PROLOGUE

1 0 0
                                    

"I love you..."

Bakit ganito yung nararamdaman ko? Dapat masaya ako. Bakit ang puso ko'y tila lumuluha?

"Sola, I love you so much..."

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Bakit ko pa ba siya inaalala? Iniwan na niya ako. Wala na siya.

"I'll be back before you know it."

Mahabang panahon na ang nakalipas, ngunit bakit tila parang kahapon lang?

Dahil ba mahal ko pa siya?

Dahil ba isa akong tanga na iniisip na magiging masaya pa ako?

Hindi ko na alam ang gagawin. Lahat sila iniwan na ako, wala nang sinuman ang pwede akong damayan.

"Can I turn back time where everything is fine?"  lumuluha kong tanong sa hangin.

Nandito ako muli sa lugar kung saan kaming lahat unang nagkakilala. Sa beach na puno ng alaala. Sa beach kung saan ko naranasan ang puro una. Ngayon, isa na lang iyong imahe sa aking isipan.

"Ms. Sola, pasok na po kayo. Lumalamig na ang hangin." mahinhin na wika ng secretary ko.

"Mauna ka na. May dadaanan lang ako." nakangiti kong sabi. Agad na tumango si Jasmine at pumasok na sa loob.

Naglakad ako papunta sa dalampasigan. Kinuha ko ang tinago kong bulaklak sa aking bag at tinitigan ang kulay kahel na dagat at ang kahel na araw na papalubog.

"Miss ko na kayo..." agad akong naluha. Iniisip ko pa lang na wala na sila sa tabi ko, lalo na ang lalaking pinakamamahal ko, nadudurog yung puso ko.

"Ilang taon na guys. Balik na kayo. Sabi niyo every year babalik tayo dito. Almost 5 years na and ako lang ang bumabalik dito..." nakatulala kong wika kaharap ang sunset.

Umupo ako sa buhangin at pinanood ang unti unting paglamon ng dagat sa kahel na araw. Hindi na tulad ng dati ang pagtingin ko sa sunset. Noon, dumadaloy sa buong katawan ko ang tuwa sa tuwing nakikita ko ang paglubog nito. Ngayon, kirot na ang dulot nito. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagpapaalala nito sa nakaraan.

"Sabi ko na nandito ka lang eh."

Napaangat ako ng tingin sa boses na aking narinig. Napatakip ako ng bibig sa gulat at tuwa.

"M-Mom... Dad..."

Agad agad akong tumayo at patakbong lumapit sa kanila. Niyakap ko sila ng mahigpit.

"I miss you two so much."

Hindi ko na napigilan ang pagluha. It must be tears of joy kasi nakita ko na ulit sila, tsaka nasurprise din ako. It's almost 5 years noong huli ko silang makita.

"We miss you more baby."

Niyakap ko sila ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Kumawala ako sa yakap at hinawakan ang kanilang kamay bago sila pagmasdan muli tulad ng ginagawa ko noon.

"It's getting dark and cold. We should head inside. Sipunin ka pa naman." pag aaya ni dad.

Hawak kamay kaming naglakad papunta sa hotel. Naikwento nila kung ano na ang mga kaganapan sa buhay nila. I can't believe na ganito pala kadaldal si mom and dad.

"I can't believe na andito kayo. I thought you'll never return kasi all bad things happened here."

Binigyan nila ako ng malungkot na tingin. Mom hold my hand and give me a small smile.

"Those bad things happened for us to learn our lessons. For example, si Izella kung hindi niya tinarayan si Isha, do you think magiging magkaibigan sila ngayon?"

I covered my mouth in shock. Si Izella at Isha magkaibigan na?! Goodness... Totoo nga ang sabi nila, birds with the same feather flock together.

"Kamusta ka na pala? Do you have a boyfriend or a husband?" pang aasar ni mom.

"Nako, mom. I'm still your NBSB daughter." pabiro kong sagot sa tanong niya kanina.

Tinitigan ko siya sa mga mata. Kitang kita ko ang pamumuo ng mga luha doon. I immediately get my handkerchief para punasan iyon.

"I'm glad na hindi mo kami kinalimutan. Masayang masaya kami dahil kahit na nawala kami sa tabi mo, the things we do back then, the memories that was buried inside our hearts, and the moments that we cherished... Hindi mo kinalimutan."

Pinunasan ko ang luha na dumaloy sa kaniyang mga pisngi. I smiled at her and kiss the back of her hand.

"Mom, why would I throw away a part of me? I'm not me kung kakalimutan ko ang lahat, right? Sabi ni dad sakin dati, 'Our past is part of our present self and what makes us a greater being in the future.'" agad napalingon si dad sakin habang nanlalaki ang mga mata.

"You still remember the quote." dad said with an ear-to-ear smile.

"It's a wonderful quote. Why would I forget that?" we did our handshake that makes mom jealous. She pouted cutely na nakapagpatawa sa amin ni dad. Binilisan na namin ang paglalakad papunta sa restaurant na kinakainan namin noon. Agad kaming inabutan ng menu ng waiter. Seryoso naming tinignan isa isa ang mga putahe sa menu. Marami na kasing nadagdag na putahe. Tinawag ko na ang waiter at inabot namin ang mga menu sa kaniya.

"What do you like to order?" tanong nito sa amin. Agad agad naming sinabi ang mga putahe na napili namin. Like mom, I ordered light food for tonight, on the other hand, dad ordered a heavy one.

"By the way, mom, dad, kamusta na sila Tito Peyton? Balita ko NPA na din sila like mamita and papsi." kaswal kong tanong sa kanila habang nakapalong babang nakatingin sa kanila.

"They're doing great. In fact, nasa America sila para sa master's and doctorate degree ng boys." I nod with surprise and amusement. Nasa ibang level na talaga sila. Di ko na sila mareach.

"Is Izella also here? Namiss ko kasi yung katarayan niya." I asked happily while looking around.

"Wala siya dito. She's in Paris. Gusto niya daw kasi matupad ang pangarap niyong dalawa." they answered gladly. Napatakip ako ng bibig.

"Oh my graciousness! Really?!"

"Yes... Akala nga namin hindi magiging successful kasi puro lang siya drawing at pagpupuyat. But eventually, her drawings came to reality, and now she's competing with luxury brands." proud na pagkukwento ni dad. I gave him an awed look. Bago pa siya magkwento ulit ay dumating na ang mga inorder namin.

Napagkwentuhan namin lahat ng pangyayari noong nagkahiwalay kaming lahat. Kung anong nangyari after naming magkahiwalay and kung ano ano pa. Halos isang oras kami sa restaurant na iyon dahil sa walang tigil na pagkukwento nila daddy. Pagkatapos ay naglakad. Hinahayaan na dalhin kami ng mga paa namin kung saan.

"Naalala mo ba noong unang beses nating pumunta dito kasama ang mga anak ni Peyton?" masayang masayang tanong ni mommy.

Andito na kami ngayon sa Veranda sa 3rd floor ng hotel. May sofa doon kaya pwedeng pwede kami magkwentuhan.

I sit there listening to mom and dad's throwback story. Yung kwento kung saan nagsimula ang lahat. Kwento na pinagdasal ko na sana'y hindi na lang nangyari.

______________________________________

Yesterday Once More [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon