CHAPTER 5: HELL?

3 2 0
                                    

"WHAT THE HELL!?" sabay sabay kaming napasigaw dahil sa ginawa ng babae.

Sino ba to!? Bigla biglang nanghahalik amporkchop!

"I'm Hellisha, you can call me Isha or Elli. It's nice seeing you all again!" pagpapakilala niya. Base sa itsura niya, she came from a wealthy family.

"Oh, sino siya?" mataray niyang tanong.

Aba! Mataray ka? Dukutin ko mata mo!

Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"What are you looking at? Do you really think mapapantayan mo ang beauty ko? This is one of a kind!" mataray niyang sabi sa mukha ko.

"Huwag kang magmataray kung hindi ka maganda. 'Yang gandang sinasabi mo? Puti lang yan at hindi one of a kind." mataray ko ding sabi. Tinitigan ko siya sa mata. Hindi ako umiwas at lalong hindi ako kumurap.

Ano? Matibay ka ha? Sige tignan natin.

"Mas bagay ang nickname sayo na Hell, kasi pag uugali mo pa lang pwedeng pwede na sa Hell." kaswal kong sabi. Napaawang naman ang bibig niya dahil dun.

"Ladies, please calm down." rinig naming pakiusap ni Persus pero hindi kami gumalaw.

"Okay, you win. I'm Hellisha Tidalgo, from Tidalgo Clan." pagsuko niya at inilahad ang kamay.

"Sola Quinn Trujillo, from Trujillo Clan" pagpapakilala ko sa sarili ko at tinanggap ang kamay niya.

"Are you the granddaughter of Mamita Iza!?" gulat na gulat niyang tanong. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumango ng bahagya.

"Kumain ka na ba? Come join us." maligalig na wika ni Zorion. Napakunot ang noo ko sa pag imbita niya sa babae.

"Thank you, pero kakatapos ko lang kumain. Can I just join your company?" mabilis pa sa alas-qwatro kung tumango 'tong mga' to.

Hangin nanaman ako.

"Thank you, continue eating para matapos na kayo." sabi niya at umupo nang maayos sa tabi ni Zorion.

"Oh! Peanuts! You should try this, it's really good." sabi niya habang nagbabalat ng isa.

"Quinn, you should eat this." pagpupumilit niya ulit at inabutan pa ako.

"Thank you, you can have it. I don't eat peanuts." sabi ko at tinapos na ang kinakain ko. Tumayo ako ngunit napatigil ako ng maramdamang may humawak sa aking kamay. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

"Dito ka lang, mamaya mawala ka nanaman sa paningin namin. Saan ka ba pupunta?" seryosong sabi ni Zandro. Hinila niya akong muli paupo sa upuan ko.

"Kukuha lang ako ng inumin, babalik naman ako dito." sabi ko ng nakanguso.

"Ako na kukuha, kaya maupo ka na lang diyan, okay? Ano ba gusto mong drink?" tanong niya sa akin.

"Any drink will do." sagot ko kaya naman tumango siya at pumunta na sa beverage area nang restaurant.

"Excuse us, pupunta lang kami sa restroom." tumango kami kaya naman ang naiwan dito sa lamesa ay ako, si Hell at si Zorion. Ang awkward ng atmosphere. Walang gustong umimik, walang gustong magsalita.

"So, ganoon ka pala kaclose sa kanila?" pambabasag niya sa katahimikan. I give her a fake smile at kinuha ang phone ko sa bag ko.

"Yeah. Excuse me, may tatawagan lang ako." sabi ko at pumunta sa parang balcony ng restaurant. Dinial ko ang number ng school.

Yesterday Once More [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon