"Miss!" napalingon ako sa tawag na nagmula sa likuran ko. Dalawang estudyante na kapwa nakangiti sa akin ang naroroon.
"Yes? What can I do for you, babies?" nakangiting tugon ko habang lumalakad sila papalapit sa akin.
"Miss, pinapatawag po kayo ni Dean. Pumunta daw po kayo sa office asap."
Bigla naman akong kinabahan. One of my worst nightmare ang mapatawag ng dean sa kanyang opisina. Ano na naman kaya ito this time. Kainis.
"Oh. Okay. I'll go ahead then." paalam ko sa kanila bago tuluyang naglakad papunta kay Dean. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago tuluyang buksan ang pintuan.
"Good morning, Dean. Pinapatawag niyo daw po ako?"
Nakakunot noo naman itong tumingin sa akin. Lintek, mas lalo along kinabahan.
"What do you mean, Miss Tamayo?"
Napapikit ako. Mukhang napagtripan na naman ako ng mga estudyante dito. Kung di lang talaga ko teacher, gg sakin yung mga batang yun. "Pasensya na dean, may nakapagsabi po kasi sa akin na pinapatawag niyo daw po ako. I'll talk to them po."
"Ganon ba? Sige. Naririto ka nalang rin naman, I would like to ask you something. Maupo ka."
"Tungkol po saan?" lahat na ata ng santo ay natawag ko sa sobrang kaba.
"Batid kong may isang estudyante daw sa iyong klase ang nagpamalas ng talino sa nakaraang examination."
Ngumiti ako at tumango. Proud na proud ako sa student ko. "Si Dylan po ba? Naku, sobrang sipag po mag-aral ng batang iyon."
"Oo nga at nakarating din sa akin na nanguna ito sa lahat ng subjects sa buong batch nila. I would like to talk with that student, Miss Tamayo. The school wants to offer him something extravagant. Isa siyang huwarang mag-aaral."
Tumango tango naman ako. I couldn't be more proud. "It's an honor telling him this good news, dean. Thank you po sa pagrecognize ng achievement ni Dylan. Kung di niyo po naitatanong ay working student din po ang batang iyon. Maagang naulila kaya't nagsusumikap para sa sarili."
"Mas lalo akong bumilib sa kanya kung ganon. Aasahan kong maihahatid mo sa kanya ang balitang ito."
"Opo, dean. Mauna na ho ako at magsisimula na ang klase."
Nang matapos ang huling klase ngayong araw ay agad akong nagligpit ng aking mga gamit. Nakareceive ako ng chat galing sa aking bestfriends kaya't nagmamadali akong lumabas ng eskwelahan.
Naglakad lang ako papunta sa coffee shop kung saan kami magkikita. Di naman iyon kalayuan sa school kaya mabilis lang akong nakarating.
Papasok na ako sa pintuan ng shop nang may makabunggo sa aking lalaki. Tumilapon ang dala kong laptop bag sa lakas ng pagkakabunggo niya sa akin.
Sa halip na tulungan akong tumayo or abutin man lang ang laptop bag ko ay tiningnan pa ako nito ng masama. "Inutil." bulong nito.
"Excuse me. A simple sorry will do." inis na sabi ko saka tumayo. Gwapo sana kaso masama ang ugali. Mukhang mayaman, sorry ka nalang men, di nabibili ang good attitude. Inalalayan naman ako ng isang lalaki na sa palagay ko ay kasamahan ng lalaking bumangga sa akin.
"Thanks." ngumiti ito at iniabot sa akin ang laptop bag ko. Mukhang may manners, di katulad ng kasama niya.
"Kailangan na nating umalis. Inutil ang taong iyan kaya hindi nararapat tulungan."
Napatingin ako sa lalaki. Gago pala to eh! "Pasensya na, miss. Wala lang sa hulog itong kasama ko. Mauna na kami."
Patabog akong umupo sa tabi ni Kaye. "Kainis."

ŞİMDİ OKUDUĞUN
His Bride | ON-GOING
Genel KurguA narcissistic man meets a lovely and talkative ordinary girl. A potential bride? No one knows.