CHAPTER 14

140 27 2
                                    

Pagkalabas ko, si Rain na agad ang aking nakita. Nakasandal siya sa kaniyang kotse at nakangiti habang nakatingin sa akin. Ganunpaman, ngumiti rin ako at agad na lumakad. At kailanman, hindi nagbago ang kaniyang kaguwapuhan. Sa halip, mas lalo pa itong tumindi.


Hinalikan ko siya sa pisngi pagkalapit ko.


"How's your day, Hon?" tanong niya.


"Okay naman, how about you?"


"I just need to apologize about yesterday," sumeryoso ang kaniyang mukha. "Hindi ko nasagot ang mga tawag mo. Masyado akong busy."


Hinawakan ko ang braso niya, "It's okay. And besides, naiintindihan kita."


Seryoso siyang nakatingin sa akin pero agad din naman niya ako pinagbuksan ng pinto. At sa sandali pa ay umalis na rin kami.


Since he was my boyfriend, sumasang-ayon ako sa kaniya kung saan man niya ako dadalhin. And even before when we we're on our school days, I trusted him more than a lot.


But like before, muli niya akong dinala sa mismong Unit niya. At sa pagpasok ko, kakaibang ambiance ang sumalubong sa akin. Nakaramdam ako ng takot at pag-aalala para sa aming dalawa.


At hawak ang aking kamay, dinala niya ako sa dining area. Napangiti ako ng makita ang mesa. The dinner was a kind of date.


"Do you like it?" tanong niya. Tumingin naman ako sa kaniya.


"I like it." The feeling of mine was mixing up.


He offered me a sit at saka rin ako umupo. Nakakailang si Rain. At kahit na sabihin pa na boyfriend ko siya, nahihiya pa rin ako sa kaniya.


"At dahil matagal din tayong hindi nagkasama, sulitin natin ang gabing ito, ng tayo lang ang magkasama." He poured a wine into our glasses at nag-toast kami.


"Na-missed ko ang ganitong ganap, Rain," sagot ko.


He sipped a little at tumingin sa akin, "Sobra kitang na-missed, at alam mo iyan."


Tahimik kaming kumain. At sa paglipas ng Oras, kasama ko naman siyang nakaupo sa sofa habang nakamasid sa mga isda na nasa kaniyang aquarium.


"Sobrang ganda nila," sabi ko ng may pagmamangha.


"Kasingganda mo sila," tugon niya at ngumiti naman ako.


"Matagal mo na ba silang kasama?"


"Sobrang tagal ko na silang inaalagaan," lumingon siya sa akin. "Gusto mo bang malaman kung kailan?"


Hindi ako sumagot. Hinawakan naman niya ang aking isang kamay, at dama ko ang init sa kaniyang palad.


"It was a month after you left me." Para akong nanlumo sa aking narinig. Muli akong kinain ng konsensiya ko.


"Sa totoo lang, ayokong mag-alaga ng mga isda," he added. "Pero sa tingin ko, okay magkaroon ng pet na kagaya nila." Ngumiti siya, pero alam kong deep inside, nasasaktan din siya.


"Hindi nila ako magawang kausapin, pero alam kong naririnig at naiintindihan nila ako the way I talked to them. At sila ang mas nasasabihan ko ng mga problema kumpara sa mokong S.G."


Sumandal ako sa kaniyang balikat. Ang lungkot na aking nadarama ang bumabagabag sa akin araw-araw. At sana patawarin ako ng Diyos sa aking mga nagawang kasalanan.


He slowly round his arms around me. "At ngayong nandito ka na ulit, ikaw na ang magiging kakampi ko."


Inangat ko ang aking ulo. Isang maamong mukha ni Rain La Costa ang nakabaling sa akin.


Secret Series #3 Beautiful Scars [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon