"Sit down." may awtoridad na utos ni mommy sa amin. Umupo ako sa single sofa samantalang si Izella naman ay umupo sa kabila.
"Bakit ba palagi na lang kayong nag aaway?" may diin niyang tanong sa amin. Parehas kaming nakatungo at hindi sumagot.
"Answer me." may awtoridad na utos ni mommy. Bumuntong hininga ako at tumingin kay Izella.
"Princess Izella Orvello Trujillo, Sola Quinn Orvello Trujillo." seryosong tawag sa amin ni mommy. Alam niyo yung mga nanay na tinatawag kayo sa buong pangalan niyo? Galit na galit talaga si mommy.
"Yan kasi mom eh. Dahil sa katangahan niya, ang daming hindi magandang nangyayari. Imbis na nagsasaya tayo ngayon, ayun si daddy, nasa police station at nagfafile ng kaso." galit niyang pagdadahilan. Inirapan pa ko ng bruhildang ito. Napakuyom ang aking mga kamay.
"Wala ka kasing alam, Izella. Paano kung sabihin ko sa'yong ikaw ang target ng manyak na 'yun? Ikaw, Izella ang target hindi ako. Pero dahil ako ang una niyang nakita, ako ang inuna niya. Kung umoo lang ako sa inoofer niya na ikaw na lang ang gagalawin niya, hindi naman ito mangyayari sakin eh. SAYO ito mangyayari." gigil na gigil kong pagdepensa sa sarili. Napakunot ang noo ni mommy sa sinabi ko.
"What did you just say?" nakakunot pa ring noong tanong ni mommy.
"She's the target of that old man, mom." sagot ko kay mommy. Nanlaki ang mata ni mommy sa sinabi ko. Tinaasan lang ako ni Izella ng kilay kaya naman tinaasan ko din siya ng kilay at inirapan. Irap na 180 degrees.
"Mom, labas lang muna ako. Magsesend lang po ako ng email sa school. Need na po nila yung reply ko." dagdag ko pa ay kinuha ang cellphone ko bago lumabas. Papasok na sana ako sa elevator nang makasalubong ko ang apat na batang Villanova. Lumapit yung isa sa akin at binigyan ako ng nag aalalang tingin.
"Ayos ka na po ba ate?" tanong ng isa.
ATE...
ATE...
ATE...
ATE...
Nag echo ang salitang 'yun sa aking tenga. Never ko pang narinig na tawagin akong ate. Syempre nakabukod ang bruhilda kong kapatid. They always call me, Miss Trujillo or Miss Sola.
"Ate?" tawag ulit sa akin nung lalaki.
"Yeah I'm good. Saan kayo pupunta?" tanong ko at nginitian sila. Nawala ang pag aalala sa kanilang mga mata na ikinatuwa ko.
"Tinawagan po kasi kami ni Daddy na huwag lulubayan si Princess." napakunot ang aking noo.
"You're here para magsaya hindi magbantay ng isang spoiled brat na katulad niya. Pero kung inutos 'yun ni tito, wala naman na tayong magagawa." naiinis kong wika. Bumuntong hininga na lamang ako at namaalam na sa kanila. Inis akong sumakay ng elevator papunta sa rooftop.
"Wow..." paghanga ko sa rooftop nila dito. Kitang kita talaga yung view ng dagat. Umupo ako sa isang upuan kung saan kita ang view. Nagsend na ako ng email sa school. Pagkatapos ay pinanood ko ang umaalong dagat at ang tunog ng paghampas nito sa dalampasigan.
"Is it relaxing?" tanong sa akin ng isang lalaki. Napalingon ako sa kaniya. Napaayos ako ng upo at bumati sa kaniya.
"Hello po."

BINABASA MO ANG
Yesterday Once More [ON-GOING]
Kurzgeschichten"Can I turn back time where everything is fine?"