CTS 15

39 2 0
                                    

LIFE SERIES #1

“Go, USTe! Go, USTe! Go, Go, Go, USTe!”

“Hampasin mo 'ko ng bola Chesteeerrr!”

“To the left, to the right, let's cheer para sabay-sabay!”

“Syota ko 'yang malakas mag-spike!”

Naghiyawan kami lahat ng ma-inside ang bola mula sa pagspike ni Kuya Chester papunta sa panig ng kalaban. At sa huling pagkakataon, nagpalakpakan na isinisigaw namin ang grupo at pangalan ng unibersidad namin sa pagkapanalo nila sa laban ngayon araw.

Pasok na sila sa Semi Finals. Nakapasok ang UST dahil kanila Kuya Chester!

Agad-agad kaming bumaba para puntahan si Kuya Chester. Excited kaming batiin ito dahil sa pinakita niyang galing sa paglalaro sa larangan ng Volleyball.

“Careful, love.” hinigpitan ni Lukas ang paghawak sa kamay ko habang nakikipag-unahan sa pagbaba para puntahan ang mga kaibigan ko. Kompleto kami ngayong nanonood sa game 4 nila Kuya Chester. UST laban sa UP. At panalo kami! Makakalaban tuloy ng UST ang Ateneo sa Semis.

“Chester, hampasin mo 'ko! Hampasin mo 'ko, dali!” nagtawanan kami sa inaaksiyon ni Mira sa harapan ngayon ni Kuya Chester. Sa 'ming lahat siya ang pinakamalakas na cheer. Halos mamatay na kami sa kakatawa dahil sa mga pinagsasabi niya habang nagchicheer.

“Thank you, guys! Para sa inyo 'to.” agad akong lumapit kanila Kuya Chester at niyakap namin ang isa't-isa. Tuwang-tuwa namang pinunasan ni France si Kuya Chester ng mga pawis nito. Masayang pinagkakaguluhan ngayon si Kuya Chester dahil siya ang pinakamaraming nakakuha ng puntos.

Natapos ang laban at napagpasiyahan na naming umuwi lahat upang makapagpahinga. Pinaplano na rin namin kung ano'ng gagawin namin sa nalalapit na semestral break namin sa nalalapit na undas. 1 week rin 'yun kaya pwede kaming makapag-bonding sa isa't-isa.

“Ano'ng balak mo sa sem break?”

Nag-video call kami ngayon ni Lukas at gabing-gabi na. Tumawag kase siya sa 'kin, eh. Hindi ko naman pwedeng hindi sagutin dahil gusto ko rin siya makausap. Nagiging mas lalong sweet na siya sa 'kin. Nakakakilig lang talaga!

“Ikaw, ano'ng balak mo?” he questioned back.

“Bakit ako? Ikaw ang unang tinatanong ko, eh. Pero, gusto ko mag-travel before mag-undas,” tumango-tango ito sa screen ng tinignan ko siya. Ang gwapo-gwapo niya at sayang hindi ko man lang siya mahahalikan. Kaya kiniss ko na lang siya sa screen na ikinangiti niya.

“Kumain kana?” I suddenly asked.

Tumango naman ito, “Not yet, why? Magpapakain kaba?”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

What did he just said?

“Gago! Ang bastos mo, ha! Saan mo natutunan 'yan?”

Nakangiting pinipigilan ko ang tawa ko. Kung ano-ano na kase ang sinasabi niya. Alam kong nakakakilig 'yun pero hindi ko rin maiwasan ang kabahan. Nakakabigla kase! Si Lukas, magsasabi ng gano'n?

“Coming from you,” pagbuwelta niya sa kabilang linya.

“Kapal mo naman! Hindi kaya!” pagtatanggi ko at kunyareng nagtatampo sa kaniya. Nilapit nito ang gwapo niyang mukha sa screen at hinalik-halikan niya ito.

Hindi ko naman mapigilan ang mamula sa mga pinaggagawa niya. Ano ba? Nakakakilig kaya!

Nag-usap pa kami ng ilang minuto at sinabihan ko na siyang kumain na dahil wala siyang balak kumain dahil ayaw niyang ibaba ang video call dahil kausap niya pa raw ako. Ayaw niyang kumain dahil wala raw siyang gana. Kung hindi ko lang siya tinakot na hindi ko siya papansin ng 1 week ay tsaka lang siya kumain.

Chasing the Stars (Life Series #1)Where stories live. Discover now