CHAPTER 3: UNEXPECTED

5 3 0
                                        

"Thank you for checking her, doc."

"No need to worry. Mauuna na ako, Mr. Trujillo"

"Thank you doc. Ingat po"

Napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko.

Bakit may doctor dito?

Narinig kong bumukas at sumara ang pinto. Iminulat ko ang aking mga mata and to my surprise, lahat sila nandito.

"What are you all doing here?" tanong ko sa kanilang lahat. Nakakunot ang noo ni daddy at mommy habang nakatingin sa akin.

"You have a sprain. Pero hindi mo pinaalam sa amin. Paano kung matuloy yung activities na gagawin natin ngayon? Lalala pa yan. Bakit mo ba laging sinasarili ang mga bagay na ganito?" sermon ni mommy. Napahilamos na lang ako sa mukha ko.

"It's just mild, mom. Nalapatan ko naman agad ng paunang lunas." pagdadahilan ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Napakunot ang noo ko nang hindi makita sila mamita.

"Where's mamita and papsi?" takang tanong ko. Napakamot na lang sa noo si mom. Tinignan ko si daddy na tila nanghihingi ng sagot.

"They went somewhere. May meeting sila with their client. Maybe mamayang hapon pa sila makakabalik." sagot ni daddy. Lumapit siya sa tabi ko at nginitian ako.

"Pagalingin mo yang paa mo. Kasi after three days, may mga extreme activities na inihanda si mamita para sa ating lahat. Paano mo maeenjoy yun kung nakaupo ka lang at pinapanood kami, di ba?" aniya. Hinalikan niya ako sa noo at nginitian.

"Kumain na ba kayong lahat?" tanong ko sa kanila. Umiling sila bilang sagot.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Remember last night? Nakainom kami, then hindi namin pinansin yung paglalakad mo ng ika ika. Yung will na makatulog ang nasa isip namin. Pagkagising ni Zorion kinatok niya agad kami nung maalala niya yung kalagayan mo." pagkukwento ni Zandro. Ipinagpatuloy niya lang ang pagkukwento na parang batang nagsusumbong.

Sabay sabay na kumalam ang mga tiyan nila. Napahagikhik ako nung magkatinginan silang lahat. Makikita mo na gutom na talaga sila.

"Go downstairs na boys. Kakain na tayo. Padadalhan ko na lang si Quinn ng agahan. Don't worry about her. She can take care of herself." nakangiting wika ni mommy sa kanila. Sumang ayon si daddy at Tito Peyton kaya naman sabay sabay na silang nagsilabasan at naiwan akong mag isa dito sa kwarto na nakahiga sa kama.

Inilipat siguro nila ako dito. Nakita ko ang phone ko na nagbiblink blink sa side table ng kama. Kinuha ko iyon at tinignan kung saang notification iyon.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko na email yun galing sa school. Agad ko iyong tinignan dahil hindi naman nagsesend ang school ng email kapag hindi sobrang importante at urgent.

______________________________________

To: solatrujilloquinn@gmail.com

  We would like to inform that you qualified in an application you applied last term. Please do leave us a message after you read this email.

Thank you and Godbless!

______________________________________

Nagsend ako ng email sa kanila bago ko tignan ang dalawa pang notification. Habang nagcocompose ako ng email biglang may kumatok na ikinataka ko. Kakalabas lang nila ng kwarto ilang minuto lang ang nakakalipas. Tumayo ako para tignan kung sino iyon.

Yesterday Once More [ON-GOING] Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon