CHAPTER 2: FIRST NIGHT

7 3 0
                                    

Naglalakad lakad kami ngayon sa dalampasigan. Madilim na at tanging ang liwanag ng buwan ang nagsilbing ilaw namin.


"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanila. May nakikita kasi akong dance floor sa hindi kalayuan. Malalakas ang tunog sa dance floor na iyon kaya kapansin pansin siya.

"Doon." turo ni Zorion sa nakita ko kanina. Nang halos ilang metro na lang ang lapit ay napagtanto ko na isa iyong bar na nasa open area. Wait.. Bar ba talaga yun?

"Tara na!" masayang aya ni Percy at patakbong pumunta sa gitna ng dance floor.
Sumunod din kami sa kanila. Nakakaexcite kasi yung music na pinatutugtog sa bar na iyon.

"Let's have a drink!" ani Zandro na may dala dalang bucket ng beers. Agad kaming umupo sa pinakamalapit na table.

"Don't drink too much. Aalis daw tayo bukas sabi ni Mamita." pagpapaalala ni Persus sa aming lahat. May nakatakda na kasing mga activities sa mga araw na mananatili kami rito.

"It's 21:29, kailangan nating makabalik before 1." pag ooras sa amin ni Percy.

Sinimulan ng buksan ni Zandro ang mga beers at isa isang ibinigay sa amin. Isinalin namin ito ng sabay sabay sa beer mug.

"This is going to be the best night of my life!" masaya kong sabi. Tumayo ako at itinaas ang aking mug.

"Cheers!" sigaw nila. Pinag untog namin ang mga baso namin bago inumin iyon.

Tinikman ko muna at hindi ko inaasahan ang lasa niyon. Para iyong acid na gumuguhit sa lalamunan papunta sa aking tyan.

"Is it your first time drinking?" nag aalalang tanong nilang apat. Tumango ako bilang sagot kaya naman dali dali silang tumayo at pumunta sa isang bar counter. Pinanood ko lang silang apat na nakikipag usap sa bartender doon.

"Hi miss, mukhang mag isa ka ata?" tanong ng isang lalaki na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na. Naaamoy ko sa hininga niya ang tapang ng alak.

"I'm with my friends, they're just buying drinks." natawa yung lalaki sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin kaya naman

"Do you think maloloko mo ko? May isang bucket na dito sa lamesa oh." nakangisi niyang wika.

Nasaan na ba ang mga ito? Please bumalik na kayo dito..

Nilapit niya sa akin ang mukha niya kaya naman umusod ako ng upuan para malayo sa kaniya. Ngunit lumapit ulit siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bumibigat na din ang paghinga ko dahil sa lalaking ito. Naestatwa ako ng may maramdamang kamay sa aking mga tuhod papunta sa aking mga hita.

Lord, please help me. Iligtas niyo po ako mula sa lalaking ito

Itinulak ko ang kamay niya palayo sa akin ngunit hinawakan niya ako ng mahigpit.

"Huwag ka na kasing pumalag miss." bulong sakin ng lalaki. Yung puso ko parang kinakain na yung laman loob ko sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko. Tinulak ko siya ng buong lakas para mapalayo siya sakin. Tatayo na sana ako ng hilain niya ang buhok ko na dahilan para mapahiga ako sa upuan.

Yesterday Once More [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon