simpleng katahimikan.
"I'm here now. Wala ka bang sasabihin sa akin? Wala ka bang ipapaliwanag?"
"Ano ba ang gusto mong sabihin ko sa iyo? Meron ba?"
"Wala ba dapat?" He gave me his elusive and fiercely stare at ito'y nakakasama ng loob. Alam kong may ganito siyang side pero hindi pa rin ako sanay. At sa halip na siya'y bigyan ng tugon, mas pinili ko na lamang ang manahimik.
"Ayaw mo bang sabihin ang bagay na gusto kong malaman?" Para akong nalusaw sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam. Pero baka nga ito na rin ang hudyat na kailangan ko ng umamin sa lahat.
"Alam mo na, hindi ba?"
"Bakit hindi mo ipaliwanag nang sa ganoon ay maintindihan ko ang tunay mong dahilan."
Yumuko ako at humugot ng lakas ng loob para sa katatagan na aking ninanais."I'm sorry," sambit ko at marahang umangat ng tingin. Kinakabahan ako sa aking mga kasunod na sasabihin at sa mga posibleng mangyari.
"And yes, Rain. We have a child." Naramdaman ko ang pagluwag sa aking masikip na damdamin gayong naamin ko na sa kaniya ang dapat niyang malaman. Bahagya siyang umusog palapit sa akin at hinawi ang aking buhok.
"Kung hindi ako magtatanong, hindi ka rin aamin." Tumawa siya sa mahinang boses. "Alam mo ba kung ano ang tumatakbo sa isip ko?"
Ibinaba niya ang kaniyang kamay sa aking braso saka ako mahigpit na hinatak. Magkadikit na ang aming katawan at ramdam ko maging ang init sa kaniyang enerhiya. Mas tumindi pa ang kaba mula sa aking puso.
Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga at sinabing, "I will get my child."
Napaigtad ako sa kaniyang sinabi at umiling. "No. You can't do that, Rain. You can't."
He smug and says, "He's my child. I'm the father. He's mine. So you can't do nothing."
Mga luha ay nangilid sa aking mga mata habang patuloy sa pag-iling. Hindi ako makapaniwala na ito'y kaniyang sasabihin. Madali lang para sa kaniya ang ilayo ang anak ko sa akin gayong ako ang lumuwal at bumuhay dito. Ni hindi man lang niya itinanong kung ano ang pinagdaanan ko sa panahon na wala siya sa aking tabi.
Villainous."Paano mo nakayanang sabihin sa akin ang bagay na iyan," angil ko sa kaniya. Tuluyan ng bumagsak ang mga patak ng pighati dala na rin sa aking galit at pagkadismaya. "Sa tingin mo ba hindi ko inayos ang pagiging ina ko? Buong buhay ko, ako lang ang tanging meron siya. At hindi mo pwedeng ipamukha sa akin na para bang ikaw lang ang magulang. You can't do this, Rain. Hindi ako papayag na ilayo mo siya sa akin. Magkamatayan muna tayo."
Natawa siya sa aking sinabi na tila ba wala siya naging pake rito. "Sa tingin mo ba may magandang kinabukasan kang maibibigay sa kaniya?"
Mariin ko siyang tinuro sa kaniyang dibdibang bahagi. "Hindi mo alam dahil wala ka. Hindi mo mapatunayan dahil mapera ka. At hindi lahat kayang umikot sa halaga ng isang bagay. Kung ano man ang hindi itinuro sa iyo, naituro ko sa kaniya. Huwag mo rin akong tanungin na tila ba walang alam dahil hindi ako mangmang kaya't huwag mo akong pagsabihan."
Dinampot niya aking kamay ng may galit at saka dumuro sa ibaba. "Ano ba ang ipinaglalaban mo?"
Ako na ang kusang nag-alis sa aking kamay. "Karapatan bilang isang ina. Ang pagiging isang ina."
"It's up to you but I will tell you. No matter what happen, he will be mine and never be yours."
Sandali pa ay umalis ito habang ako naman ay naiwang mag-isa.Bumagsak ang kinalooban ko habang nakatayo. Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil ayoko ng magpaliwanag. Tanggap ko na sa aking sarili na parati akong talo at wala akong magagawa kundi ang magpatangay na lamang sa mapait na agos ng buhay.
Napakapa ako sa aking cellphone nang ito'y tumunog. Isang mensahe ang pumukaw at nagpatindi sa aking pag-aalala.
"Patawarin mo ako, Maddy."
Hindi ko alam kung ako ba ay magwawala o si Rain ba ay aking hahabulin para muling magmakaawa.
BINABASA MO ANG
Secret Series #3 Beautiful Scars [COMPLETED]
Romance"Leave it or have it. Just keep it."