"Are you okay?" nanlaki ang mata ko dahil sa mukha na tumambad sa akin. Hindi ako makapagsalita. Ang bilis ng tibok ng aking puso na tila ba'y ako ay hinahabol ng mga kabayong pangkarera. Naramdaman ko din ang pag init ng aking mga pisngi.
Ang bango bango niya! Oh my goodness! Ang kinis ng balat niya, ang ganda ng mga mata niya, ang pula pula at mukhang malambot ang labi niya!
"Miss?" napakurap ako at agad na umayos ng tayo.
"I-I'm fine. T-Thank you" nauutal kong pasasalamat at agad na bumaba para makarating na sa beach.
Hindi na gaanong mainit idagdag pa ang malakas na ihip ng hangin. Tinanggal ko ang suot na sapatos at naglakad sa dalampasigan habang hawak ang mga sapatos. Nilingon ko ang mga cottage na ilang metro lang ang layo sa dagat.
Ganito sana tayo, kung naging bukas ang kaisipan ko.
"Calum! Babe! Let's go!" napahinto ako sa pangalang binanggit ng babae. Agad kong inilibot ang aking paningin.
"Anong gusto mong kainin for dinner?" ramdam ko ang biglaang pagtulo ng luha sa aking mata ng makita ang lalaking minahal ko mula noon hanggang ngayon ay masaya at may kasamang ibang babae.
"C-Calum..." humihikbi kong sambit sa pangalan niya. May unti unting nagtakip ng aking mga mata.
"Huwag mo na kasing tignan. Lalo kang masasaktan niyan." lalo akong naiyak. Wala pa akong limang araw dito sa Bohol pero ang sakit ng mga nangyayari.
"Bakit ba ganon? Kung kailan ready na akong makipagbalikan, doon naman niya bibirahan ang pambababae niya?" hindi ko na napigilin ang sarili ko. Yumuko ako at humagulgol na ako sa harap ng lalaking ito.
Niyakap niya ako at idinuyan ng dahan dahan, humming my favorite song, tapping my back. Ilang minuto kaming nagtagal sa ganoong posisyon.
"Kung gusto mo talaga na malaman ang sagot sa tanong mo, confront him. Hindi yung umaasa ka na makikipagbalikan siya sa'yo." sabi niya ng bumitiw na siya sa yakap.
"Ako kasi ang may kasalanan kung bakit kami nagkahiwalay." nakayuko kong pagdadahilan. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniangat ang mukha ko.
"Look at me" utos niya sakin kaya naman tinignan ko siya sa mata.
"Hindi mahalaga kung sino ang may kasalanan, ang mahalaga at dapat mong malaman mula sa kaniya ay kung mahal ka pa ba niya at kung dapat ka pa bang lumaban. Kasi sobrang hirap lumaban mag isa." sabi niya at nginitian ako. He brushed his thumb to wipe my tears.
"Wala kasi akong ibang lalaki na minahal bukod sa kaniya." malungkot kong sabi. Rinig ko siyang bumuntong hininga.
"You know, medyo gumaan na ang dinadala ko. Thank you." sabi ko at niyakap siya.
"Hindi man ako kasing lambing ng iba, but I know how to comfort someone. Especially, sa taong nagmamay ari ng puso ko." wika niya.
"This girl is really lucky to have you." sabi ko na ikinakunot ng kaniyang noo.
"I don't have a girlfriend." pagtanggi niya na ikinalaki ng mata ko. Tumingin siya sa kalangitan.
"I didn't say that..."pagdepensa ko sa sarili ko.
"It's getting dark. Let's go back na." aya niya. Tumango ako at sabay kaming naglakad sa dalampasigan. Ineenjoy ang tubig na humahampas sa aming mga paa, at ang malamig na ihip ng hangin na humahaplos sa aming mga balat.
"Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kapayapaan. Thank you for staying with me." ngiti lang ang natanggap ko mula sa kaniya, isang napakatamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
Yesterday Once More [ON-GOING]
Short Story"Can I turn back time where everything is fine?"
![Yesterday Once More [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/238428784-64-k61790.jpg)