CTS 13

41 2 0
                                    

LIFE SERIES #1

"Ayoko do'n! Ice Skating na lang tayo!"

Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang hinila ko siya papunta sa Ice Skating area dito sa MOA. Linggo kase ngayon at napagdesisyon namin dalawa ni Lukas na mag-shopping na nauwi sa paggagala kahit saan. Bonding na rin 'to sa'ming dalawa bago ang midterm namin this week. Ineenjoy na namin ang bawat-sandali bago sumabak sa madugong labanan. Charot.

Simula noong sinabi niyang liligawan niya ako ay hindi niya na ako tinatantanan. Hindi ko na rin nadadala minsan ang kotse ko dahil lagi siya ang taga-sundo at taga-hatid sa'kin papasok sa UST.

Alam na din ng mga kaibigan ko na nililigawan niya ako. At kilig na kilig pa sila ng malaman pa nila 'yun. Pagkatapos ng laban ng Mens Volleyball kahapon ng hapon sa Araneta, laban nila Kuya Chester at ng DLSU, nanalo ulit sila! Kasama rin namin si Lukas roon na nanonood.

At ayun, nagka-ayaan na naman na mag-inuman pagkatapos no'n. Hindi nga lang kasama si Kuya Chester dahil may aasikasuhin pa raw siya. Lagi ng maganda ang araw ko kapag kasama ko si Lukas. Pinapakita niya rin sa'kin kung paano niya ako kagusto.

"Careful," napahawak ako sa laylayan ng shirt niya ng magsimula na kaming maglakad ngayon dito sa Ice Skating Area. Sobrang dami ng tao na nag-I-ice skate dito dahil linggo.

Agad akong napaupo sa sahig ng mawalan ako sa balanse dahil sa sobrang dulas ng sahig! Sumakit ang pwetan ko sa pagbagsak ko.

"I told you to be careful," he chuckled when he walked towards me.

Akala ko madali lang ang mag-ice skate, pero mahirap pala sa inaasahan ko! Napapanood ko kase 'to sa tv noong bata ako at akala ko madali lang. Halos hindi na nga ako makalakad, eh. Takot na madulas.

Kumapit muli ako sa shirt ni Lukas. Sanay na sanay itong maglakad sa yelo. Habang ako hirap na hirap at pinipigilan ang sarili na madulas.

"Aray!" reklamo ko ng mapaupo ulit ako sa sahig ng may bumunggo sa'king bata.

"Sorry po, Ate." sabi nito bago ako tinalikuran.

Lumapit sa'kin muli si Lukas at inalalayan akong tumayo. Napayakap ako sa kaniya ng muntikan na naman akong madalas. Tumawa siya sa nakita niya, "Huwag mo akong tawanan! Porket, marunong ka lang, eh!"

"Do you want me to carry you, here?"

I blushed, "Gusto mo parehas tayong bumagsak sa sahig?" inirapan ko siya bago lumayo sa kaniya. Maya-maya rin ay nasanay na rin ako mag-ice skate. Tuwang-tuwa ako habang naglalakad, kaso sa gilid nga lang, hehe.

Si Lukas naman laging nakabuntot sa'kin. Binabantayan ang kilos ko sakali man madulas ako.

"You're a fast learner, huh?" he glanced at me, smiling.

"Oh, inlove ka na naman! Relax, ako lang 'to," I uttered. Proud sa kagandahan ko. Charot!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Lumingon ulit ako sa likod ko at nakitang nakatingin sa'kin si Lukas. Napalingon naman ako sa mga babaeng nakatingin sa kaniya sa paligid niya. Mukhang tutok na tutok ang mga mata sa bebe ko, ha! Tusukin ko kaya ang mga mata nila.

"Ate, boyfriend mo ba si Kuya?" tanong sa'kin ng batang babae na sa tingin ko ay nasa walang taong gulang. Ngumiti naman ako sa kan'ya at tsaka umiling.

"Manliligaw," I said confidently.

"Bagay po kayo, sagutin niyo na po siya, Ate. Mukhang kanina ka pa po kase binabantayan ni Kuya," humagikgik ito bago siya lumapit sa mga kasamahan niya. Humarap naman ako kay Lukas at naglakad papunta sa kaniya. Agad niya akong sinalo ng madulas na naman ako. Biglang nagslow-motion ang buong paligid at parehas kaming dalawang nakatingin sa isat-isa.

Chasing the Stars (Life Series #1)Where stories live. Discover now