CTS 01

148 6 0
                                    

LIFE SERIES #1

“Oh, uuwi ka na?”

Tumabi sa 'kin si Kurt habang inaayos ko ang mga gamit ko sa loob ng bag ko. Kakatapos lang kase ng last period namin. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at masiyado pa palang maaga para umuwi na sa bahay. Wala naman ako masiyadong gagawin ro'n kaya tatambay na lang muna ako sa mga kaibigan ko.

“Oo, bakit sasama ka?” pagsisinungaling ko.

“Pwede ba?” malanding tanong nito sa 'kin. Humarap ako sa kaniya tsaka inirapan siya, “Ang sungit naman nito.”

Nang maisalpak ko na lahat ng gamit ko sa bag ko ay inilagay ko na ito sa likod ko at nagsimula ng lumabas sa classroom namin. At ito namang lalaking 'to, sunod ng sunod sa 'kin.

“Oh, bakit mo'ko sinusundan ha?” I raised my left eyebrow. Nakangising tinapik niya ang balikat ko habang naglalakad, “Akala ko ba sasama ako sa'yo?” mas lumawak ang ngisi nito sa labi niya. Ang kulit talaga nito! Hindi ba siya nasusura sa pagmumukha ko? Eh, halos araw-araw kinukulit ako nitong mo'kong na 'to. Matapos ko siyang bastedin noong isang araw? May lakas pa siya ng loob na magpapansin sa'kin? Aba!

“Wala akong sinabi, Kurt. Huwag kang makulit.” iritang saad ko at binilisan ang paglalakad. Sa lahat ng ka-blockmates ko sa Accountancy Department. Siya lang ang may makapal na mukha na nagpapapansin sa 'kin.

“Oh, basta! Ingat ka ha? May inilagay ako diyang chocolate sa bag mo. Kainin mo pag-uwi mo!” sigaw nito sa 'kin pagkalayo ko sa kan'ya.

'Yung lalaking 'yon! Kailan niya kaya ako tatantanan?

Nang makalabas ay dumiretso na akong puntahan ang mga kaibigan ko roon sa Carpark. Doon lang naman ang kitaan naming magkakaibigan kapag uwian na.

At ayon! Kitang-kita at rinig na rinig ko kahit malayo pa 'ko sa kanila ang maingay na bibig ni Mira at France. Kumaway kaagad sa 'kin sila ng makita nila akong palapit sa kanila. Oh, lumalamon na pala sila ng hindi ako hinihintay!

“Ang aga mo yata ngayon ha?” salubong sa'kin ni France, “S'yempre, two joints!” binatukan naman ako nito sa sinabi ko. Umupo ako sa gitna nilang dalawa ni Lavi. Si Cams naman ay tahimik lang na pinagmamasdan ako, nakangiti ito.

“Wala pa ba si Kuya Chester?” sasagot na sana si Lavi ng unahan siya ni Mira, “Wala, hindi siya sasabay sa'tin. Busy siya sa training niya para sa UAAP season.” Kungsabagay, varsity student 'yon si Kuya Chester. Captain yata siya ng Volleyball Team nila dito sa UST.

“Oh, kumain ka muna. May pupuntahan tayo ngayon, girl!” pang-aasar sa'kin ni France. Kinuha ko naman mula sa kamay niya ang isang balot ng chitchirya. Kinain ko 'to ng tahimik habang nakikinig sa kwentuhan ng mga kaibigan ko sa harapan ko.

“Tanga! Sino naman nagsabi sa 'yo niyan, ha?” Mira asked France, parang sila lang dalawa ang nagkakaintindihan. Tinanong ko si Lavi na nasa tabi ko kung kanina pa ba sila naghihintay rito. Sabi naman niya ay hindi naman masiyado.

Sa'ming lahat kase, ako ang pinakahuling lumalabas sa department namin. Dahil Accountancy ang kurso ko. Maraming mahihirap na subject ang nasa sa'min kung ikukumpara sa iba. Pero, parehas lang naman mahihirap. Masiyado lang yata mahaba magturo ang professor namin.

Mira took Tourism Management this College. She's already 4th year college same as France na kinuha ang Secondary Education. Si Lavi, Cams at ako naman ay parehas na 3rd year. Si Lavi na kinuha ang BA in Communication at si Cams na Medical Technology. Kaming lahat ay nasa iisang Unibersidad dito sa Pilipinas. Dahil walang iwanan raw, pinasok namin lahat ang UST.

Sa kanilang lahat, si Mira ang best friend ko. Siya rin ang ka-close ko simula ng magkakilala kami. Saktong parehas kaming maingay pero may kasamang pananakit nga lang kung siya ang kasama mo.

Chasing the Stars (Life Series #1)Where stories live. Discover now