CTS 05

75 3 0
                                    

LIFE SERIES #1

“Kumain kana?”

Lumingon ako kay Lukas na hindi man lang inilalayo sa daanan ang kaniyang paningin habang nagmamaneho. Nagtataka pa rin ako kung bakit hindi man lang siya nagsabi na pupunta na pala siya ng bahay. Nakakabigla tuloy. Tapos nakakahiya pa kay Daddy! Hays! Mabuti na lamang hindi maissue si Daddy dahil kung hindi! Mapapasugal talaga ako ng wala sa oras.

“Bakit? Aayain mo ba akong kumain kasama ka?” nakangiti kong sagot. Magkasama na naman kami. Halos buong araw kami magkasama. Landiin ko kaya 'to?

“I'm just asking,” nanahimik na lang ako sa sinabi niya. Kunyare pa siya. Gusto niya lang ako maka-date, eh! Nako! Ang lolo niyo nahihiya sa kaniyang Unika-hija. Ay, taray! Ang sosyalin ng tawagan!

Pinagmasdan ko ang labas ng hindi na kami mag-imikan. Sobrang ganda talaga dito sa syudad kapag gabi. Malamig, maliwanag at matao. Hindi katulad kapag maaraw ay mainit. Nakakasunog ng balat!

Makalipas ng ilang minuto ay nakarating kami sa bahay nila Lukas. Pinark niya muna ang kotse ni sa loob ng bahay nila. Pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pintuan at tsaka marahan na bumaba.

Inilibot ko naman ang aking mga mata ng matanaw ang laki at ganda ng pagkaka-design ng Bahay nila dito. Parang mukha na siyang mansiyon dahil sa sobrang laki. Ang ganda rin ng pagkakagawa at ng designs. Siguro, magagaling na mga architect's and engineer ang pinagawa nila dito. Talagang yayamanin talaga sila!

Sinundan ko si Lukas na pumasok sa loob. Wala naman masiyadong tao dahil wala naman akong nakikita na may sumasalubong sa'min. Pagkapasok namin ay doon na ako nagtago sa likod ni Lukas ng makita ko ang Mommy at Daddy niya na nakaupo sa sofa doon sa sala. Nagtatakang nilingon naman ako ni Lukas.

“Hindi ba nila ako aawayin?” kinakabahan na tanong ko. Hindi naman ako kinakabahan sa Mommy ni Lukas dahil nakausap ko naman siya dati noong hinatid niya si Mommy sa bahay ng lasing. Eh, paano naman 'yung Daddy niya? Sabi raw nila. Kapag may gusto ka raw sa isang tao. Opposite raw ng mga nasa iyo ay nasa sa kanilang pamilya. Si Mommy may pagkamasungit minsan. Si Daddy naman spoiled sa'kin. Ang Mommy naman ni Lukas ay mabait. Tapos 'yung Daddy niya siguro ay masungit. Ayun, sa binabasehan kong mga sabi-sabi nila.

“No, they aren't.” hindi ako sumang-ayon sa sinabi niya. Naglakad patuloy kami papunta sa parents niya at nang makita nila kami. Sa'kin nabalin ang atensiyon nila. Nagtataka yata sila na may babaeng dala sa bahay nila ang kanilang nag-iisang anak.

“Oh, Lukas. Saan ka galing? Wait, is that you, Krizza?” ngumiti ako sa Mommy ni Lukas ng kumaway ito sa'kin. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Nakakagulat ang Mommy ni Lukas. I did not expect na masiyado siyang mabait at sweet. Swerte ko yata kung siya ang magiging Mommy ko.

“Mom and Dad. May gagawin po kaming assignment para bukas. Okay lang ba kung dito kami gagawa? Don't worry, I'll take care of her,” malambing na pagkakasabi ni Lukas sa parents niya. Bakit gano'n? Sa'kin hindi naman siya ganiyan? Dapat ganiyan rin siya sa'kin para fair! Ang daya!

“Do whatever you want, Lukas. Just don't do—” nanlaki parehas ang mga mata namin ni Lukas sa itinuran ng Daddy niya. Parehas na parehas sila ng pagkakasabi ni Daddy. Mukhang mali yata ang mga sabi-sabi ng mga nagchismiss sa'kin kanina. Naku, scam!

“Kidding, kumain naba siya? There's a cake in the kitchen. Dalhin mo siya ro'n ng makakain siya,” natatakam na naman ako! Kung alam kong ganito lang pala ang mga parents niya sa'kin. Edi sana, tumambay na ako araw-araw dito. Mukhang hindi lang ako mabubusog dito. Mag-eenjoy rin yata ako!

“Sure, dad.” ngumiti ulit sa'min ang Mommy ni Lukas at tsaka dumiretso na kami sa kusina para kumuha ng cake. Cake lang naman ang kinain ko roon pero kung ano-ano ng inilalabas na pagkain ni Lukas. May Lasagna, Salad, Pizza, Fruit Shake, Yogart, Rice na may ulam at siomai. Teka, may siomai?

Chasing the Stars (Life Series #1)Where stories live. Discover now