LIFE SERIES #1
“Congratulations!”
Nagsipalakpakan kaming lahat dahil natapos na rin ang midterm namin sa wakas! Abot ngiti ang pasasalamat namin dahil lahat kami ay nakapasa sa midterm. Walang bumagsak ni isa sa'min. Niyakap ko sila Ysha at ang iba pa dahil sa sobrang saya. Binati naman ako ni Kurt at niyakap ako ni Lukas.
“Congratulations, my love,” hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya at nagtilian ang mga ka-blockmates namin. Rinig kong natawa si Lukas sa ginawa ko. Normal na sa'min 'to dahil alam naman na nilang lahat na nililigawan ako ni Lukas. Sinasabihan pa nga nila ako na sagutin ko na raw siya pero saka na. Hindi naman ako nagmamadali at gano'n rin naman siya. Hinay-hinay muna tayo mga bes!
“Thank you sa pagpapakopya sa 'kin,” I whispered. I chuckled when his face turns into red. Dalawa kaming may alam na nandaya ako ngayong mid-term. Pinakopya niya kase ako sa ibang subjects namin dahil nahihirapan ako. Mabuti na lamang at magkatabi kami ng upuan ni Lukas kaya binibigyan niya ako ng sagot.
Ang sarap sa feeling na binibigyan ka ng mga sagot ng manliligaw mo 'no? Mabuti na lang at hindi kami nahuhuli ng mga prof.
Mahina kase ako sa mga accounting subjects kaya sa kaniya ako kumukuha ng sagot. Mabuti na lamang at mabait siya dahil kulang na lang pati ang pangalan niya ay kopyahin ko.
“Isusumbong kita,” he whispered back. Nagsitaasan ang mga balahibo ko.
Agad ko naman siyang hinampas sa balikat, “Huwag! Parang wala naman tayong pinagsamahan,” he chuckled and he held my hand.
“Krizza, gusto mo ba sumama mamaya sa 'min? Party-party, you know?” pag-aya sa 'min ni Jessa, isa sa mga Dean's Lister sa department namin. Sobrang talino nito sa Taxation. Halos silang dalawa lang naman ni Lukas ang naglalabanan.
“Ah, sorry. Aalis rin kase ako mamaya, eh. Kasama ko mga kaibigan ko, next time na lang,” ngumiti ito sa 'kin at nagpaalam na aalis na kasama ang iba pa naming blockmates. Niyaya kase ako nila Mira na lumabas mamaya. Hindi na rin kami nagkikita dahil nga busy kami sa kaniya-kaniya naming school works. Nagkikita lang kami kapag may laban si Kuya Chester.
“Shall we go now?” he suddenly asked.
Lumabas kaming masaya sa department namin. At tumambay sandali sa Carpark dahil doon namin napagpasiyahan magkakaibigan na magkita-kita after class. Unang dumating sila Lavi at Cams. Sumunod naman si Mira, France at Kuya Chester.
“Sanaol, may hatid-sundo!” pagpaparinig ni France. Sarap sabunutan, nakakairita siya! Bakit kailangan niya pang sabihin 'yan? Nakakahiya tuloy kay Lukas!
“Bro, what's up?” iniwan ko muna si Lukas na nakikipag-usap na ngayon kay Kuya Chester. Hinila naman ako nila Mira paupo sa bench ngayon at pilit akong pinapakwento.
“Oh, ano na? Nawasak na ba ang iyong Bataan?” tumawa si Mira sa sinabi ni France.
“Bastos mo!” pagsuway ni Cams kay France na grabe kung makatawa. Hindi na nahiya! Ang lakas at laki pa ng bunganga!
“He looks so serious to court you, Kris. I hope he'll never hurt you,” Lavi smiled at me. Mabuti pa siya may care at seryoso siya sa pananalita. Itong kaharap kong mga bruha. Puro katarantaduhan at kabastusan na lang ang mga sinasabi.
“Nako! Hindi naman gan'yan si Lukas dati sa'kin. Walang pasintabi na sinagot ko kaagad siya!” reklamo ni Mira. Hindi ko siya pinansin at nakatingin kanila Lukas na may binibili sa kabilang side namin. Nag-uusap parin sila ni Kuya Chester. Ano kaya pinag-uusapan nila? Gusto kong marinig. Pero, hay nako! Ang chismossa ko naman!
“Lalayas kami mamaya, sasama ka ba?”
“Saan?” I asked.
“Batangas, pupunta kami mamaya, sasama ka?” Cams sipping her milktea. Hindi man lang namimigay. Sabagay, kuripot 'tong babaeng 'to. Kuripot pero kung ano ang pinagkakain! Porket libre nila Mira, inaabuso ng babaeng 'to! Sakitin na nga, eh!
YOU ARE READING
Chasing the Stars (Life Series #1)
De TodoLIFE SERIES #1 Krizza and Lukas has a same path for their dreams. They both took Accountancy at University of Santo Tomas - to become a successful person, they should set aside their love and focus on their goals. Different personalities but have si...