A S H Y
Pagod ako galing sa trabaho, at dahil sa sobrang pagod, naisipan kong magpahinga na muna. At sa kalagitnaan ng aking pagtulog, isang maliit na halik ang dumampi sa aking pisngi, at ramdam ko ito lalo pa't sinimulan niya akong alugin.
"Mama, wake up." Napabalikwas ako, at laking gulat ko nang makita si River. Nakangisi ito ng malapad saka yumakap sa akin.
"Mama, I missed you," sabi niya, "that's why we came here."
"I even missed you more," sabi ko saka hinimas ang kaniyang likod at hinalikan ang kaniyang ulo.
Idinako niya ang tingin sa akin, "Where is Papa?"
Bumangon ako at umupo. Masinsinan kong hinawakan ang kaniyang mga kamay. "Your papa has been working, and later on he will be here."
Tumayo na ako at ibinaba siya sa kama. "Kasama mo ba si Aunt Tessa?"
Umiling sya, "Nope."
"What do you mean by that?"
"Si Tita Tiara ang kasama ko." Napangiti ako nang marinig ang pangalan ng aking kaibigan. I was thinking na nasa London pa rin silang dalawa ng kaniyang asawa.
"Stay here, River," bilin ko sa kaniya at mahinahon naman itong umupo sa sofa at nagsimulang humawak sa kaniyang tablet. "I will be right back."
He nodded, "Yes, Mama."
Lumabas ako ng silid at agad na bumaba. Nakita ko ang babaeng nakaupo, nakatalikod ito pero alam kong siya iyon.
"Good morning, Beb," bati ko saka tumabi sa kaniya. Ngumiti siya at yumakap sa akin.
"Na-missed kita, Ash."
"Sandali lang tayo hindi nagkita, Tiara," humiwalay ako sa kaniya. "I missed you a lot."
Pasimple ko namang nilingon ang paligid. "Ikaw lang ba? I mean, hindi mo ba kasama si Adams?"
"My husband is very busy."
"How about Aunt Tessa?"
Umiling siya, "Hiniram ko lang si River para isama rito."
"Kumain na ba kayo?"
"Yeah. Idinaan ko si River sa Mcdo kanina."
"So, how's your vacation?"
Lumapad ang kaniyang ngiti, "And yeah, sobra kong na-enjoyed ang vacation namin. Pumunta kami kahit saan. But . . . But still, iba pa rin ang saya rito."
Isang kalabog ang bigla naming narinig dahilan para kami ay natigilan sa sandaling pag-uusap. "Saan 'yun?"
Tumayo ako, "Wait me here, Tiara. I will be right back." Muli akong bumalik sa itaas, sa mismong silid ko.
"River?" Wala sa sofa ang aking anak kaya minabuti kong tingnan ang buong silid.
"C'mon, River. Don't play games here." My kid loves to play lalo na kapag Hide-And-Seek. I opened the door of my comfort room, I checked maging sa mga sulok na bahagi at maging ang sa ilalim ng kama, ngunit wala siya.
I opened the sliding window, at tinungo ko rin ang terrace na connected lamang sa aking silid. But still, wala siya.
Agad akong lumabas at patakbong tinungo si Tiara.
BINABASA MO ANG
Secret Series #3 Beautiful Scars [COMPLETED]
Romance"Leave it or have it. Just keep it."