"Quinn! Bilisan mo! Hinihintay na tayo nila mommy!" sigaw ng kapatid ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.Grrr! Hindi ba to marunong maghintay? Sabi ko sandali lang eh!
"Eto na!" inis kong tugon at lumabas na ng kwarto ko dala dala ang maliit kong maleta, at tote bag.
"Ang dami mo atang dala? 5 days lang daw tayo dun! Bakit parang pang dalawang linggo na yan?" mataray niyang sabi sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi ko na siya sinagot pa at bumaba na. Nakita ko ang maleta ng kapatid kong pagkalaki laki.
"Sino nga ulit satin ang pang dalawang linggo ang dala?" sarkastiko kong tanong sa kaniya. Napairap na lang siya at hinila ang maleta niya papunta sa labas dahil naghihintay na ang parents namin.
"Are my princesses ready?" masayang tanong ni daddy samin. Eto namang kapatid ko tuwang tuwa.
"Yes daddy!" masaya niyang sagot at niyakap pa si daddy. Napairap ako sa ginawa niya.
"Quinn?" tawag sakin ni daddy. Nginitian ko siya at tumango.
"Okay! Akin na yang mga bag niyo, ilalagay ko na sa likod." kinuha ni daddy ang mga maleta namin at pumunta na siya sa likod ng kotse. Pumasok na kaming dalawa sa backseat.
"My daughters, huwag na kayo mag away okay? This day should be a happy day." malambing na sabi ni mommy sa amin. Sabay kaming bumuntong hininga. Nakita ko na papalapit na si dad sa pinto ng driver's seat.
"Gusto ni daddy na magkaroon tayo ng rest and bonding, so please. Please huwag kayong mag away at magtarayan ngayon." nakatingin si mommy samin. Pekeng ngiti lang ang naipakita ko at tumingin na sa bintana.
Nakapasok na si daddy sa kotse at pinaandar na yun. Ipinahiga ko ang sandalan dahil matutulog ako. I have car sickness, ayoko sa mga byahe na yan, lalo na pag sobrang layo ng byahe.
"Sis, may unan at kumot dyan sa ilalim ng upuan mo." malambing niyang sabi. Kinuha ko na lang yung unan at kumot sa ilalim. Tumagilid ako paharap sa may pinto dahil mang iinis nanaman ang kapatid ko about sa car sickness ko.
"You still have your car sickness?" nalulungkot na tanong ni daddy sa akin.
"Yes dad. I think hindi na yun mawawala." tugon ko. Bumuntong hininga siya at tumingin na sa daan.
Ipinasak ko sa aking mga tenga ang earphones at nagpatugtog. Maya maya lang ay nilamon na ako ng kadiliman.
"Quinn, gising na. Nandito na tayo." kalabit sa akin ng kapatid ko. Bumangon ako at nag unat unat. Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagkusot ko nito.
"Sasakay pa tayo ng eroplano?!" I said in disbelief. Napahilamos na lamang ako sa inis.
"We're going to Bohol, Quinn."
![](https://img.wattpad.com/cover/238428784-288-k61790.jpg)
BINABASA MO ANG
Yesterday Once More [ON-GOING]
Kısa Hikaye"Can I turn back time where everything is fine?"