CTS 04

80 3 0
                                    

LIFE SERIES #1

"Sandali! Bagalan mo naman maglakad!"

Reklamo ko ng mapansin na malayo ang agwat namin sa isa't-isa. Ang bilis kase maglakad eh. Sa kasarapan namin kumain sa Dapitan, hindi na pala namin namamalayan na tumatakbo ang oras. Alangan! Kaya kita mo ngayon. Halos, kami na lang ang naglalakad ngayon sa lovers lane. Mukha kaming magjowa kase pinapayungan niya pa ako. Kaso, mas'yado mabilis maglakad ang lalaking 'to!

"We're late. Aren't you aware with that?" he said in a husky voice. Shet! Ang hot lang!

"Of course, I know! Eh, ano naman kung malate tayo? Atleast nga kasama mo ako, kasama kita. Parang papagalitan naman tayo ng mga prof. Sa ganda kong 'to? Sa gwapo mong 'yan?" Bagay tayo! Echoss. Umiling ito sa sinabi ko. Binilisan ko na rin maglakad dahil ang lalaki ng mga hakbang ang nilalakad niya. Ang tangkad kase tapos ang haba ng binti. Sino ba naman ang hindi magrereklamo? Ang bilis maglakad!

"Good Afternoon, Ma'am. Mukhang late na kayo, ha? Jowa mo?" bulong sa'kin ni Kuya Guard nang makapasok kami sa Main Building. Ngumisi naman ako sa kaniya at tsaka kinindatan siya, "Magiging jowa pa lang ho, Kuya." hagikgik niya na ikinatawa ko lamang.

Hindi dapat kami dadaan dito dahil masiyado ng malayo sa department namin pero wala ng choice. Alangan naman na iikot pa kami eh nandito na kaming dalawa. Tahimik lang kaming naglalakad ngayon sa hallway. Halos tagaktak na ang pawis na tumutulo sa noo niya. Gusto ko siyang punasan gamit ng panyo ko kaso nahihiya ako! Oo makapal ang mukha ko pero nahihiya ako pagdating sa kaniya! Luh! Parang tanga!

Kapag napunasan ko ang pawis niya gamit ang panyo ko. Hindi ko talaga lalabhan 'to ng isang taon. Remembrance narin 'no! At tsaka, ang bango niya kaya!

"Make it faster," reklamo niya ng lumalayo na ako sa kaniya. Nakakapagod talaga maglakad. Tapos nagmamadali pa kayo. Para tuloy kaming magjowa na hinahabol ang date. Charot! Pero, sana nga!

"You're late, Mr. Vargas and Ms. Garcia. Where have you been?" tumaas ang kilay ng panot naming professor. Wala sa'kin ang mata nito kundi na kay Lukas. Wah! Huli ka, panot! Nakatitig 'yan?

"I'm sorry, Prof. We're just having-"

"A date," malakas na pagkakasabi ko na ikinatingin sa'kin lahat ng mga ka-blockmates namin. I mean, kanina kase si Lukas kase ang tinitignan nila. Nasa likod ako ni Lukas habang siya naman ang nakaharap sa buong klase. Tapos ngayon! Naagaw ko ang atensiyon nilang lahat. Hindi yata inaaasahan ang sinabi ko.

"Joke lang," nag-piece sign ako sa kanila at tsaka yumuko ulit. Kinausap naman ni Prof si Lukas at ng pumasok na ito sa room ay sumunod na rin ako. Pagkaupo ko nagsalita kaagad si Kurt sa tabi ko. Oh ano naman? Lalandi na naman 'tong lalaking 'to!

"Saan kayo pumun-"

"Prof, si Kurt oh, nilalandi ako!" tawag ko kay Prof. Tumawa naman ang lahat ng mga ka-blockmates ko. Si Kurt naman napanguso na lang bigla at tinignan ako ng masama. Wala akong gana na sabayan ang kalandian niya. Nag-eenjoy pa nga ako sa mga ala-alang nagawa namin kanina ni bebe Lukas sa labas.

So, ayun na nga! Nag-lesson na ulit si Sir Panot. Nang matapos ang subject niya ay nasundan na naman ng iba pa. Wala naman pinagbago sa klase kaso 'yun nga. Mukhang may favoritism sila. Lagi nilang tinatawag si Lukas, at ito namang lalaking 'to. Laging nagpapakitang gilas. Ang talino naman kase eh!

Nang matapos ang klase ay lumabas na kami. Kinausap ko na rin si Kurt na partner ko na si Lukas. Nagulat pa siya sa una pero tumango na lang siya pagkatapos. Maghahanap na lang raw siya ng partner. Nauna na akong lumayas sa kanila sa room kahit gusto ko pang magpapansin kay Lukas.

Oo nga pala! Hindi niya pa hinihingi ang number ko. Pero, baka naman nakalimutan niya? Pero, paano kung ayaw niya hingiin? Okay, overthink tayo ng malala, girl! Pero, hayaan mo na. Baka nakalimutan niya lang talaga.

Chasing the Stars (Life Series #1)Where stories live. Discover now