LIFE SERIES #1
"Kidding,"
Nakasimangot ako ngayon na nakatingin sa mga taong sumasayaw sa dance floor. Iniwan ako nila Mira, France at Lavi. Si Kuya Chester lang ang kasama ko ngayon sa bartender. May kausap ito, kaibigan niya yata. Si Cams naman ay umuwi na dahil sinundo siya ng pinsan niya.
Naiinis ako sa kaniya. Bakit niya ba akong ginagawang tanga?
Lumingon ako sa gawi nila Lukas. May kausap itong lalaki. Nandoon siya sa mga kaibigan niya. Tatlong lalaki at isang babae ang naroroon. Naningkit ang mga mata ko ng makitang hinawakan ng babae sa braso si Lukas.
Parang gusto kong manakit ngayon. Pero, wala naman akong karapatan dahil wala naman kami. Gusto ko siya, pero wala akong kasiguraduhan kung gusto niya rin ako.
"Kidding,"
Napairap ako ng maalala na naman ang sinabi niya kanina. Akala ko, niyayaya niya na akong maging girlfriend niya. 'Yun pala hindi! Gago talaga siya! Ang lakas niyang mangtrip. Akala niya ba, hindi ako nasaktan sa sinabi niya? Parang, parang pinapamukha niya lang sa'kin na wala talaga siyang gusto.
"Hey, what's the problem?" may lumapit sa'king lalaki. Hindi ko mamukhaan ito dahil masiyadong madilim dito ngayon sa bar. Pero, base sa boses nito. Matipuno, gwapo at siguro malandi rin 'to.
"What?" pagsusungit ko sa kaniya. Tumawa ito sa naging bati ko sa kaniya, "Calm down, Miss. May umaway ba sa 'yo?" tinungga ko ang Tequila na nakalagay sa baso ko. Dumaloy ang malagkit na likido sa aking lalamunan at napabuga ng hangin dahil sa inis na nararamdaman.
"Pangalan?" sarkastiko kong tanong sa lalaki. Umupo ito sa katapat ko. Tinignan ko naman ang likod ko at wala na roon si Kuya Chester. Baka manyakin ako ng lalaking 'to. Wala pa naman akong resbak ngayon. Abala ang mga kaibigan ko sa pagsayaw sa gitna.
"Vincent," inilahad niya sa harapan ko ang kamay niya at agad kong tinanggap naman 'yon. Hindi pwedeng wala akong kalandian ngayon. Nilalandi nga ng babaeng 'yon si Lukas, eh. Tapos ako nakatunganga lang dito. Ay, aba, bawal 'yon, kingina!
"Krizza," bumitaw kaagad ako ng mahawakan ko ang kamay niya. Ramdam kong hinaplos niya pa ang kamay ko bago ko iniwas ito mula sa kaniyang kamay. Patagong sumulyap ako sa gawi nila Lukas at tumaas ang kilay nito ng nakatingin sa direksiyon ko. Seryoso itong pinagmamasdan ako.
"Boyfriend mo?" tanong ni Vincent ng mapansin na nakatingin ako kay Lukas, "Hindi, parang wala naman siyang gusto sa'kin," nilagyan niya ulit ng alak ang baso ko at ininom ko naman agad 'yun. Napapikit pa ako ng mapagtanto na ang pangit ng lasa ng pinainom niya sakin na alak.
"Kung hindi ka gusto, huwag mo ng pilitin ang sarili mo. Ako na lang ang mahalin mo," ngumisi ako sa sinabi niya. Pansin kong inaakit ako ng gagong 'to, ha. Akala niya siguro magpapadala ako sa kalandian niya. May pakagat-labi pa si hayop, oh!
"Wanna dance?" okay, hindi na siya pasado sa taste ko. Pag-aaya pa nga lang kung gusto ko sumayaw kasama siya ay hindi niya nasabi ng maayos. 'Yung totoo, dumaan ba ng elementarya ang lalaking 'to?
"Sure!" masiglang pagsagot ko naman sa kaniya. Sasakyan ko na lang ang kalandian ng isang 'to. Papainggitin ko si Lukas na nakatingin parin sa kinaroroonan namin ngayon. Hindi ko makita kung ano'ng ginagawa nito pero nararamdaman ko ang presensya ng tingin niya na nakatuon sa'kin.
Dinala ako ni Vincent sa gitna ng dance floor. At dahil pang-party ang background music na pinlay ng DJ. Sumayaw-sayaw kami ng kahit ano'ng step roon. Tawa siya ng tawa habang pinagmasdan akong tumatalon-talon. Marami na rin akong nakakabungguan pero hindi ko na 'yon pinapansin.
Hanggang sa maramdaman kong humapit sa bewang ko ang kamay ni Vincent. Nakangisi ito ngayon nakaharap sa'kin. Pilit niyang pinagdidikit ang aming mga katawan. At para painggitin si Lukas na kasalukuyang nakatingin sa'kin ngayon. Hinawakan ko ang leeg ni Vincent at inilapit sa'kin para makabig ko ang kaniyang labi.
YOU ARE READING
Chasing the Stars (Life Series #1)
AléatoireLIFE SERIES #1 Krizza and Lukas has a same path for their dreams. They both took Accountancy at University of Santo Tomas - to become a successful person, they should set aside their love and focus on their goals. Different personalities but have si...